Nakita ko si Gov. Adam na pababa ng hagdanan at nakasuot ng formal. “Saan ka pupunta anak?. Wala bang rest day? Bagong kasal ka lang at alas syete pa lang ng umaga.” Tanong ni mommy Iya sa kanyang anak. Ako naman ay nakatayo lang sa pintuan habang nakatitig sa hardin. Hindi nagsalita ang lalaki at hinalikan na lang ako sa pisngi sabay sakay sa kanyang sasakyan. Nagsunuran naman ang apat niyang bodyguards at kanya-kanya ng sampa sa kanilang mga motorsiklo. “Don't worry, ganyan lang talaga yan kapag nagtatampo. Hindi nagsasalita pero mas okay dahil humahalik pa rin naman hindi ba?. Form of respect pa rin kahit may tampo.” Hinaplos ko ang likod ng matandang babae at tinanguan. “Hahahaha mukha ba at tunog nagpapaliwanag?.” Tanong ng babae na tinanguan ko naman kaagad habang may ngit

