“Hi Gov. Nandito ka po pala.” Mapang-asar na sabi ni Shane sa aking asawa. Mukhang nagtataka ang aking kaibigan kung bakit magkasama kami ng Governor dahil salitan ang tingin nito sa amin na tinaasan pa ako ng kilay. Pero dahil wala pa akong balak na magkwento sa kanya ay patay malisya ako. “Maupo na muna tayo, si Halia hindi daw makakasabay dahil may meeting ng hanggang alas otso ng gabi. Ikaw Shane sa tabi ka na lang ni Harris maupo.” “Alam mo tita, kapag sinagot ako ni Harris, pagsisilbihan kita at ako ang pinaka-magiging best daughter in-law sa buong mundo. Lab ko to dahil sa sobrang hot nasunog na, hindi ba Gov?.” Tanong ng baliw ko na kaibigan na ikinatawa ko ng mahina. Si mommy na nakitawa din habang seryoso si Adam at Harris. Nag peace sign naman si si Shane kay Harris na s

