Prince's POV:
ARAY!
I touched my forehead. AISH! Babae ba talaga yun?!
Tsss! Ang sakit!
Bakit ba sa dinamiraming tao sa mundo, siya pa napili ni Lolo?!
I just went straight to my room.
Blag!
I punched the wall that was between my room and that girl's room.
"Ay Frog Prince ka!" I heard her scream.
"Gising ka pa pala, Umboy?"
"ANO BA?! Nakakailan ka na ha! Bakit ba Umboy nanaman?"
"You acted like a man just awhile ago. And now, you're asking me that kind of question? Umamin ka nga, lalaki ka ba?"
"ANO?! Hoy Mr. Montereal, pasalamat ka meron pa akong hiya sa lolo mo. Pasalamat ka nasa kabilang kwarto ka. Dahil kung hindi , sa ospital ka pupulutin!"
I smirked.
"Really? Mr. Montereal? Now, after what you just did? You're being too formal? And I guess what you said tells me that you really are a guy." Napailing na lang ako.
"Sige kung ayaw mo ng Mr. Montereal, Mr. Frog Prince na lang!"
"Aba! At sinusubukan mo ba ako?" Umaaro ako sa dingding na manununtok. Grabe talaga itong babae na ito. Nakakakulo ng dugo! Psh!!!
Ellie's POV:
Aba! Ang kapal talaga ng apog ng taong 'to, no? Sobrang yabang talaga! Teka, akala ko ba maaga kami bukas?
Tutulungan ko pa si yabang mag-organize.
"Hoy Mr. Frog Prince matulog ka na nga. Matapos mo kong sabihan kanina na baka ka maleyt ng dahil sa 'kin, tapos ikaw pala itong hindi yata magpapatulog. Para kang babae, talak ng talak!" Nyenyenye!
Oo! Para akong sira, binebelatan yung dingding! Aish! Sana lang talaga nakikita niya pinaggagawa ko para matawa ako sa reaksyon niya. Alam ko asar na siya sa 'kin! Hehehe
Ewan ko sa'yo!
Humiga na 'ko sa kama at natulog.
Kinabukasan sa school, bumaba na ko sa kotse. Sinipat ko ang buong paligid para makasiguro na walang taong nakakakita sa'min. Nagmumukha na akong espiya o ninja sa ginagawa ko.
Bumaba na din si yabang.
"You're starting to look like an idiot." One point na naman ako dun.
Bigla niyang iniabot sa 'kin yung kamay nya.
"Holding hands?" Holding hands talaga?
"Phone mo, engot."
Sabi ko nga. Ang bobo ko nga eh. Sorry naman. Ang assumera ko talaga.
Ibinigay ko ang phone ko sa kanya. Nagta-type s'ya tapos ibinalik n'ya din sa'kin ang phone.
"Text me kung anong oras tayo mag-uusap tungkol sa foundation day." Tapos umalis na sya.
What do you expect sa isang katulad niya?
Sa hallway, habang naglalakad ako, may biglang yumapos sa likod ko.
"MEIMEI!"
Si ate Tin lang pala eh. Binitiwan niya din kaagad ako.
"What happened yesterday? Bigla ka na lang nawala." Nagpout s'ya. Ang cute!!!
"Ano kasi.... Sinundo ako ni Lolo. May emergency kasi sa bahay. Sorry talaga." Pagsisinungaling ko.
"Ah, ganun ba?" Hinawakan nya kamay ko.
"Tara na sa classroom? maleleyt daw si sir, pero chikahan muna tayo." Tapos hinila nya ako papuntang room.
Phone ringing..
Ha? Ano yun may tumunog.
Kinapa ko phone ko. May text ako.
One message received from Mr. Gwapo
"Huh? Gwapo? Sino yun? Wala naman ako natatandaan na may ganito sa phonebook ko."
Inopen ko na lang kung anong laman ng text.
From: Mr. Gwapo
Hey Umboy! Meet me at the rooftop. 5minutes. If you're late lagot ka sa 'kin. ASAP!
"Ay grabe! Ang kapal talaga ng mukha! Siya pala ito. Hays!" Natatawa na lang ako.
Kung makautos, kala mo hari. Wow ha! Ano na naman kaya kailangan nito?
Aish! Ang ganda ng araw ko!
"May sinasabi ka, meimei?" tanong ni ate Tin.
"Ah, wala, ate. Sige, mauna ka na. May pupuntahan lang ako saglit.
"Pero...."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tinakasan ko na naman siya.
Teka, saan ba rooftop dito?
Nakita ko na naman yung Inglisherong guard.
Sige. No choice ako. Sa kanya ko na lang tanong kung saan ang daan papunta do'n sa rooftop.
"Hi Manong Guard, tanong ko lang kung saan dito daan papunta sa rooftop?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Well you see that stairs?" sabay turo dun sa hagdan sa kabilang building. "At the end of it, it will lead you to the place you're looking for." Tumango na lang ako. Aish! Si manong talaga oh! Kaka nosebleed! Nga-nga ako.
At tumakbo na ako para makarating ako dun within five minutes. Wow ah! Grabe lang ang haba ng binigay niyang oras. Ano ako? Si darna? Liliparin ko yung daan papuntang rooftop?
Ano ba yan? Nasa fifth floor pa lang ako, nakakapagod naman! Ilang floors ba ito? Aish! Si manong naman kasi. Grabe ha! Wala bang elevator dito?
Tinakbo ko na ang hagdan para makarating agad ako. Baka maleyt pa ako sa klase ko. Lagot na. Masungit pa naman first subject ko.
Tumingin ako pataas. Ay grabe! Ang taas pa.
Pero sige keri ko ito! Aja, Ellie!
At yun narrating ko na nga ang rooftop. Namangha ako grabe ang ganda ng view.
Kaso ng napatingin ako dun sa isang tabi. Nalungkot ako. Nakita ko lang naman si Mr. frog Prince. Lumapit ako habang hawak ko ang dibdib ko. Kapagod eh.
"Psh! You're late, Umboy. I said five minutes not fifteen minutes" tumingin pa ito sa relos niya.
"Aish! Gra-a-beh ha? Wah-la man lang ah-biso na hah-nggang tenth floohhr pala itong building na 'to. Tinakbo ko na tuloy." Sagot ko habang sapo ko yung dibdib ko sa sobrang hingal. Paktay! Wala pala akong dalang tubig ngayon. Syete talga! Sirang-sira ang araw koooooo!
"Engot ka talaga eh no! Didn't you see the elevator at the lobby? Are you blind?"
Syete! Pagagalitan ko si manong guard eh! Ano ba! Grrrrrr!
"Sorry naman ha! Wala kasing sinabi si manong guard na may elevator pala itong napakalaki niyong unibersidad! Naturingang English speaking pamali mali naman ng instructions!!!!" Pasigaw kong sabi sa kanya
"Sus! Baka sabihin mo engot ka talaga!" sabi ni yabang.
"Grabe ah? Salamat ah!!! Yaan mo next time sasauluhin ko na bawat sulok ng eskwelahan niyo! Happy now?" I smirked.
My golly!!!
"Oh ano ba kailangan mo sa 'kin at urauradang pinapupunta mo ako dito??" tanong ko sa kanya.
Tumalikod naman sa 'kin si yabang at humarap sa view ng rooftop.
Ipinatong ang kamay niya sa may gutter at parang may iniisip.
"I want you to organize the upcoming Foundation Day Event and it's an order from me"
"HAH! Wow ah? Ang pagkakatanda ko sabi ni lolo Gregory, ikaw ang Chairperson. Meaning ikaw ang mag aasikaso di ba? Eh bakit ngayon ako ang inuutusan mo? At saka, hello? Assistant mo lang daw ako ah!" kapal ng frog Prince na ito, yun lang pala ang sadya.
"Welll, I guess iibahin ko ang sinabi ni lolo. I'm ordering you to organize this event. Here's the list. You'll need that."
At may iniabot siya sa 'kin na papel. At bigla na lang itong nagwalk-out. Aba't kapal talaga ng mukha! Ano ba yan? Anong gagawin ko dito? Anong alam ko dito?
Sandali akong nag isip. Mayamaya pa'y may ideyang biglang pumasok sa isip ko.
Tiiing!
Teka, alam ko na!!!