“Ang ganda ng bahay Adam.” Sabi ko sa aking asawa na tila proud na nakangisi pa sa akin habang papasok kami sa loob ng bahay. Pina-blessings na daw niya ito noong nakaraan pa. Sadyang gusto lang niya ako surpresahin para solo daw namin ang moment. Inikot ko ang aking paningin, napaka ilegante ng disenyo ng kabuohan. Naghahalo na kulay gray at pink na paborito ko na kulay. Ang napakalaking chandelier ang nasa gitna na sumisimbolo ng karangyaan. Pero ang buong paligid ay napakasimple, hindi gaanong marami ang display, spacious at napaka aliwalas sa mata. May mga paintings na sumisimbolo ng women empowerment, bulaklak mga babae, kulay rosas at mga babae na manggagawa. Ganitong ganito ang gusto ko na tahanan, malayang makatakbo sa loob ang mga bata dahil hindi mag-aalala na baka mayroong mab

