“Glenda.” Tawag ko sa babae habang nanghihina na pumasok ako sa loob ng bahay. Kita ko naman kaagad ang pag-aalala ng babae sa kanyang mga mata. Sinong hindi?. Gulanit ang damit ko na suot. May pasa din ako sa mukha at putok ang aking labi. Pagbalik ko talaga malilintikan sa akin ang Governor Adam na yun! Kunwari pa ayaw akong suntukin pero nilakasan naman. Akala ko nga matatanggal ang isa ko na ipin ‘e. “Saan ka ba galing, sino may gawa nito sayo?.” Tanong sa akin ng peke na si Glenda. Hindi ako umimik at halos gapang ako na pumasok sa loob hanggang sa pinaliguan ako ng babae at binihumisan ay hindi ako umiimik at umaakto na tulala lang. Sa buong panahon na kasama ko ang babae na ito ,masasabi ko na best actor na ako mula sa pagpapanggap na may amnesia hanggang ngayon na kunwari na

