Five months later … “Ang aga mo naman aalis Adam? Wala pang alas otso.” “May aasikasuhin ako ngayon baby, alam mo naman na may ilan akong sinalo sa mga project ni Geo na nahinto dahil nga sa pagkakakulong niya.” Hindi na ako umimik at tumango na lang ako, medyo malungkot ako lately dahil nga sila mommy at daddy parang ayaw na umuwi ng Pinas. Isang araw o dalawa lang dito sa bansa, matutulog lang tapos aalis na ulit. Ang asawa ko naman ay laging abala sa kanyang trabaho. Sa munisipyo at sa negosyo ng kanilang pamilya. “Aalis na ako baby, mag shopping ka para hindi ka ma bored. Medyo tumataba ka na pati baby, iwasan mo ang sweets.” Paalam ng aking asawa sabay halik sa aking labi. Bigla akong na conscious, tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sala at humarap ako sa malaking salamin sa g

