Nagtutulakan kami ni Adan sa pintuan. Ako na pilit isinasara at siya na pilit pumapasok sa loob. Kaya ang ending talo ako dahil ano naman ang laban ng babae sa lakas ng lalaki. Nang makalusot ang kanyang katawan sa diwang ay kinabig niya ako bigla at tinitigan. “Bakit mo ako nilayasan at anong sinasabi mo na kuya mo ako?.” “Bakit? Kuya naman talaga kita hindi ba at gurang ka na?.” Nangiinis at pilosopong sagot ko sa lalaki na pinaningkitan ako ng kanyang mga mata. “Gusto mo ba mapalo ng kuya mo na tinatawag ha?.” Tanong nito na inismiran ko at itinulak sabay upo ko sa kama at naghubad na ako ng aking suot na skinny jeans. “Doon ka sa girlfriend mo na mukhang high class pok-pok. Bakit ka ba sumunod pa sa akin?. Matutulog ako kaya lumabas ka kung wala ka naman kailangan.” Seryo

