“Shane, bakit naman ganito ang cut ng cocktail dress na'tin?, parang malalaglag sa laki ng hinaharap ko.”
Ngayon na nga ang araw na sisimulan kong isagawa ang aking plano. Dasal ko lang na sana ay magbunga ang gagawin kong ito. Napatingin na naman ako sa aking suot, nakasimangot na nag reklamo ako sa aking kaibigan na hindi naman sinabing empire cut ang design ng damit na gagamitin namin bilang usherette ni governor.
“Bes, huwag ka ng magreklamo bagay naman sa'yo ‘e. Sana all pinagpala! Grabe ka din, kutis labanos ka na ang laki pa ng cocomelon. Grabe din kayo ni Halia no?, mapapa sana all na lang ang makaka-kita sa inyong magkakapatid. Pero si Harris talaga bes, kahit isang gabi lang ako mabomba ng kapatid mo at wasakin payag ako.”
Sabi pa ng aking kaibigan na tumitirik pa ang mga mata. Kahit anong usapan na lang laging sinisingit ang pangalan ng bunso naming kapatid na lalaki.
“Puro ka kalokohan Shane!.”
Magsasalita pa sana ako ng lumapit ang isang magandang babae na nagpakilalang event coordinator. Sinabi na sa amin ang dapat gawin, napakadali lang naman, kapag may kailangan ang mga guest kami ang utusan. Kami din ang nagtuturo kung saan ang banyo at kung saan ang kanilang reserved na mga upuan.
“Bes, kita mo yung babaeng mukhang bungo na parang clown sa kapal ng make-up?.”
Natatawa ako na tumango sa tanong ni Shane, totoo naman na ang kapal ng make-up ng isang guest, panlalait sa iba pero dini-describe lang naman ng aking kaibigan ang itsura ng babae.
“Ang arte nya bes! Alam mo ba na nagtanong kung saan ang restroom at tapos hindi ako pinaalis dahil hawakan ko daw ang mamahalin niyang channel brand na bag.. pinagbantaan pa ako na kapag nagasgasan ay babayaran ko! Bwesit na yun, makakakuha pa ako ng arimuhan. Ginawa na akong personal alalay. Mas mayaman lang s'ya sa akin pero hamak na mas maganda at sexy ako sa kanya.”
Mahabang kwento ng aking kaibigan na sa pagkain nakatingin at nagsasalita ng mahina at may kasamang gigil.
“Gutom ka na ba?, bakit sa foods ka nakatingin?.”
Pang-asar na tanong ko sa aking kaibigan na inismiran ako.
“Gaga! Alangan naman na doon ako sa payaso tumingin, edi nabuko na nagchi-chismisan tayo.”
Natatawa at napapailing na lang ako sa aking kaibigan na halatang inis na inis.
“Pabayaan mo na lang, wala naman tayong magagawa hindi ba?. Yun naman ang job description na'tin. Teka lang ha?, naiihi na ako, saglit lang.”
Paalam ko sa aking kaibigan na tumango lang. Ako naman ay malaki ang hakbang tungo sa banyo, baka kasi isipin ‘e tamad ako at nagdadahilan lang. Pagdating ko sa restroom ay hinila ko na naman pataas ang suot ko na dress. Naiinis na ako dahil luwa talaga halos kalahati ng aking s**o. Inayos ko ang tali ng aking kulot na buhok at nag retouch ng aking make-up. Pagkatapos ko tingnan sa salamin ang aking kabuohan ay nagpasya na akong lumabas. Habang binabaybay ko ang daan patungo sa sentro ng kasiyahan ay parang may mata na nakatingin sa akin. Lumingon ako at hinaharap, pero wala akong makita. Medyo pangit sa pakiramdam nakakakilabot pero dahil may dapat akong pagtuunan ng atensyon ngayon na plano ay binalewala ko na lang ang aking nararamdaman.
“Miss!.”
Sigaw ng isang lalaki na nakasuot ng 3 piece suit. Nakangiti na lumapit ako sa kalalakihan na ngayon ko lang napansin na nakaupo pala ang batang gobernador habang umiinom ng alak sa kanyang baso.
“Isa ka ba sa anak ng guests dito?.”
Tanong ng isang lalaki na mukhang babaero na sinusuri ang kabuohan ko. Nakangiti at magalang ko naman itong sinagot.
“No Sir, usherette lang po ako dito.”
“Seriously?.”
Nagulat na tanong ng lalaki na nginitian ko gamit ang pinakamagandang ngiti na kaya kong ibigay. Kung ito ang daan para makalapit ako sa batang gobernador bakit hindi ko subukan na papalapit sa mga malalapit sa kanya.
“With the looks?. Hindi halata. Anyways I'm Brayel Gonzales at isa ako sa kaibigan ng masungit nitin na gobernador.”
Pang-aasar pa ng lalaki na tinawanan ng iba pa nilang kasama. Ngumiti din ako at nakipagkamay sa kanila.
“Cassandra Dimagiba.”
Pakilala ko sa kanilang lahat na napa O ang mga bibig na nakatingin sa akin.
“Are you related to the King of gold?.”
“Yes, daddy ko s’ya.”
Pagkatapos ko sagutin ay nagulat na naman ang mga kausap ko.
“How come na pinasok mo ang ganitong trabaho?. Your mom is a doctor, may mga hospitals kayo at mga negosyo.”
“Gusto ko ma divert ang atensyon ko, isa pa. Adopted child lang ako hindi ko sure kung may mana ba ako.”
Napa O na naman ang mga kausap ko hanggang sa nagpaalam na lang ako sa kanila. Naka-ilang hakbang na din ako ng lumingon ako dahil pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Pagtingin ko sa gobernador nakatitig lang ito sa akin habang sinisipsip ang likido na nasa baso. Medyo nakakatakot ang tingin nito na malalim sa akin hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganun.
“Bes! Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nanggagaling?.”
“Kinausap ako ng ibang kaibigan ni gov bes, bakit mo pala ako hinahanap?.”
“Ang daming dumating na guest at tamad sila hanapin mga table nila kaya more on hatid ako, nakakapagod kaya. Ikaw naman ha. Tatayo lang ako sa gedli.”
Tumango lang ako sa aking kaibigan, siya ang nagsasabi kung saan upuan at ako ang naghahatid hanggang sa makaupo na nga ang lahat ng guest at kami naman ay tinawag na din ng coordinator para kumain.
“Ang sakit ng paa ko bes, ang sikip ng hiniram ko na sandals.”
Reklamo ng aking kaibigan. Gusto ko naman sanang magsabi na ako hirap na sa suot ko, buti na lang masikip ang taas na bahagi ng dress and luckily hindi bumibitaw sa laki ng hinaharap ko. Mabilis lang nga ang ginagawa namin na pagkain dahil kakain pa ang mga guest. Pagdating nga namin sa hall na sentro ng kaganapan ay medyo nakakainis ang ibang babae na dumalo, akala mo kumain sa restaurant na humihingi ng another order. Kami pa talaga ang inutusan na kumuha ng kung anong ulam na gusto pa nilang kainin.
“Okay ka lang miss?.”
Tanong ng isang babae na sa catering services, taga lagay ng ulam sa plato ng mga kakain.
“Okay lang ako, don't worry.”
“Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik ka dito, mukhang pinagtripan ka na ng mga babae na yun. Palibhasa mas maganda ka at sexy sa kanila.”
Naiinis na sabi ng babae na hindi ko kilala, ngayon ko lang din naisip na totoo nga, kanina pa nila ako inuutusan. Pero dahil kailangan ko ang trabaho na ito ‘e patay malisya na lang ako. Hanggang sa natapos ang okasyon, pumasok na kami sa dressing room para magpalit ng damit. Maikling shorts lang ang sinuot ko at spaghetti strap na damit. Pinatungan ko ng mahaba na cardigan.
“Bes, sinundo na ako ni bunso, sabay ka na sa loob ng tricycle?. Isa pa ma'y party na naman si gov birthday ng daddy niya next week. Tayo ulit ang usherette.”
“Sige bes, mauna na kayo. Dyan muna ako sa convenience store sa tabi. Magpapasundo na lang ako kay Harris.”
“Sige bes, bye na ha. Inaantok na din ako kaya mauuna na kami.”
Sabi ng aking kaibigan na humalik sa aking pisngi. Ako naman ay ilang hakbang lang na nilakad ang tindahan ng may isang sasakyan na bumusina sa tabi ng daan, medyo kinabahan ako dahil kung sunod ko ito ay sigurado na tatawagin ako.