Kasabay ng paglapit ko kay Shane ay ang pag tulak din nito sa akin. Pero huli na ang lahat, naramdaman ko ang bisig na yumakap sa akin mula sa likod at ang pagtatakip ng tela sa aking ilong hanggang sa mawalan ako ng malay. “Mmmmmmmmm.” Daing ko dahil may duct tape ang aking bibig. Nakatakip din ng kung ano ang aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari basta ang sa pakiramdam ko ay nag babyahe kami dahil umaalog ang aking puwet mula sa pagkaka-upo. Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto at huminto na ang sasakyan. Naramdaman ko na binuhat ako ng isang lalaki na parang familiar sa akin ang amoy. “Ouch!.” Sigaw ko ng tanggalin ang tape sa aking bibig. Nagulat ako ng makita ko si Mayor Geo at ang mas nakakagulat pa ay kasama si Shane! Ayaw ko mag-isip ng masama sa aking ka

