CHAPTER: 1

1248 Words
Pabalik-balik si mommy Loraine at ang kapatid ko na si Halia ng lakad, nahihilo na ako sa kanilang dalawa. Kaya't tumayo na ako at hinawakan ang kanilang mga braso at ginaya pa-upo sa sofa. “Nahihilo na ako sa inyong dalawa, lalong hindi ako nakakapag-isip ng tama.” “Cassy, ano na na sis ang gagawin na'tin?, halos isang linggo ng nawawala si daddy. Ilang araw na din naghuhukay ang mga tauhan na'tin para hanapin sa sumabog na jewelry shop ng ating ama.” Aligaga na tanong sa akin ni Halos ang aking kapatid by heart. Yes! Dahil wala ni patak ng dugo ang nag-uugnay sa amin. Pero kahit na ganun ay hindi kami nag aaway ng aking kapatid kahit na minsan. Nasapo ko ang aking mukha at napayuko dahil ilang araw na din akong walang maayos na tulog, katatapos lang ng aking graduation at hanggang ngayon ay nalulungkot ako dahil wala si daddy Hendrix upang magsabit ng medalya sa akin. “May naiisip ba kayo na paraan?.” Salitan na tingin ko sa aking mommy at kapatid. Umiling ang dalawa dahil lahat ay ginawa na din namin. Sa ganitong pagkakataon kahit mapera ka ay wala din magagawa dahil limitado ang kakayahan ng tao. Patuloy pa rin ang imbitasyon sa pagsabog na naganap sa shopping mall na pag-aari ng aming pamilya, may haka-haka na sinadya daw at mayroong nagsasabi na tinipid daw ang materyales, bagay na malabo dahil hands on ang aking tunay na ama na si Isagani sa construction site. Sabay-sabay kaming napalingon sa telebisyon ng may flash report at bida na naman ang gobernador ng aming bayan. Sabay kaming napatayo ni Halia at nagkatitigan. “No! Tumigil kayong dalawa! Alam ko ang pinaplano ninyo, hindi ayaw ko!.” Malakas na sigaw ni mommy habang umiiling. “Sige na mommy, pangako mag-iingat ako.” Sabi ni Halia habang nakahawak sa kamay ni mommy habang ang matandang babae naman ay pilit hinihklas ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng aking kapatid. “Ako na lang!.” Tumayo ako ng matatag. Umiiling ang dalawang babae pero buo na ang desisyon ko. “H'wag anak, baka masakal ako ng daddy ninyo kung isa sa inyo ay payagan ko na humingi ng tulong kay gov. Alam naman ng lahat na matinik sa babae ang lalaki na yun at walang pinapalampas, baka maging laruan lang kayo na kasama sa kanyang koleksyon.” “Buo na po ang aking desisyon mommy, Halia. Mag-iisip na lang ako ng paraan para mapalapit sa lalaki.” Walang nagawa ang dalawa ng iwanan ko sila sa sala. Buo ang loob ko na pasukin ang ganitong desisyon. Sa dami ng nagawa at sakripisyo ng pamilyang ito sa akin, sa palagay ko ay ito na ang tamang panahon para bumawi. Vibrate ng aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ang umagaw sa aking atensyon. Sinagot ko ang tawag mula sa aking kaibigan. “Shane?.” “Bes, may party si gov. bukas ng gabi, si nanay wala ng mahanap na asherette baka naman pwede ka, kasama mo naman ako ‘e, sige na bes sayang din ang kikitain ni nanay sa pusyento kapag may nakuha sya na usherette pang dagdag tuition din sa darating na pasukan para sa kapatid ko.” Impit na napatili ako dahil ang bilis naman ng pagkakataon gumawa ng paraan para matulungan ako. “Anong nangyari sa'yo bes?, parang naipit ang tinggil mo d'yan?.” “Wala bes, sige G ako dyan, anong oras ba?, send mo sa akin sa messenger ang details.” Sabi ko sa aking kaibigan na paulit-ulit nagpapasalamat sa akin kaya't pinatayan ko na lang ng tawag. Hindi pwede na umasa na lang kami sa mga tauhan at tulong ng gobyerno, kailangan na kumilos ako. Buhay o bangkay ay kailangan namin mahanap si daddy. “Daddy, nasaan ka na po ba?. namimiss ka na namin, si mommy po ang itim na ng eyebags.” Kausap ko sa wala dahil kahit ako ay para na rin mababaliw sa pagkawala ni daddy. Siya ang isa at nangungunang tao sa listahan ng importanteng lalaki sa buhay ko. Halos hindi ako mapalagay at makahinga sa labis na pag-aalala kung buhay man si daddy ‘e nasaan na siya?. Hindi ko kayang tanggapin kung nalibing siya ng buhay sa gumuho na bahagi ng mall. Malaki ang nalugi sa amin pero hindi sapat para mag hirap kami at malugmok dahil matalino ang aking ama, pare-pareho kami nina Halia at Harris na nilaan ni daddy ng pera na kahit tumambay lang kami ng taon at hindi mag trabaho ay masasabi kong sapat para mabuhay kami ng sampung taon o higit pa kahit nakaupo lamang. May mga shares din kami sa ibang kumpanya kaya secured talaga ang aming kinabukasan. Yun nga lang, sa ngayon kailangan ko magpanggap na bagsak ang aming kabuhayan para makalapit at may dahilan ako para humingi ng tulong sa maimpluwensyang gobernador. “Cassy, anak!.” Boses ni mommy na tumatawag sa akin mula sa labas ng aking silid ang nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglalakad patungo sa pinto, binuksan ko ito at pinapasok ang aking ina. “Anak, pakiusap may iba pang paraan h'wag naman ang gawin mong sangkalan ang iyong sarili. Hindi magugustuhan ng ama mo ang ganitong plano.” Ngumiti ako sa may edad ko na ina, hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan sa noo. Halata na wala itong tulog, naawa ako dahil mas may edad ito sa aking ama, hindi maganda sa kanyang kalusugan ang mag-alala. “Napakabuti mo po sa akin mommy, kahit minsan hindi ko naramdaman na iba ang turing mo sa akin, lumaki ako sa pangaral at pagmamahal ninyo ni daddy. Gusto ko lang po malaman ninyo na mahal na mahal ko kayo at lahat kaya kong gawin para sa inyo ni daddy.” Sabi ko sa aking ina na lumuluha na ngayon habang nakapikit at dinadama ang aking palad. “Napakabait mo kasi na bata Cassandra, ikaw ang lucky charm ko lagi ko sa'yo yan sinasabi. Masunurin ka at kahit na kailan ay hindi mo ako sinuway. Biyaya ka sa akin, regalo mula sa langit alam mo yan. Hindi ka man nanggaling sa akin, pero dito sa puso ko, may malaking bahagi ka dito.” Niyakap ko ang matandang babae ng mahigpit, kinakabahan man ako ay kailangan ko panindigan ang aking desisyon. “Mommy, bukas po ay papasok ako bilang usherette ni governor, kasama ko po si Shane.” Sabi ko sa aking ina na hindi nagsalita at tinitigan lang ako. “Ayos lang ako mommy, h'wag kang mag-alala dahil si Cassandra Dimagiba ito. Hindi mo ako pinalaki na mahina.” “Kung yan ang desisyon mo ay igagalang ko, basta't nandito lang ako. Isang tawag mo lang. Kapag hindi mo na kaya backup mo si mommy okay?.” Doon natapos ang usapan namin ni mommy, niyakap muna niya ako bago lumabas ng aking silid. Hapon pa lang ngayon at naisipan ko na mag research tungkol sa gobernador. Napag-alaman ko na mahigit sampung taon pala ang tanda nito sa akin. Pero ang hot pa rin niya! Bulong ng kabilang bahagi ng aking isip. Nakakaloka naman bakit ko ba yun naiisip?. Litaw kasi ang kanyang V-line sa larawan na aking tinititigan at ang anim niya na pandesal, maugat din ang kanyang braso at may malaking adams apple, parang bigla akong nauhaw sa aking nakikita kaya pinatay ko na lang ang aking laptop at nagpasya na lumabas na muna ng aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD