No one's POV:
EVERYONE'S BUSY for the upcoming foundation day.
Princeton University was built eighteen years ago, after Prince was born. At noon pa man, talagang iyon na ang gustong ipangalan ng founder na si Gregory Montereal sa paaralan.
Well, nagkataon lang na noong taong ding iyon ipinanganak si Prince. At kapag nagka-apo siya ng lalaki, Prince ang ipapangalan niya dito. At nagkatotoo nga ito, sabay pa sa taong ipinagawa ang paaralan.
Nagsimula ito sa Day Care hanggang sa tumagal eh nag-expand na ito bilang University. Mga anak ng kilalang tao ang pumapasok dito. May anak ng artista, sikat na modelo, pulitiko, sikat na director, fashion designer, business tycoons, at iba pang kilalang tao na may sinabi sa buhay.
Busy si Ellie dahil sa kanya ipinasa ni Frog Prince ang pag-aasikaso para sa magaganap na engrandeng pagdiriwang sa ika-labinwalong taon ng eskwelahan.
"Ay grabe! Ang hirap mag-asikaso ng ganitong kalaking event. Hays! Buti na lang at nandito ka ate Tin. Hindi ako nagkamaling humingi ng tulong sa'yo."
"Did you forget Ellie? I am the President of our organization?"
"Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko."
"And we have a catering business, so organizing event is my Major Major. You know? Forte?" nakatawang sabi ni Kirsten.
"Thank you talaga, ate Tin ah?" sagot ni Ellie.
Nireview na ni Ellie ang listahan.
FLASHBACK
Ellie's POV:
Aba't kapal talaga ng mukha ah! Aish! Ano ba yan? Anong gagawin ko dito? Ano namang alam ko dito?
Tiiing!
Ah alam ko na!!!
Kapag minamalas ka nga naman oh! Kay Ate Kirsten na lang ako hihingi ng tulong.
Bumaba na ako. At nakita ko nga yung elevator. Aish! Naku! Si manong guard talaga kapag nakita ko yun lagot siya sa 'kin.
DIIIING!
Bumukas yung elevator nakita ko si manong guard. Sakto! Nakatayo sa harap ng lobby.
"Hoy! Manong guard, bakit hindi mo man lang sinabi na may elevator pala? Aba! Ang taas taas pa naman ng inakyat ko. Jusko!" sabi ko kay manong ng may halong inis.
"Well, you didn't let me finish what I am saying. You just suddenly run off."
Ay oh, si manong parang si Frog Prince na din.
"Ah ganun po ba? Sige, punta na ako sa klase ko." Hindi ko na lang pinahaba ang usapan. Baka ma-late pa ako eh. Pagalitan pa ako ng masungit kong Prof.
Laking tuwa ko nang makarating ako sa classroom. Yes! Wala pa si masungit kong Prof.
"Hey, Ellie! Ano ba? Saan ka ba nagpupupunta?" Si ate Tin.
"Ah wala, ate Tin. Nagpahangin lang." Nakangiti kong sagot sa kanya. " Ay, ate Tin! Pwede ba favor?"
"Sure, meimei. Anything as long as kaya ko."
At ipinaliwanag ko na nga ang pakay ko. Nung una, nagulat siya kasi ang alam daw niya taon-taon si Prince ang nag-oorganize nito. Sinabi ko naman sa kanya na ako na ngayon ang personal assistant nito. At mukhang naintindihan kaagad niya ang sinabi ko. Pumayag siya.
Yipeeee! Hindi na ako mag-iisang namomorblema! Lagot sa 'kin yang frog Prince na yan pag-uwi namin!
END OF FLASHBACK
~***~
Uwian na, habang nasa loob kami ng kotse.
"So yun nga, Tug of war... then-"
"Psh. Isip bata ka talaga. Tug of war is for kids only."
ANO?! Adgshsfshgh!!!
"Ano? Masaya kaya yun."
"Boring."
"Ano?! Sinasabi mo bang boring ako?"
BORING?!
Eh di sana, hindi na lang s'ya pumayag sa gusto ni Lolo Greg. Psh. Pahirap sa buhay. Madali naman akong kausap eh.
Kung ayaw n'ya suggestions ko, eh di suggestions n'ya na lang. Pahahabain pa eh.
"Ba't hindi ka kaya magsuggest? Puro ako na lang ba? Di ba sabi ni Lolo, tulungan tayo?"
Nakakahiya naman sa ORIGINAL event organizer.
Assistant pa ang magdedecide. Hayst!
The next day... Uwian.....
Buti may wifi! Since Galaxy Y naman yung phone ko, nag-f*******: na ako. Gumawa na ako ng account. Sabi kasi ni Ate Tin, i-add ko na lang sya at mag-chachat daw kami. Ayun, inadd ko na. Ang bait!!! May notification kaagad.
-Kirsten Chiu accepted your friend request-
Yey! Inadd na nya ako! Post muna sa sss. Hihi.
Typing
Typing
Typi-
Eh? May notification agad? Wait.
-Kirsten Chiu mentioned you in her status-
KirstenChiu: @Ellie Rush Alonso, Hi mei mei! How's the plan for the Foundation Day?
Ellie Rush Alonso : Wala pa din. Kainis! Help me naman Ate Tin.
Kirsten Chiu: hmmm Let me think. I'm a genius right? :) xexe
Ellie Rush Alonso: >.
Kirsten Chiu: Chat me, saka natin i-discuss
Whew! Buti na lang ang bait ni ate Tin!
Ma-imessage na nga muna si Frog prince. Online eh.
Me: Hoy Frog Prince! Asan Ka Na Ba?! Kainis ka, organizer ka Tapos ako pagagawin mo? T.T
Plop!
Uy, nagreply!
Prince Montereal: It's up to you. You have a lot of ideas, right?
GRAAAAAAAAAAABBBEEEEHHHH!!! NAKAKAINIS!
Ma-i-iscreen shot nga. Then, repost.
-Photo Uploaded-
Epal Ka talaga Frog Prince Montereal !!! T.T
Minutes later. This happened.
-Notification-
Kirsten Chiu: pakshems ka talaga prince!!! Isa ka pa nakakahighblood! Kinakawawa mo naman si Ellie!!! Humanda ka sa gagawin namin makikita mo! nasamin ang huling halakhak mwuhahaha
16 hours ago • Like
Prince Montereal : Just do your job, Ellie.
16 hours ago • Like
Ellie Rush Alonso: Leche flan ka Frog Prince! Isusumbong kita kay Lolo Greg eh.
16 hours ago • Like
Prince Montereal: Up to you.
16 hours ago • Like
Ellie Rush Alonso: X( kainis kaaaaa!!
16 hours ago • Like
Prince Montereal: Umboy!
16 hours ago • Like
Ellie Rush Alonso: X-( Umboy ka nanaman d'yan. Frog Prince! Asan ka ha?
16 hours ago • Like
Prince Montereal: Sa kawalan...
16 hours ago • Like
Ellie Rush Alonso: Sa Kawalan?! Hoy, Hindi po lugar ang kawalan. Pilosopo!
16 hours ago • Like
Kirsten Chiu: Bwisit ka talaga Prince!! Naku! Mamumuti buhok namin sayo!
16 hours ago via mobile • Like
Hay! Kung alam nyo lang. Kanina pa sumasakit ulo ko.
~***~
Nagningning ang aking mga mata nang mabasa ako ang listahan na hawak ko.
Princeton University
Quezon City, Philippines
Program List:
Parade
Basketball
Soccer
Volleyball
Raising the flag: Scavanger Hunt
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ms. Princeton U
Wah!!! Tapos na! Nadagdagan ko din!!!!
"Ayan, Meimei. Tapos na problema natin." Itinago ni ate Tin yung G-tech nya. Yaman. G-Tech pa talaga.
Andito nga pala kami sa coffee shop malapit sa school.
"Wah!!! Thank you talaga, ate Tin!! You're an angel!" Niyapos ko sya.
"O, hindi pa natin naiipakita kay Prince na mananalo tayo sa kanya. Wag muna tayong mag-celebrate."
"Okay lang yun. Mukha namang magiging maganda yung event na yun."
Pagkatapos, nag-iba na kami ng landas. Haha. Tagalog na tagalog.
Kahit kasi alukin ako ng ilang beses ni ate Tin, kailangan kong tanggihan. Kasi naman, baka malaman n'ya na kasal ako. Mag-malabulkan pa yang si frog Prince.
Hays. Sorry, ate Tin.
The next day...
Ito na! The Big day! Hoo! Go Ellie!
"Frog Prince." Oh my! Dapat kumatok muna ako.
Napatalikod na lang ako.
"Sorry..." Nakapikit pa ako niyan. Kasi naman, nakasando lang.
"Tss. Would you knock on the door next time? It will save you from self embarassment."
Ano ba yan? Sa lahat pa ng makikita ko, yung nakasando pa s'ya. Bad day talaga!
"I'm done. Now, what do you need, umboy?" Humarap na ako.
"Ayos na yung program list mo."
"Up to you."
"Ano ba, Frog Prince ha? Ako na lang ba lahat?"
"Didn't you organize these things? You should be responsible for them then." Oo na. Ako na lahat. Sabi ko nga Ellie, tayo ang gagawa lahat.
~***~
Sa parade, inayos ko yung pila para organized na. Pupunta na sana ako sa mga ka-department ko kaso,
Pakshems! Nadapa pa ako!
"Oh my gosh! Look at her! She's sooo clumsy." Tumingin ako sa nagsalita. Si Margaux pala. At yung dalawang alipores. Haist! Napupuno na ako!!!
Nakuuuhhh!!!!! Gusto ko na silang kalbuhin. Kung pwede nga lang.
Tatayo na sana ako nang may biglang umalalay sa 'kin. Hawak n'ya ang kanang kamay ko.
"Oh my GOD! Si Fafa Ian..."-Si Lj
Napatingin ako sa kanila tapos pabalik sa taong may hawak ng kamay ko.
"Okay ka lang? Pagpasensyahan mo na yang si Margaux ha? May pagkaspoil brat talaga yan eh. Please ignore them." Nakatayo na ako.
"Thanks." Ngumiti sya sa 'kin tapos umalis na sya. Ang bait nya naman.
Pumunta na lang ako sa mga kadepartment ko.
Nagstart na yung parade.
Whew! Kapagod. Layo din ha?
"Ate Tin, okay na yung una sa listahan. Teka. Sino ba mga kasali sa Ms. Princeton U? Parang nakaka-excite naman." Curious lang.
"Sa Department natin.... Ako."
WAH!!!! Yey! Paniguradong Accountancy Department na ang Mananalo!!!
Next event, basketball.
Nganga ako. Alam nyo ba kung bakit?
Si ate Tin lang naman ang may alam sa basketball. Yung mga fouls ba yun at yung mga shot shot na hindi ko naman naiintindihan.
Hay.
Tapos yun. First match. Talo ang Engineering department. Bukas na ulit ang next match.
Next game, Soccer.
Umupo na kami ni ate Tin sa bleachers ng Soccer field. Naglabasan na yung players.
Teka, si kuyang mabait yun ah. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Oo nga! Lumingon s'ya sa'kin at lumapit.
"Hey, ikaw yung girl kanina ano? I'm Ian, by the way." He smiled. Ampogi!
"I'm Ellie." Nag-shake hands kami.
"Hi Kirsten."
"Hey" tipid na bati lang ni ate Tin sa kanya.
Tumingin ulit s'ya sa'kin.
"So...you're Prince's assistant?" Tumango na lang ako.
"Yep." He smiled.
"Looks like the event turned out well, for now. Good job." Nginitian ko na lang sya. Compliment ba naman kasi.
Lumingon sya sa kabilang side ng field at kumaway sa kanya yung isang lalaki.
"I have to go. See you later, Ellie." Nakangiti niyang paalam at bumalik na s'ya sa mga ka-teammates nya.
Nag-start na din yung game.
Wah!! Galing ng kalaban!!! Four goals sila! Kaso kami, dalawa lang. Hays! Sayang naman. Better luck next time.
At dahil inaabot ng gabi, kailangan pang ipagpabukas yung ibang games.
Pageant night na ng Ms. Princeton U. Ano kayang mangyayari?
Nakaka-excite naman.
~***~
The next day....
Napaaga ata ako ng dating ah.
Time check 06:30 am.
Grabe masakit pala sa katawan ang mag-asikaso ng ganitong event. Lagot talaga sa 'kin yang si Frog Prince kapag natapos 'to. Buti nakatulog agad ako kagabi pagdating ng bahay.
Nakalimutan ko pa mag-almusal. Aish! Kain na lang ako mamaya sa canteen. Lakad lakad muna, Ellie.
Chinecheck ko na rin ang mga booth. Yep! Bukod sa mga activities meron ding mga booth. Bawat tent ay may kani-kanyang booth. Fashion boutique booth, mga nagbebenta ng accessories and other stuff for a girl.
Gusto ko sana icheck kaso sarado pa. Usually nagbubukas sila 10 am na.
Meron din booth ng books. Babalikan ko yun mamaya baka may bagong book akong makikita. At marami pa. Bukod dun meron ding booth para sa mga ikakasal. Whoa! Uso din pala yun dito. Naglakad pa ako. Meron din booth ng kainan.
'He-he' evil laugh inside.
Bukas na kasi yung kainan- ay resto pala.
Hmmmm
Ang bango ng pagkain!
krrrruuuggg~
Oh di ba? Pati tiyan ko nakiki-ayon. Hehe. Makakain na nga lang.
Umorder at kumain na ako. Light lang muna kainin ko baka saktan ako ng tiyan mag-reready pa ako para sa event. Mamaya masira ito ng dahil lang masakit ang tiyan ko.
So nag order ako ng two pancakes, one sausage meal. Syempre with hot choco yun.
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa mabusog na ako. Nagbayad na ako bago umalis. Inasikaso ko na din ang mga dapat asikasuhin.
Grabe! Ang kalat ng paligid. Linis tuloy ng linis si manong kawawa naman.
Nagpulot ako ng ilang basura. Haha. Kapagod din pala? ' Awat na' sabi ko. Umalis na rin ako at pumunta sa field.
Marami na nagpapraktis. Wow ah! Ang seryoso nila. Hanggang sa magdatingan na ang mga tao at nagsimula na ang game.
Bilis ng oras lunch time na. Nakita ko si ate Tin naglalakad papunta sa 'kin.
"Meimei, kalabaw ka ba?"
Huh? Ano daw?
"H-huh? Bakit, ate Tin?"
"Yung bwisit na apo ng may ari ng school hinahanap ka sa 'kin"
Ah! Haha uso din pala ke ate Tin ang salitang JOKE. Bakit kaya ako hanap ng frog Prince na yun?
"Nasan siya ate?"
"Haist! Kasasabi ko lang kay Prince kanina di ako hanapan ng nawawalang kalabaw. Ngayon, ikaw naman. Ewan! Hanapin mo. Bigla ding umalis nung sinabi kong ewan ko."
Si ate Tin talaga. Baka kabado ito mamaya sa pageant nila.
"Ah sige, ate Tin. Hanapin ko na lang siya."
"Sige. Go! Shooo!" Kung manaboy, wagas si ate Tin. Itulak ba naman ako.
Nagsimula na akong maghanap kay Frog Prince nang biglang tumunog phone ko.
Phone ringing...
One message recieved
Opening.....
From: Frog Prince
Where are you? Rooftop now.
Si Frog Prince pala. Hahaha. Oo, pinalitan ko ang name niya sa contact list ko. Psssh! Nagreply ako.
To: Frog Prince
K!
At pumunta na nga ako sa Rooftop. Ganda talaga ng view dito. Panira lang si Frog Prince. Tsk!
Lumapit na ako sa kanya.
"You left so early this morning. So, here. Pinabibigay ni lolo."
May iniaabot siya sa 'kin. Ano kaya ito?
"Pagkain yan." Parang nabasa ni Prince tanong sa isip ko ah.
"Wow talaga? Naku, salamat kay lolo Greg, di na ako bibili ng pagkain. Di na rin ako mapapagastos." Ang saya ko lang. Napansin kong may tatlong band aid siya. Isa sa daliri niya, padalwa sa may pulsuhan at patatlo sa may braso.
"Ano yan?" Tumingin din siya sa tinitingnan ko.
"Band aid, malamang." Kita ko nga eh.
Napairap ako sa kanya.
"Alam ko na band aid yan. What I mean is, napano yan?"
"Wala! Tsk! You can leave now."
"Sungit talaga nito! Opo, kamahalan. Babush!"
"Wait!" Pinigil ako ni Frog Prince sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
Nagkatitigan kami. Iiiiiih! Inaykopo! Kinikilig yata ako!!! Speechless ako.
"Thank you, Umboy! Okay ang pag-aayos mo ng event na ito. Yung lang. Sige, makakaalis ka na. Magkita na lang tayo sa pageant mamaya. We have to be there because lolo will surely watch the show."
Ha! Yun lang yun? Ano pa ba ineexpect mo Ellie! Psh! Back to reality!
"Ah, yun? Wala yun. Sige."
Ang weird niya makipag usap. Iwas siya ng iwas ng tingin sa 'kin. Kasuklam suklam ba talaga ang mukha ko?
Nakakapanibago hindi kami nag-away pero tinawag pa rin akong Umboy. Hmph!
Pero, bigla siyang nawala sa harapan ko. Nasan na yun? Kala ko ba ako ang pinaaalis? Bakit siya ang umalis agad agad? Tsss. Ang gulo niya.
Umalis na lang ako at dumiretso sa canteen. Malantakan na nga itong pagkain.
Wow! Ang bango naman nito. Ang bait talaga ni Lolo Greg. Tsk! Sana yung apo niya kahit minsan ganun din.
Laman ng lunch box:
Rice
Fried egg
Fried hotdogs
Fried chicken
Fried Ham (SPAM yata ito?)
Teka, bakit puro fried? Sus! Choosy pa ba? Yung iba nga wala makain eh! Sige. Pwede na ito. Pero, nakakapagtaka lang. Sana naman next time, may sabaw na.
Kumain na ako. Masarap naman kahit prito eh. Hehe.
Pagkatapos ko kumain. Umalis na ako at bumalik sa field.
Grabe! Ang init naman. Makapunta na nga lang sa Gymnasium.
Kita kong busy na sila sa pagpeprepare. Omo! 4pm na pala? Bilis ng oras. Tumingin ako sa mga nag-aayos at tumulong na rin.
Time check 6pm. Gosh! Kailangan ko na magpalit. Uwi muna ako para makapagshower.
I'll be back at 6:45 pm.
~***~
Pagbalik ko dumadami na din mga tao. 7pm na pala eh. Dumiretso ako sa Gym
Nag-assist ako dun sa backstage. Ang epal kasi ng organizer. Naging organizer pa, hindi rin naman gumagalaw. Much appreciated pa sana kung kahit konting tulong. KAHIT KATITING na TULONG lang, okay na okay pa sa 'kin.
Kaso yun, nag invisible man pa.
Kainis! San kaya nagmana yun? Parang hindi naman ganun yung Lolo nya eh.
"Hello everyone, we may begin our program. Before we start. We may call on Mrs. Garcia to lead the prayer. Followed by the Princeton U band for the National anthem."
Pagkatapos ng song, nagsimula na ang program.
"Hello Princetonians!!!!!"
"And hello sir Gregory, our founder." Bati ng lalaking emcee. Nandito na pala si lolo.
"Wow! The whole gymnasium is full." Naghiyawan ang mga estudyante. "Before we introduce to you the candidates, let us first introduce ourselves. I am Monica D. Sta. Maria." Pagpapakilala nung babaeng emcee.
"And I am Felix H. Tamano." Tapos nagsabay sila. "And this is Ms. Princeton U 2014."
Nagpalakpakan lahat.
"Whew! The crowd loves us."
"No Felix. They love the candidates. Excited na silang makilala ang ating mga candidates kaya wag na nating patagalin pa. Let us call on the candidates. Everyone. The Ms. Princeton U Candidates for 2014."
Nag-labasan na sila.
"Good luck, ate Tin." bulong ko sa sarili ko para sa kanya habang papalabas na lahat ng candidates.
Grabe! Ang GANDA ni ate Tin! Kung lalaki lang ako, liligawan ko 'to eh! Hahaha. Umboy lang? Teka.... Bakit Umboy?!
Hindi ako si Frog Prince no! Tomboy pala.
"Contestant number one. From the AB & Criminology Department, Ms. Natalie M. Fernandez."
Napopose na yung unang contestant. Ang galing mag-catwalk.
"Contestant number two. From the Tourism Department. Ms. Margaux Nakamura."
Landi magpose. Parang ngayon lang sumali eh.
Madami na natawag. Kaso, nakakatawa yung contestant number eight.
Si LJ! Hahaha.
"Contestant number eight. From the Fashion Design Department.... huh?" Hahahaha! Nagtaka na yung emcee Hahaha
"Ms. Laura Jane Herera?" Sabi ni Monica.
Rumampa na si LJ. Nagtatawanan naman yung mga estudyante. Ang GANDA ng LEGS! Grabe! Hahahaha! SOBRANG KINIS! Hahahaha.
Hinablot n'ya kay Monica yung mic.
"Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" Tapos nagpopose uli.
Mamamatay ako sa kakatawa. Hahaha!
Hinablot ulit ni Monica yung mic.
"Okay. Next up, from the Accountancy Department. Ms. Kirsten Chiu."
Wow! Parang grand entourage lang? Nganga ang mga estudyante! Ano kayo ngayon? Sino mas maganda? Bet n'yo o Bet ko?
Natawag na ulit yung iba pang mga candidates.
Pagkatapos no'n, Casual wear naman. Nanalo si Contestant number one. Galing magdala ng damit eh.
Sa tropical wear, hahaha! Nakakatawa talaga yung LJ na yun! Nag-one piece ba naman? Tapos may cover up pa s'ya na see through.
Ang nanalo naman dun si ate Tin. Sexy na, maganda pa! Natotomboy talaga ako sa kanya.
Next, Sports wear..
Ganda ng kay ate Tin, pang-soccer. Marunong pala sya? Sumipa kasi sya. Nagulat ako kasi, may goal post sa stage. Galing talaga ni ate Tin mag-organize. Siya na!
Si ate Tin ulit ang nanalo! Yey!!
Habang nag-hahanda ang mga candidates para sa talent portion...
"Before we show you the Talent of our candidates. Let us please call on Mr. Prince Montereal for a surprise number." Sumilip ako sa labas.
Haha kita kong nagulat ang loko! Umiling ito. Psh! Payback time baby! Baby? Yuck, Ellie! Mahiya ka nga! Di kayo noh!
Kita kong di pa rin ito tumatayo.
"Grabe, yan na nga lang maiitulong mo, hindi ka pa pupunta?" Nagulat siya sa 'kin. Oooops! Wrong move, Ellie! Alam niya na pakana mo ito. Aish! Me and my stupid mouth and brain!
"Lagot ka sa 'kin mamaya!" Aray ko po! Juicemiyo! Nagbanta na. Napalunok ako. Nginitian ko lang siya.
Lumapit sya sa kay Felix at kinuha yung mic na iniabot sa kanya. Tapos umalis na yung dalawang emcee. Katabi ko naman ngayon yung isang emcee, si Monica.
"Good job, Alonso. The event went well. Panuod ako ha? Hindi ko pa nakikita yang si Prince kumanta eh."
" Sure." Buti na lang mabait to.
Nga pala, alam nyo ba kung bakit ko sya pakakantahin?
Ganito kasi...
FLASHBACK
Nasa sasakyan kami, magkatabi. Nakaheadphones sya. Ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
Nang biglang...
~And baby, everything that I have is yours,
You will never go cold or hungry.
I'll be there when you're insecure,
Let you know that you're always lovely.
Girl,coz you are the only thing that I got right now.~
Nakakagulat, bigla bigla na lang kumanta. Hindi siguro nito alam na pakinig ko ang boses n'ya.
Ang ganda pala ng boses nya.
PRESENT
Nagsimula ng tumugtog yung song. Nakita ko pang nagulat siya sa kakantahin niya. Siguro dahil alam niya ang kantang ito.
[Prince]
~You've Got that smile,
That only heaven can make,
I pray to God every day,
That you keep that smile.~
OH MY GOLLY! Galit talaga sa 'kin si Frog Prince!!! Masama tingin eh.
Tiiiing!
Alam ko na! Pambawi man lang. Baka mamaya sabihin pa niya, ipinahiya ko siya.
"Uh, Miss, pwede pahiram ng mic?" Tumango sya at ibinigay nya iyon sa 'kin.
Haist! Kung hindi lang dahil gusto kitang isalba. Pangalan ng Montereal ang nakasalalay dito. Go!
Lumapit ako sa kanya habang kumakanta. Sakto lang.
[Me]
~You are my dream,
There's not a thing I won't do,
I'll give my life up for you,
Coz you are my dream~
Tinitigan ko sya. Yung tingin na 'Yan ha. Gumawa na ako ng paraan para hindi ka mapahiya. Hmph!' sa isip isip ko. Kala siguro nito magpapatalo ako.
[Both]
~And baby, everything I have is yours,
You will never go cold or hungry.
I'll be there when you're insecure,
Let you know that you're always lovely.~
[Prince]
~Girl, coz you are the only thing that I got right now.~
Tinitigan nya ako. Ano ba yan? Kailangan pa talaga na may holding hands effect?
[Prince]
~One day, when the sky is falling
I'll be standing right next to you,
Right next to you~
[Me]
~Nothing will ever come between us,
Coz I'll be standing right next to you,
Right next to you.~
[Prince]
~You had my child,
You make my life complete.
Just to have your eyes on little me.~
[Me] That'd be mine forever.
[Both]
~And baby, everything I have is yours,
You will never go cold or hungry.
I'll be there when you're insecure,
Let you know that you're always lovely.~
[Me]
~Boy, coz you are the only thing that I got right now.~
[both]
~One day, when the sky is falling
I'll be standing right next to you,
Right next to you
Nothing will ever come between us,
Coz I'll be standing right next to you,
Right next to you.
Stand by my side, side, side,
Stand by my side...(ooh....oooohh)~
Pagkatapos naming kumanta, nagkatitigan kami. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng Gym kaya napabitaw ako sa kanya.
Nag bow kami sa audience. Pakatapos, nagmadali akong bumalik sa backstage.
Whew! Nakakanerbyos.
Lumapit naman sa 'kin si ate Tin.
"Wow, Mei mei! Maganda pala boses mo."
"Uh, eh...... Hindi ba halata na kabado ako nung kumanta, ate Tin?"
Umiling sya.
Hoooo! Grabe! Hindi pa halata yun? Ayoko nang ulitin yun! Nakakatakot! Madaming tao!
"Umboy, you made me sing?!" HALA!!!! Si Frog Prince! Lagot na! Kalma Ellie!
"EH PALAGI ka naman kasing WALA." Yeah right! Lagi kang wala! Hmph!
"Psh. Pinasayaw mo na lang dapat ako." Uy demanding o!
"Eh wala ka nga di ba? Malay ko bang marunong kang sumayaw." Pagkatapos nun, nilapitan ko si Monica at ibinalik yung mic sa kanya.
ASAHAN NIYO HINDING HINDI NA AKO KAKANTA!!!