“Ginabi ka Adam?.” Tanong ko sa aking asawa na kadarating pa lang, alas syete na ng gabi. Dati rati naman ay before six ay nandito na ang lalaki sa bahay. “Ang dami kong tinapos baby, grabe ang pagod.” Sabi ng aking asawa na naupo pa sa sofa at halatang pagod nga. Tinulungan ko itong mag hubad ng kurbata at suot niyang coat. Pagtingin ko sa kwelyo ng kanyang damit ay namumula ang kulay puting tela. Bakas ang lipstick. Kaagad ko itinulak ang lalaki at tinitigan ng masama. “May lipstick ang kwelyo ng polo mo na suot.” Namutla ang mukha ng aking asawa at hindi kaagad nakapag-salita. Ngumiti ako ng nakakaloko at tinukod ang dalawang kamay ko sa sandalan ng sofa. Magkalapit ang mukha namin ng lalaki habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. “Huwag mo ako gagaguhin Adam, alam ko na ak

