Hendrix Dimagiba (POV) “Bigyan mo nga ako ng tauhan Adam, kailangan mag poste ako ng tao sa Pulang Lupa kung saan nakatira ang peke na si Glenda. Kailangan ko din ng mga bagong kagamitan para matukoy natin kung sino-sino ang mga kasabwat niya.” “Okay Mr. Dimagiba, pero—.” “Daddy, dahil sa ayaw at sa gusto ko ninakaw mo na ang anak ko sa akin. Salisi gang ka rin ‘e.” Sabi ko sa aking manugang na si Adam, hindi ito umimik at nanatiling nakayuko. Ito ang gusto ko sa lalaking ito. Mataas ang respeto sa akin. Hindi ko masasabi na takot siya dahil wala namang dapat katakutan sa akin. Pero dahil ama ako ng babaeng kinababaliwan niya ng mahabang panahon, ganun na lamang ang respeto niya sa akin. Kaya naman nakakataba ng puso. “Hindi po kasi ako sanay Mr. Di—, daddy.” Napangiti ako ng lih

