Ellie's POV:
Gabing gabi na nang makarating kami sa bahay. Napumilit din kasi ako eh. Kaso kinailangan ko pang gawin yung ilang test bago ako lumabas.
Buti na lang talaga at napilit ko si frog Prince. Tumawag rin si lolo Greg kanina. Chineck niya lang kung okay na ako at kung nakalabas na kami ng hospital.
Baka kinausap siya ni Prince tungkol sa pagpupumilit ko sa kanya. Kaya siguro pinayagan na rin ako ng doktor na makalabas after ng mga test na yun.
Whew! Nakauwi din sa wakas. Haaay... Kapagod! Kala ko hindi na ako makakalabas kanina, Buti nandun si Prince at pinilit niyang buksan yung pintuan. Hindi lang pinilit, sinipa pa. Ewan ko lang kung nabayaran niya na din yung pintuang sinira niya.
Pagkababa ng kotse, ipinagdala ako ni Prince ng gamit at inalalayan.
"Hey, are you alright?"
Tumango na lang ako. Sa totoo lang kasi. Nawewirduhan ako sa kanya. Nakakapanibago lang din.
Pagkapasok namin ng kwarto ko, ibinaba niya yung bag ko.
"Baba lang ako. I'll call you when it's dinner time. You need to eat. Para lumakas ka kaagad."
Ngnitian nya ako. Tumango na lang ako bilang sagot.
Pagkaalis niya, napahinga ako ng malalim. Humiga ako sa kama at nakatulog. Nagising lang ako nung nakaramdam ako ng uhaw.
Bumaba ako kahit tinatamad ako. Nang marating ko ang dulo ng hagdan may naamoy ako.
Ano yun? Bakit amoy sunog?
Nanlaki ang mata ko. Hala! May nasusunog!
"Manang?" Sino bang nag luluto dun sa kusina? Sina manang lang ang alam kong nagluluto dun eh.
Sumilip ako sa kusina. Eh? Si Prince? Hahahaha. Nakakatawa. Nagpiprito na lang lumulundag pa.
"Pft." pinipigilan ko lang talaga tumawa. "Prince, ano 'yang niluluto mo?"
"Fried rice. Manang taught me how. But she suddenly left. Iniwan naman ako sa ere. Tss."
Kawawa naman ang asawa ko.
Hahahay! Asawa? Okay, friend lang. Hindi ko talaga kayang tawaging asawa 'to no! Medyo close na din kami kaya friend lang.
No choice, baka puro abo na lang makain ko mamaya.
"Ako na d'yan. Marunong naman ako magluto eh."
"No, umboy. You're still not well. Just sit there and watch." Nag labanan pa kami ng titigan. "What? I'm just concerned about your health."
Concerned? Bakit hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi niya? Concerned talaga siya?
Kung sabagay, pagkatapos ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, mukha nga siyang concerned.
"Pero..."
"No more buts, Ellie. I don't want to argue with you right now. Just sit back, relax and enjoy your view. I'll be done in a bit"
Haaaaaysss! Ayoko rin naman ng away ngayon. Kung pwede nga lang buong taon kaming ceasefire eh. At saka feeling ko nanghihina pa rin ako. Kahit puro higa at tulog lang ako sa kama.
"Sige. Tuturuan na lang kita magluto sa susunod. Para naman hindi na amoy sunog kahit prito lang yan."
Pero sa hinabahaba din ng pangungulit ko, kinuha ko pa rin sa kanya yung niluluto niya at itinuro kung pano.
Ayoko kaya kumain ng sunog. Kawawa naman yung tiyan ko. Kapag nagkataon, baka maospital na naman ulit ako.
Buti na lang at good boy ito ngayon. Marunong sumunod sa instructions. Natutunan din niya kahit papaano.
"Good job, Prince!"
Nginitian niya lang ako.
Wooooo! Pers taym yun ah! Kinilig naman yung skin at bones koooo.
Pagkatapos no'n, kumain na kami. Wala nga si manang. Si manong Jules naman, May kinuha daw na files dun sa kumpanya nina Prince.
"What do you want to have for tomorrow?"
Hoy Prince, ikaw ba talaga yan? Sinasapian ka nanaman ba?
Nag isip din naman ako. Hahaha. Mag paluto kaya ako ng adobong manok? Pinaka-fave ko yun eh.
"Adobong manok.."
Napansin ko namang nagulat siyang nang sabihin ko 'yon.
"Hindi mo naman yata alam lutuin yun, kaya wag na lang. Ikaw na lang mag decide. Kung ano lang kaya mo, basta edible."
"It's not that... It's just that.....that..."
"Ano?"
"That's my favorite food."
Eh? Parehas ang favorite food namin ni Frog Prince?
"Pano? Turuan kita bukas?"
"I'll be sure to wake up early. We don't have classes tomorrow. So.... turuan mo ko." Nagsmirk siya.
Teka. Ba't nga pala wala si manang?
"Prince, bakit nga pala wala si manang?"
"She said her neice was sick. Ten years old lang yung pamangkin niya at wala nang magulang na nag aalaga sa kanya. Kaya si manang Fely na lang ang nag ampon sa kanya."
Ah, kaya pala. Okay.
cough cough
"Ack! Nasobrahan yata ng asin to." pag iiba ko ng usapan.
"Tss. You're telling me that when you almost emptied your plate. How ironic."
Ano ba, Prince? Iniiba ko lang topic. OKAY?
Pagkatapos naming kumain. Ako na ang nag ligpit ng pinagkainan namin. Habang si Prince, nanonood sa salas ng horror movie.
~***~
Nag lakad na ako papunta sa taas nang matapos ko ang paglilinis sa kusina. Kaso, napadaan ako sa salas kaya napansin ako ni Frog Prince.
"Umboy,come here."
Hoy! Wala namang ganyanan Frog Prince!
"Sit beside me."
Wag mong sabihing nagpapasama siya manuod ng movie na yun?
Ayaw ko kaya manuod ng horror. Korean drama pa kaya,oo.
"Antok na ako eh. Manuod ka na lang mag isa." Nginitian ko siya kahit medyo awkward yung ngiti ko.
"You're such a scaredy cat. Takot ka lang."
Nagsisimula na naman 'to ng away eh.
"Hindi no! Pagod nga ako."
"Okay, suit yourself . You won't be able to get used to it if you don't watch."
Anong problema mo?!
"Aish! Sige na nga!" Nahahawa na yata ako kay Frog Prince ng pag a-aish.
Nanood na kami. Grabe naman. Ang pinanood kasi namin ay Paranormal Activity. Napanood n'yo na yun? Nakakatakot! Hindi kasi nakikita yung nagpaparamdam sa bahay kaya sobrang nakakatakot. Ni hindi ko nanapansin na nakasiksik na pala ako kay Frog Prince!Syete!
"Natakot ka?" umiling ako
"Hindi no!" Oo! Pwede na ba akong bumalik ng kwarto ko?
"Psh. Hindi daw."
Natapos na yung movie. Ini-off niya na ang TV.
"Tara, tulog na tayo."
"Huh?"
Nakatayo na pala siya?
Tumayo na din ako. Nagmadali na ako pumasok ng kwarto. Kaso natakot ako. Kung anu-ano kasing naiimagine ko. Mayamaya pa, kumatok ako sa dingding.
"Frog Prince..."
"O?"
"Gising ka pa pala."
"Hindi. Tulog na ako."
" Eh bakit sumasagot ka pa sa 'kin? Gising ka naman eh."
"Kaya nga ako sumagot di ba? Tsk. Engot talaga."
Ay, syete. Namilosopo pa.
"Hindi ka makatulog no?"
Kinagat ko ang labi ko saka sumagot.
"Ikaw kasi, bakit mo ipinapanuod sa 'kin yung movie na yun."
"Hahaha. Scaredy cat ka pala eh."
Takte!
"Tawa pa. Bangungutin ka sana." Inis na bulong ko.
Nag talukbong na lang ako para hindi na ako mag imagine. Naging tahimik na naman ang paligid. Kaso, pagkalipas ng ilang minuto, may biglang nag salita.
"Alam mo, masusuffocate ka sa ginagawa mo."
"Ay palaka mo!" Nyemas ka, frog Prince! "Matulog ka na lang sa kwarto mo, wag mo na lang akong pansinin."
"Tch! Paano ako makakatulog kung ginising na ako ng boses mo?!"
"Kailangan mo ba talaga akong sigawan?" Kumunot ang noo niya. Napapikit ako sa sobrang inis.
Pasensya, Ellie. Malaking pasensya. Napakalaking pasensya.
Kumuha siya ng isang upuan at umupo sa may tabi ng kama ko.
"Teka, dito ka matutulog?"
"Of course not. I'm just gonna stay here for a little while and watch you until you fall asleep." Nag cross arms siya habang nakatingin sa 'kin.
"Okay, goodnight." Tumango lang siya.
~***~
Prince 's POV:
Aish! Umboy woke me up. Actually, I was already sleeping when she called me.
Kapag nagising ako ng isang beses. Hindi ako agad agad makakabalik sa pagtulog.
Para akong nagbabantay ng bata. I'm not even a baby sitter. Oh, oo nga pala. Cry baby nga pala si Umboy. So, she's still a kid. Hahaha. No offense, pero ganun naman talaga ugali niya eh.
Napansin kong nakatitig siya sa ceiling. What's on the ceiling? Napatitig din naman ako. Wala naman ah. Buti dala ko yung mp3 player ko just in case.
Tch! Hindi pa rin yata 'to matutulog hangga't naiimagine niya yung napanuod niya kanina. No choice. I took out my mp3 player and earphones. Isinuot ko yun parehas sa magkabilang tainga niya.
Hindi ko pala napansin na ang kantang nakaplay ay... Next to you. Which was the song we sang on the pageant night. Hinayaan ko na lang. Baka sakaling makatulog din siya.
"Prin-"
"I already told you to go to sleep, didn't I? Goodnight, Era." I closed my eyes while listening to the song.
Shit! Why do I keep on calling her by that name?!
One day when the sky is falling
I'll be standing right next to you
Right next to you
Nothing will ever come between us
'Cause I'll be standing right next to you
Right next to you
I smiled when I heard her voice. Iminulat ko ang isa kong mata para silipin siya. Looks like she's already asleep.
"Good night, Era."
After a while, I was awakened again by the sound of Era's voice. She was tossing and turning on her bed.
"Prince... Prince...."
I don't know why, but I smiled after hearing her call my name.
Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa bed sheet niya. Nilapitan ko siya para tingan ang temperature niya. She feels a little hot and she's sweating. Kaagad kong pinindot ang call button intercom sa ibabaw ng headboard niya.
"Manang, please call someone to get some towels and a basin with water. Nilalagnat po ulit si Era."
"Sige po, young master."
I heaved a sigh of relief when I heard manang's voice. Thank God she's still awake. Napalingon ulit ako kay Era.
"I'm here, Era." I quickly grabbed her hand.
She sighed and looked relieved upon hearing me say that. I smiled again.
"Don't worry. I'm just right next to you, Era. I'm not going anywhere."
~***~
Kinaumagahan, nagising ako ng mas maaga pa kay Era. I checked her temperature before leaving her room. I went straight to the kitchen. The helper and one of our personal chefs greeted me.
I told the chef and our maids about what Era and I will do this morning. I also asked them to just take leave for today.
After that, I prepared the recipe for the food we're going to cook. I've also set the table. Then I double checked if there's anything missing. I went thru the recipe again which was listed on my phone.
Nung nakontento na 'ko. Umakyat na uli ako sa kwarto at ginising siya.
"Era, wake up."
She slowly opened her eyes. She looked so surprised to see me first thing in the morning.
"Ang aga mo naman sobrang magising."
"Are you feeling okay now?" she weakly smiled and nodded.
"Sandali lang." she went to the bathroom and I just waited for her.
Nung pababa na ako nakasunod na siya.
"Ba't sobrang aga mo naman yata? Ano bang lulutuin ko? Este, natin?"
Eh? Nakalimutan mo kaagad? Psh.
"AY! oo nga pala. Adobong manok. Hehe fave natin. Sige. Ihahanda k-"
"Already did that. Turuan mo na kaya ako."
"Ay, excited much? Sige ganito yung gawin mo..." Dinikta niya lahat ng gagawin. Sunod naman ako. Hanggang sa maluto na namin yung Adobong Manok.
"Wah! Nomu baeggopoyo! (I'm very hungry) Maamoy ko lang 'to." Nag kokorean si Umboy?
"Psh. Nakalabas na ng hospital at lahat, matakaw pa rin."
Tumawa naman siya.
"Wah! Prince! Ang sarap! Galing mong chef! Idol na kita."
Tinikman ko yung adobo. Oo nga, masarap.
"Masarap nga." Nakakabusog.
After eating, I suddenly remembered what lolo said over the phone yesterday.
"Era." lumingon naman siya.
"Huh? Ako ba?" Lumapit siya. "Bakit?"
"Get ready, Era. We're going somewhere."
Dumating si manang at siya na ang nag hugas ng pinagkainan namin.
~***~
Ellie's POV:
" Era." lumingon naman ako. Era?
"Huh? Ako ba?" nilapitan ko siya. "Bakit?"
"Get ready, Era. We're going somewhere."
Nagulat ako sa sinabi niya. Somewhere? Lugar ba yun? Saan kaya yun?
Dumating si manang at siya na ang nag hugas ng pinagkainan namin.
Pagkabihis ko, magkasabay din kaming bumaba.
"Let's go?"
Hinila niya ang kamay 'ko. Kaladkarin lang? Saan naman kaya ako dadalhin ni Frog Prince?