Ellie's POV:
"Sorry, it's all my fault." Sino 'to? Teka familiar yung boses niya.
"This is so strange though. It was my first time to cook a meal for a girl and take care of her at the same time. Funny right?"
Sinubukan kong imulat ang mata ko.
Prince? Panaginip lang siguro ito? Natulog uli ako. Masakit pa yung ulo ko eh.
Kinabukasan, nagising ako. Napatingin ako sa mabigat na bagay na nakakapit sa kamay ko at nagulat ako sa nakita ko. Hala! Bakit hawak ni Frog prince ang kamay ko?!
Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya. Nung alam kong magigising na siya, nagpanggap akong tulog ulit
"Tss. Tulog pa siya." Napakinggan ko siyang nag-dial sa phone niya.
"Bring our things here. Bukas pa kami makakauwi." Tapos nag-end call na siya. Bigla namang bumukas yung pinto.
"Mr. Montereal, ako po yung personal nurse ni Mrs. Montereal. Dala ko po yung gamot niya."
"Thanks." Sumilip ako para tingnan siya.
Nung lumingon siya, nagtulog-tulugan uli ako.
"Umboy, wake up. Time for your medicine" Iminulat ko na ng tuluyan ang aking mga mata.
"Eh? Nasan na 'ko?"
"Psh. Nasa hospital ka. Engot ka talaga. Your nurse is here. I'll go out for a little while." tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
Pagkaalis ni Frog Prince....
"Ms. Ellie, yung gamot nyo po. After breakfast po yan. Nagdala ako ng breakfast nyo. Kung ayaw nyo naman po ng food galing sa canteen namin, I'll call your husband na lang po." Umiling ako.
"Naku, okay lang sa 'kin."
"Sige po, ma'am. Tulungan ko na po kayong mag-linis ng katawan nyo. Bawal pa po kayong maligo eh. Punasan ko lang po kayo."
"Uh.....Sige na nga."
After kong magbihis, umalis na si ate nurse. Kakain na sana ako nang......
As in sususbo na sana ako nang biglang may sumulpot na packed food sa harapan ko. Tinitigan ko lang ng may halong pagtataka ang taong may hawak ng plastic na pinaglalagyan ng packed food.
"Sorry gift." Binigyan ako ni Frog Prince ng packed food. Mcdo!
"Anu yan?"
"Malamang, pagkain. Isn't it obvious?" Iniabot niya sa 'kin yung hawak niya.
"Teka, bakit-"
"Tanggapin mo na lang kasi."
Anong nangyayari? Nahipan ba ng malakas na hangin itong si Frog Prince? LUFET! Kinuha ko na rin yung ibinigay niya.
"Thank you." Nginitian ko siya. Napansin kong nakatingin siya sa side table. Yung gamot siguro?
"Sabi kasi ni ate nurse, after breakfast daw yan. Kakain na nga sana ako eh."
"Don't eat that canteen food. They just reheated that." Seryoso siya? Sinasabi niya bang hindi safe yung pagkain dito?
Yung totoo? Sinaniban ba 'tong si Frog Prince? Inafairness ha, hindi siya yung Prince na nakilala ko. Prince na prince talaga. Ngayon ko lang siya nakitang maging concern.
"Ganun ba? Okay." Kumain na ako.Teka, nagbreakfast na siya?
"Ikaw? Hindi ka pa kakain?"
"Maybe later. Wala pa akong gana."
"Eh, paano ka sa school?"
"I'll be fine. Anyways, I called Kirsten. She said she'll keep the event going and she'll take good care of it. She'll come here later to visit you."
"Ah." Yun na lang ang nasabi ko.
Napangiti ako sa pagkain sa harapan ko. Muli ko siyang tiningnan habang nakangiti.
"Salamat pala dito, Frog Prince ha?" napaiwas lang siya ng tingin sa akin.
"*ehem* Take your medicine after you eat. I'll be here if you need anything." Itinuro niya yung couch na katapat lang ng hospital bed ko. Tumango naman ako bago isinubo ang pagkain ko.
Pagkatapos ko kumain, ininom ko yung gamot. Natigilan lang ako nang maramdaman kong nagstuck sa lalamunan ko yung iniinom kong gamot.
KAINIS! Ang pait pa naman!
Tumakbo ako sa banyo daladala yung hospital IV ko.
"Blarggg...." iniluwa ko yung gamot.
Naramdaman ko namang may humaplos ng likod ko.
"You okay?" Narinig ko ang boses ni Frog Prince sa likuran ko.
"Ampait. Blarrggg"
"Ganyan talaga. You need to drink that. Wait here. I'll call your nurse. I'll b right back." Tumango na lang ako bago ko pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng kamay ko.
~***~
Prince's POV:
The nurse came back with her medicine. Engot talaga kahit kelan.
"She threw up" I told her nurse about what happened.
"I see. Ito na po ang bagong gamot ni Mrs. Montereal." she gave me Umboy's new medicine and I thanked her.
I took a glass of water from the bedside table before heading back to the bathroom. Ellie was already gargling water when I came back. When she finished spitting it out to the sink, I quickly gave her medicine to her and she took it.
Pagkasubo niya ng gamot at pagkainom ng tubig, itiningala ko ang ulo nya.
"Swallow it quickly so that the bitter taste won't linger in your mouth." napalunok naman siya.
"Good." Tumayo na ako.
"WAH! Nalunok ko yung gamot." Tumayo na siya.
"Thank you Prince." she smiled at me... again.
Dug dug
Dug dug
Dug dug
Something's wrong with my chest. I felt my ears heat up, so I looked away from her. I felt more uncomfortable when I saw the nurse trying to stop herself from smiling.
My attention shifted to the door when it suddenly opened.
"O, manang." I greeted her when she came in.
"Young master, ito na po yung mga gamit n'yo. Bumili din ako ng mansanas d'yan sa labas kanina." manang Fely placed the bag and the plastic on the table near the couch.
"Salamat po, manang. Mukhang matatagalan pa po kaming makauwi. Isinuka po ni Era (Ellie Rush) yung gamot." I explained to her.
"Miss Ellie? Ayos lang po ba kayo?"
"Okay lang po ako, Manang Fely." Lumabas siya ng banyo kaso na-out of balance siya. Buti nasambot ko.
"Aish! Engot talaga kahit kailan." Binuhat ko siya at inihiga sa hospital bed niya.
"Prin-"
"YOU'RE GOING TO LISTEN TO ME FORM NOW ON. UNDERSTAND?!" Napatango na lang siya.
Psh! So stubborn. I just went out to get some fresh air. This annoying Umboy is really an airhead.
~***~
Ellie's POV:
Hala! Anyare na naman sa taong yun? May mood swings na naman?
"Grabe! Ma'am Ellie, ang sweet naman ng asawa nyo."
Kanina ko pa napapansin si ate Nurse, kiriray. At saka, tama ba yung narinig ko kanina? Mrs. Montereal? Era?
Ngayon lang sa 'kin nag-sunk in yung mga napakinggan ko. Hays! Ang slow ko talaga!
"Oo nga, hija. Buong gabi yung nagbantay sa'yo dito. Hindi ko nga alam ang nangyayari sa batang yun." napalingon naman ako kay manang Fely.
"Bakit po, manang Fely?"
"Aba! bigla ka na lang ipinagluto nun nung isang araw . Eh hindi naman marunong mag-luto ang batang yun. Ngayon naman, inalagaan ka pa. Ngayon lang nagkaganun ang batang yun."
Eh? Si Frog Prince? Mag-aalaga sa 'kin? Anong nakain ng taong yun?
"Wow! Tapos tinawagan nya ako ngayon para lang i-check kung okay ka lang. Aiyieee."
"Si ate nurse o, Kilig. Oo nga, Manang. Ang weird niya ngayon. May nakain po ba yung masama at bigla na lang bumait?" parang hindi naman ako narinig ni manang at mas inabala ang sarili sa pag lalabas ng prutas na dala niya..
"Magpahinga na muna ulit, hija. Huhugasan ko lang itong mga mansanas."
Bigla ko naalala yung napakinggan ko kagabi. Hindi naman siguro? Panaginip lang yun.
~***~
Tanghali na nung bumalik si Prince.
"Prince." bati ko kaagad sa kanya.
Napatingin siya dun sa couch na tinutulugan nina manang at ate nurse.
"Nakatulog na sila. Ang boring kasi dito. Saan ka galing?"
"Sa school. Chineck ko lang kung ano na nangyayari. Mukhang okay naman. Bumili nga pala ako ng lunch. Sabay na tayo?" Tumango ako't ngumiti sa kanya.
Nakakagulat lang ng bigla na lang niyang itinapat yung kamay niya sa noo ko.
"Te-teka, a-anong ginagawa mo?" Tinanggal niya ang kamay niya.
Bumibigla itong Frog Prince na 'to.
"Bumababa na lagnat mo." Muli siyang lumingon sa may couch. Nilapitan niya si ate nurse at ginising.
"Yung sunod na gamot, anong oras pa yun?"
"After six hours pa po, sir. Bale mga 3pm po siguro."
"Get it now, para ready na."
"Yes sir."
Umalis na si ate nurse.
Habang kumakain kami nina Prince at manang, napatitig ako kay Prince.
"O, bakit?" Napatungo ako nang lingunin niya ako.
Buong gabi niya ba talaga ako binantayan?
"Uh.... Ano....Ikaw pala ang nagbantay sa 'kin?"
"Malamang... I'm your HUSBAND, remember?" tumango ako. "Psh. Kala ko nakalimutan mo."
Alas tres, pagkatapos kong inumin yung sunod na gamot, nabored kaming dalawa. Kaya nag-laro na lang kami ni Prince ng chess. Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siya. Kaso hindi niya alam ang techniques. Hahaha! Ang saya! Palagi ko siyang natatalo. Hahahaha
"Psh. I hate this game."
"Eh? Suko agad? Wag muna. Bored ako eh." Hindi ko naiwasang mapa-pout.
"Aish! Sige na nga. Tss."
Last game, nanalo siya. Checkmate kasi.
"Wow, I didn't know that this is a really fun game."
"Tss. Nanalo ka lang eh. Hahahaha. Pero, oo, Masaya talaga 'to. Nakita ko sina lolo at papa mag-laro nito noong bata pa ako. Si papa ang laging nakakatalo kay lolo." Napatigil ako sa pag-aayos ng side ko sa game.
"So, nagmana ka pala sa papa mo." napatingin ako sa kanya.
"Huh? Uh, oo. Kay Papa ako natuto ng mga techniques."
~***~
6:00 PM...
Dumating na si ate Tin
"MEI-MEI!!!" Niyapos niya kaagad ako nang makita niya ako.
"AH! Teka, Ate Tin. AH! AH!" may biglang naglayo inilayo ate Tin sa akin.
Tiningnan ko kung sinong humila sa kanya palayo at hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura nila
Hahahahaha
"Ano ba Prince?!"
"You're hurting Ellie"
"Bitiwan mo nga ako. Kasalanan mo naman kung bakit siya nagkasakit eh."
Nabitiwan na din sya ni Prince. Napa-giggle naman ako.
"That's why I'm taking care of her." Iniligpit na ni Prince yung chessboard.
Natulala lang kami ni ate Tin sa sinabi niya. Samantalang siya, halatang inis siya kay ate Tin.
"Anyways, meimei, Everything is fine in school. Mamayang gabi, There'll be a battle of the bands."
"Talaga?"
"Yeah. I'll record it for you so you can watch it too. May dala naman akong camera eh."
"Thanks, ate Tin." pasasalamat ko sa kanya
Mayamaya pa'y may isang babaeng naka-corporate attire ang biglang pumasok sa kwarto. May dala siyang isang basket ng prutas. APPLE!
Hala! Ang dami ko nang mansanas! may dala din si manang kanina eh.
"Jī Yan xiǎojiě, Wǒ yīnggāi bǎ zhège fàng zài nǎlǐ? (Miss Kirsten, saan po ito ilalagay?)"
"Zài nàlǐ, zài zhuōzi shàng. (There, at the table.)" Tumango naman yung babae. Tumingin naman sa akin si ate Tin.
"She's my assistant. By the way, I have to go. See you, meimei. Take care." Nakipagbeso-beso sa akin si ate Tin. Bago siya umalis, inirapan niya pa si Prince.
Hahahaha. Adik tong dalwang 'to.
"She's mad at me. Tch. I already took care of you. I'll never understand you girls."
"Hehehe. Ikaw kasi." Inayos ko na lang ulit yung chess board.
Yep. Inisnatch ko yun sa kanya noong pagkaalis ni ate Tin.
"Let's stop playing. You need to rest." pinigilan niya ako.
"Ayoko." Nagpout ako habang nakatitig sa kanya. Nakuha niya pa rin kasi yung chess board.
"Prince, gusto ko kumain. Kaya kung hindi tayo mag-lalaro, pakainin mo ako." Nginitian ko siya.
"Psh. Takaw. Wait, uhm.... what do you wanna eat?"
Nag-isip din naman ako.Sulitin na habang mabait pa si Frog Prince.
"Gusto ko ng mansanas." Fave ko yun eh. "Pero unahin natin yung dala ni manang. Sayang eh."
"Okay, wait here." Kumuha siya ng mansanas at hinugasan yun sa lababo sa banyo. Pagkalabas niya, ginayat niya yun at binigyan niya ako.
"Thank you." Ngumiti na lang siya sa 'kin at kumain din siya.
Himala! Ngumiti si Frog Prince! For the first time in history! WAH!
Hahahaha. Anyare sa taong 'to?