Kirsten's POV:
Whew! Kapagod! Hahaha. Buti na lang at nauutusan itong si Ian.
"Ian, pakicheck nga ng backstage kung ready na yung pangatlong performer." Ngumiti siya at tumango.
Pagkaalis niya, nagdial ako sa phone ko. Tatawagan ko sina Ellie. I hope she's okay.
"Meimei?"
[Si Prince 'to.] nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Prince.
"Oh, where's Ellie?"
[ Busy with my ipad.]
"Huh?"
[Naglalaro ng Candy Crush] pagkaklaro niya
[PRINCE! HIGH SCORE!] natawa ako nang marinig ko ang sigaw ni meimei.
"Pft! Hahaha. Sige, pakisabi na lang tumawag ako ha?"
[Right. Please also tell Yujin and Ian that I can't go back. I'm a little busy here at the hospital.]
"Sige, sige. Sasabihin ko. Laters "
Nag-end call na ako. Tumingin ako sa listahan ng mga mag peperform na band.
Okay...
First band, 'Lucky star'. Second band, 'The flower boys'.
Puscheck, ito yung fly four ah! Buti hindi sumabog ang stage. Hahaha
Okay, third band.... teka, bago tong mga 'to ah.
"Let us welcome, Cyan and Pink band...." Nagpalakpakan ang mga tao.
Shit! Ba't nandito na naman 'tong taong 'to?
"Hi, everyone. Uhm...actually, our real band name is Cyan Blue. We are very honoured to visit the Philippines. One of our bandmates' homeland. Hehe. Hope you enjoy our songs. By the way, My name is Yonghwa." pagpapaliwanag ng lead vocalist ng band.
"One two three..."
[Amber:
So lately, I've been wonderin'
Who will be there to take my place
When I'm gone, you'll need love
To light the shadows on your face
Yonghwa: If a great wave should fall
It would fall upon us all
And between the sand and stone
Could you make it on your own]
[Both Amber and Yonghwa:
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go]
[Amber:
And maybe, I'll find out
The way to make it back someday
To watch you, to guide you
Through the darkest of your days
If a great wave should fall
It would fall upon us all
Well I hope there's someone out there
Who can bring me back to you]
[Both:
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go]
[Yonghwa:
Runaway with my heart
Runaway with my hope
Runaway with my love
I know now, just quite how
My life and love might still go on
In your heart and your mind
I'll stay with you for all of time]
[Both:
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go]
Shit! Ba't nakatingin 'tong lokong 'to sa 'kin? OH MY STARS! Lumalapit sa akin si Amber!!!! Napasipat pa ako sa paligid ko. Baka kasi nag aassume lang ako, di ba? Pero... s**t talaga! Sa 'kin nga yata palapit 'toh.
[Amber: If I could turn back time
Yonghwa: I'll go wherever you will go
Amber: If I could make you mine
I'll go wherever you will go
Yonghwa: I'll go wherever you will go]
Natapos na yung kanta. Ibinaba na ni Amber yung mic n'ya at lumapit siya sa akin. Nasa tabi lang kasi ako ng stage.
"Is it too late for us KC?"
Ganun agad ang bungad sa 'kin? Wala man lang HI? CLOSE AGAD KAMI?
"A-a-ano bang sinasabi mo? Ngayon lang tayo nagkakilala. At saka sinong KC?"pagkukunwari ko. Duh?! Hindi ako katulad ng ibang babae na marupok.
"I was gone for so long and I miss you so bad. May kailangan lang akong ayusin sa Korea. I'm sorry." Buti alam mong ugok ka!
"Sorry? Para saan? T-teka... h-hindi kita mai-" naputol pagpapaliwanag ko kasi..
Nagwalkout siya, bumalik sa stage. Nagsalita yung kasama niya.
" Guys, I... we need to tell you something. The reason why we came here is that one of our band members 'Amber' wanted to say sorry to the person he left years ago.Yes. For some reasons he left without any explanations" nag explain ulit ang lead vocalist ng banda.
Nanigas ako. Nakita ko namang inagaw ni Amber yung mic at nagsalita din siya.
"Well that's true. Kung naririnig mo ako ngayon, which is I know that you are listening,"
Tumingin siya sa 'kin. At talagang pinatatamaan ako ng mokong na ito ah!
"Ah, dude. You know how to speak Filipino language?" Pabulong na sabi ni Yonghwa. Pero narinig pa rin namin. Natawa naman ang lahat. Di kasi makapaniwala si Yonghwa.
"Yeah, dude. I was here years ago, remember?"
May ibinulong pa sa kanya si Yonghwa pero di na namin narinig iyon.
"As I was saying, I am here today for a girl. No, I think she had grown up into a BEAUTIFUL lady!"
Ay, talaga! Tama ka d'yan! Sobrang ganda ko ngayon! Bwiset!
"Well, I'm glad that my manager gave me a three-month-leave. And for that, I will use this opportunity to get MY GIRL back. Hope she forgives me this time."
"Yes. We saw him being so depressed these past few months. So, we asked our manager if we could stay here even for just one month. I guess only Amber will be the lucky one who will stay here for three long months. We want to stay as long as we want too but we have so many things to do back in Korea. So, This song is for the one who captures our bandmate Amber, the girl named Kirsten."
"One two three.."
Lumapit ulit siya sa 'kin. Hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa stage.
GOD! Help me! Save me please!
[Amber: It took one look
And forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you]
SHIT! Ito yung theme song namin eh. Naninigas na naman katawan ko. Di ako makagalaw
Oh My G! Wag ngayon please.
[There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh ]
Napapapikit ako. Memories from our past are now running in my head like an old film! Stupid head!
[Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine
Ooh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you]
Napaluha ako. I can't stop my tears from falling. Bumigay na yung mala-ilog na tubig sa mata ko! Oh my porcelain eyes!
"KC. Hope you forgive me." Tumingin siya sa 'kin. I wiped my tears.
Napatawa ako. And then I looked into his eyes.
"Bakit mukha bang matitiis kita? Eh kinantahan mo na ako eh." sabi ko sa kanya habang tumutulo parin mga luha ko. Pero sinamahan ko iyon ng ngiti sa labi.
He smiled...sabi ko na nga ba eh!
"So ano yun ba ang gusto mong marinig mula sa akin? Na magiging okay na ang lahat dahil d'yan sa ginawa mo? Wow! Anong akala mo? Nang dahil sa simpleng sorry mo mapapatawad kita ng ganun ganun lang? Kakantahan mo lang ako sa harap ng maraming tao, magiging ok na? Ang saya saya at ang swerte mo naman!"
"KC, that's not-" hindi ko siya pinatapos.
Wala na ako pakialam kung madami man ang nanunuod samin! Masakit eh!
PAAAK!
"Pakaisipin mo kung alin sa mga nagawa mo ang maling mali."
Umalis na ko. Habang naglalakad ako papalayo sa kanya, kinakausap ko sarili ko! Wala na masisiraan na talaga ako ng bait!
Nakakainis!
Bakit pa kasi nagbalik pa siya? Tapos bigla pa akong kakantahan ng ganyan. Theme song ko pa naman ngayon yung PUSONG BATO, tapos ganito?!
Kainis talaga! Lalo tuloy siyang gumagwapo sa paningin ko.
Bakiiiit? Oh, so ngayon, nagagwapuhan ka na naman sa kanya, Kirsten?
Nakakahiya!!! Feeling ko sobra pula na ng mukha ko ngayon! Nag iritan kasi yung mga tao kanina.
Bakit ba?
Kasi, binigyan niya ako ng red roses kanina! s**t TALAGA! Hindi tuloy ako mapakali. Ano akala ng mokong na iyon? HAYS! Di niya ako madadala sa paborito kong red roses!
"Qing ai de, woh ai ni. ( I love you, my beloved.)"
Ang huling salitang narinig ko sa kanya. Those words! Those little damn five meaningful words!
Haaaay! it's been what? Three years?
Three years na walang contact sa isa't isa. Three years ang tiniis ko na wala ka sa tabi ko. Three years akong magisang nasasaktan. Three years na hindi ko nakikita ang mala-anghel niyang mukha. Three years na wala akong lablayp. Three years ahhhh! Hell Damn 3 years!!!
I tried to ease the pain that I felt all those years. Tapos kung kailan naman nakalimutan na kita, saka ka pa bumalik? Ano yun? Kabute? Bigla bigla na lang susulpot sa kung saan?
Oh God! I really miss him.
Sa kotse na ako nagpatuloy umiyak. Nakisabay pa ang langit. Haaay, what a day!
~***~
Nagising akong masakit ang ulo ko.
Time check, 10:45 AM
Whaaat? Peste kasing Amber na yun eh! Pinuyat mga mata ko sa pag iyak. Buti na lang Linggo ngayon.
Pumunta ako sa kusina para mag check ng pagkain.
"Bakit walang nakahandang pagkain?!" Hindi ba nagluto sila manang Ising?
Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko kung ano ulit araw ngayon.
Day off nga pala nila. Kahit puntahan ko sila sa kabilang unit, sigurado ako umalis din sila. Yes. May sariling unit ang mga kasambahay ko at magkatabi lang ang unit namin. Kasi kahit may mga kasambahay ako, iba pa rin yung may privacy yung sarili mong condo.
Sa condo ako nakatira at pagmamay-ari namin ang building na ito. Ang CHIU TOWERS. Ayoko kasi sa bahay. Magulo na nga, nakakabingi pa yung katahimikan.
Naglabas ako ng bcaon, hotdog and eggs. Magluluto ako. Mabuti na lang nagaral ako nito nung summer. Iba pa rin marunong diba? At saka tumatanda na ako. Weh? Tanda agad? Hehe. Sa isip lang naman.
Knock! Knock! Knock!
Huh? Wala naman akong naalalang darating na bisita ngayon ah.
"Who could that be?" bulong ko sa sarili ko.
"Sandali naman!" sigaw ko na medyo naiirita na.
Wagas makakatok? Nagmamadali? Naiihi? Grabe ha
Pagbukas ko na pinto, tumambad sa harapan ko ang.... Red roses? Na naman??
Nakalagay iyon sa isang malaking basket! Jusko! Kung idononate na lang kaya ng nagbigay nito sa 'kin yung ipinambili niya sa bantay bata, eh di sana madami na siyang napakain!
Pumasok na ulit ako sa loob para tingnan yung niluluto ko.
Napatingin ako sa lamesa ng di ko naman sinasadya at na-ispottan ko si Christian Grey!
Oh my! My hubby is here!
Dinampot ko yung book.
Yes. I know Christian Grey! Naririnig ko na siyang pinag-uusapan nila manang Ising at nung isang malandot na katulong kong si Maria! Nilalandi niya kasi yung hot driver ko. Gosh!
Binuksan ko yung mga pahina ni Grey, may hinahanap ako.
Nasan na yun? Pakita ka na sa 'kin! Aha! Ito yung part na gustong gusto ko.
Napangiti ako at humawak sa puso ko. Pinagpapawisan ako sa eksenang ito! Ang hot lang ni Grey!
Mayamaya pa'y biglang...
"Gusto mo na ngayon ng live action?!"
"Ay maharot!" Naitapon ko yung libro. Malapit kasi sa may tenga yung mga labi niya. Bumubulong eh nakiliti tuloy ako.
Napatingin ako sa nagsalita.
Paano ito nakapasok?!
"Hoy, AMBROSIO! Uso pa rin ang kumatok sa panahon ngayon no!"
Bwisit nandun na ako sa part na manganganak na si Anna eh! Ang hot lang ni Grey. Kasi supportive siya kay Anna. What a guy!
Sana lahat ng guy ganun kay Grey!
O! Grabe kayo! Yung part na binabasa ko, sa last part na yun. Dun sa manganganak
na si Anna sa first born nila ni Grey, si Ted.
Yun na kasi yung part sa book na nakatupi. Siguro, nandun na sa part na iyon si Maria. So, iyon na lang binasa ko. Alam ko naman kung gaano ka-erotic yung book na yun. Narinig ko lang. Hahaha!
Isa pa itong si Ambrosio panira eh!
"Anong live action pinagsasabi mo?"
"Yang hawak mo. Fifty shades book."
Umupo na siya sa tabi ko. Wow! Feel at home ang mokong!!!
"Hoy, mister trespasser! Kung alam mo lang, ang story na ito ay may tatlong libro. At nasa patatlo na itong hawak ko. Nasa magandang part na yung binabasa ko nang dumating ka." Tinitigan ko siya ng masama.
"Ah. So, kaya ka pala pinagpapawisan nung dumating ako. Alam mo madali naman ako kausap eh. Nasa tamang edad ka na."
Ang kapal talaga ng apog!
"Hoy! Yung part na sinasabi ko, yun yung manganganak na si Anna. At nandun lang naman si Christian nang sabihin ng doktor na kailangan na siya i-CS. Napakasupportive lang. At kaya ako pinagpapawisan dahil sira ang aircon ko dito sa kusina at salas!"
Haaayysss! Bakit ba ako nagsasayang ng laway sa pagpapaliwanang dito?
"Amoy sunog?" sabi ni Amber.
Nasusunog? Teka yung niluluto ko! Patay!
Tumakbo ako sa kusina at tiningnan ang niluluto ko. Wala na, tupok na yung pagkain ko.
"*Ehem* Iyan napapala ng basa ng basa ng kung ano ano. Tsk!"
Sabi ng- Lagot ka talaga sa akin mamaya, Maria! Iniwan iwan mo kasi yung book ni Grey!
"Paki mo ba ha? At saka bakit ka nandito?!"
"I told everyone yesterday that i'm here because I want my girl back. So, that's why nandito ako ngayon. Arasseo?!"naka crossed arms niyang paliwanag sa akin.
So, siya pala yung nagpadala ng mga paborito kong pulang rosas? Ah, kahit na!! Di pa rin niya ako madadala sa ganun.
"Sunog na yung kakainin mo. And I guess wala namang magluluto para sa'yo ngayon. Nakasalubong ko rin kasi kaninang umaga pa sina Manang Ising sa lobby."
"So? Ano naman sa'yo ngayon?"tanong ko.
"Sa labas na lang tayo na mag brunch" pag aya niya sa akin.
"Hahaha" natawa lang ako sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya?! Hindi pa siya natauhan sa pagsampal ko sa kanya kahapon?
"A-Y-O-K-O!"nagwalk out ako dumiretso ako sa kwarto.
O, di ba? Walk out queen lang ang peg. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Dumapa ako sa kama.
Si Amber? Ang napakabait na Amber, hatid-sundo ako sa school at condo. Akala ko perfect na ang lahat. But he left me without saying anything.
Knock knock knock
"Whaaat?!"
"KC, lumabas ka d'yan. You need to eat."
Wooo hanggang ngayon bossy pa rin ang mokong!!!
"A-yo-ko. Di mo gets? Simpleng word." Parang awa naman oh. Lumayas ka na. Please lang.
"Sige ka. Ikaw din.... Alam ko pa namang gutom na gutom ka na."
"No! I'm not hungry!"
Kruuuuuuuuuugggg
Puchang tyan yan. Nang-lalaglag! Mga alaga ko, mag hintay muna kayo ng ilan pang minuto. Paaalisin ko lang yang mokong na Ambrosio na yan.
"Psh, di daw gutom. Inilalaglag ka na nga ng tiyan mo o, di ka pa rin kakain?" Hindi na lang ako sumagot.
Nakapag-antay nga ako ng ilang minuto. Kaso....
Pagkalabas ko, nasa harap lang pala ng kwarto ko ang loko!
"Sabi ko na nga ba eh. You will never stay in your room like there's no tomorrow."
"Lintik ka, Ambrosio! Papatayin mo ako sa gulat! Bakit nandito ka pa ha?"
"Just like what I've told you, I will treat you to breakfast. Kapag hindi ka umalis ng condo mo, magpapadeliver na lang ako."
"Ay, syete! Hindi mo ba talaga ako titigilan?"
"Not unless you talk to me." He smiled. Pusheck naman o! Nakakainis! Grabe! Napipiga na ang pasensya ko ha.
"Sinabi ng-"
"Please KC. Just let me do this. Kahit ito na ang last time?" Seryoso siya?
"Ayoko nga-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan.
Shit! Ito iyon eh! Ang smack na signature kiss ni Ambrosio!
"Oh, tingnan mo, namiss mo rin ako no?" Nakangiti pa ang loko!
"Syete ka talaga, Ambrosio! Ayan ka nanaman si bigla bigla mong pag halik!" Bigla siyang tumakbo. Sa sobrang inis ko, hinabol ko siya.
Kaso, hindi nga ako nag breakfast diba? Nang hina ako.
"Ayan, mag breakfast ka na kasi."
Tiningnan ko siya ng masama.
Kinuha ko na lang yung bag ko sa couch.
"Tara na ngang kumain!"Di ako nakatiis sa kan- este ang tiyan ko.
Wala akong choice eh. Gutom na ako.
"Good." Bigla niya na lang hinila yung kamay ko.
Teka, kaladkarin lang?!
~***~
Pagkatapos naming kumain, dinala nya ako sa kung saan. Teka, may sinabi ba akong ipasyal ako? I hate going out you know...
"Amber, saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa dulo ng walang hanggan..."
"Hahaha. Very funny." I sarcastically laughed.
"Just..... some place nice. You'll see."
Napunta kami sa isang rose garden. Meron doong isang bench, dun kami umupo.
"Kapag ba nasabi mo na yung sasabihin mo, titigilan mo na ako?" Tumango siya.
Parehas kaming natahimik. Mayamaya pa'y bigla naman siyang nagsalita.
"I'm sorry about the time when I left you without saying goodbye. If you only knew how painful it was for me. I really don't want to leave you. But I had to. I need to help my dad who was in a coma after a car accident. And I was forced to manage our company before mom comes back in Korea."
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga ulap.
"Back then, I was against it at first. But.... I realized that I'm the only one who can do it since I'm their first born child. Masyado pa ring bata ang kapatid ko para doon. After all that had happened, I still didn't break my promise. That's why i'm still being this." Ipinakita niya sa akin yung necklace niya. Ginawa niyang pendant kung promise ring namin.
"Hindi kita iniwan nang dahil hindi na kita mahal. I left because of my family and our company. Kahit umalis ako noon, dala ko pa rin ang pangako na ikaw lang ang mamahalin ko. Because you really are my one and only love."
Ano 'to? Bakit nasasaktan ako. Ang bigat ng feeling.
"I'm sorry kung hindi man lang kita na-contact. I was busy with work and my grandmother took my phone. Distraction lang daw yun sa trabaho."
Kahit na. You can still buy a new phone naman di ba?
Damn it, Amber! Stop! Nagi guilty ako dahil nagalit ako sa'yo ng pagkatagal tagal. When all this time, you left because of this reason.
"Stop it." tumayo ako.
"Kirsten."
"Gusto ko na umuwi. I need to go. Ihatid mo na ako." Tumayo na ako. Hindi ko na kanyang pakinggan ang mga rason niya.
Kaso nung akmang aalis na ako... Pinigilan niya ang kamay ko.
"Kajima. (Don't go)"
Anu daw? Korean word yun ah. Anong kayang sinabi nya? Humarap ako sa kanya.
"Anong sinabi mo?"
Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Kajima..... Saranghamnida, nawi yuilhan sarang. (Don't go...... I love you, my one and only love.)"
Hinalikan na naman niya ako. Kaso.. Saglit lang...
Sumosobra ka na talaga Ambrosio Bryan Choi Maravilla ha!
Pinisil niya yung ilong ko.
"Ang cute mo pa rin kapag namumula."
Hinila niya na ako pabalik sa sasakyan.
Haaaaaaayyyy......
Syete! Kailan daw ba ulit aalis? Parang ayaw na uli kitang pabalikin eh.
Hala! T-teka... Kung anu-ano na iniisip ko!
Admit it na kasi, Kirsten. Miss mo na rin siya no?
Pusheck na utak 'to! Hindi no!