Governor Adam (POV) “Daddy.” “Halika Adam, mabilis lang ang magiging pag-uusap natin.” Sabi sa akin ni Mr. Dimagiba, ang ama ng babae na mahal na mahal ko. “Nakausap ko na ang ibang mga tauhan, ang ilan ay gustong ipagpatuloy ang kaso laban kay Mayor Geo ang iba naman ay gusto na lang tumahimik dahil abala lang daw sa oras nila at hindi naman na daw maibabalik pa ang buhay ng mahal nila na nawala. Ang mga hindi na magsasampa ng kaso ay bigyan mo ng kanilang pwede na maging hanapbuhay na matatag. Ang mga magpapatuloy naman sa kanilang laban ay tulungan at alalayan mo sa kahit na anong paraan. Hindi na ako magsasampa ng kaso.” Nagulat ako sa naging pasya ng matandang lalaki. Dahil buong akala ko ay ito pa ang mangunguna sa pag suplong sa aking pinsan. “Nakakagulat ba Adam?.” Tanon

