“Oo na! Heto na nga tatayo na ako, Adam tama na kasi.” Sabi ko sa lalaki na nakangisi naman na tumayo mula sa pagkakadapa. “Gusto mo lang pala tikman ko ulit ang ano mo ‘e. Sabihin mo lang kung gusto mo na pasukin ko yan. Lagi akong nakahanda.” Sabi ni Gov sa akin na inismiran ko. Naghahanap ako ng damit at saka ako bumaba. Nauna ako sa kanya dahil baka kung ano na naman maisipan ng lalaki na yun. Sa totoo lang natatakot ako magalaw, pero kapag nasa oras na parang na e-excite naman ako. “Cellphone ko ang tumutunog Adam, pwede bang akyatin mo?.” Sabi ko sa lalaki na tumango naman kaagad sa akin at umakyat na sa silid namin. Pagbalik nito ay dala na ang aking cellphone at inabot sa akin. Si mommy? Bakit kaya tumatawag?. Pinindot ko ang numero ng aking ina para tawagan. “Mom?.” “

