CHAPTER: 3

1266 Words
“Get in!.” Sabi ng lalaki nakasakay sa loob ng kotse. Hindi ko pinansin dahil hindi ko naman kilala. Hanggang sa huminto sa unahan ko at ibaba ang salamin ng passenger seat. “Hey! Sakay na.” Tiningnan ko lang ito ng blangko at hindi ako kumibo. “Sa convenient store lang ako, hindi ko na kailangan sumakay pa.” Pag-iinarte na sabi ko kay gov. pero deep inside kinikilig ako dahil napansin na niya ako. Sakto naman pagbaba ni gov sa kanyang sasakyan ‘e ang pagdating naman ng kapatid ko na si Harris kaya napunta sa kanya ang aking atensyon. Lumapit sa akin ang lalaki at hinalikan ako sa pisngi sabay akbay. “Teka lang Harris, ah Gov salamat po pero uuwi na po ako, may maghahatid na sa akin, salamat na lang po sa pag offer.” Nakangiti na sabi ko sa lalaki sabay pasok ko sa sasakyan ng aking kapatid. Kita ko na ang pag igting ng panga ng gobernador. Nagtataka ako kung bakit ganun ang naging reaksyon ng lalaki. “Ate, sigurado ka ba talaga diyan sa pinaplano mo? Nakita mo ba itsura ng Adam na yun, mukhang gusto manakmal ‘e. Akala siguro kasintahan mo ako.” Hindi ako umimik dahil ngayon ko lang na gets na baka hindi sanay tanggihan ang lalaki na yun kaya nagalit. Nasapok ko ang aking noo. “Ate! Anong ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?!.” “Dapat pala bunso sumakay na ako kanina no?. Sayang ang pagkakataon. Baka mamaya hindi na ako pansinin dahil tinanggihan ko na. Mukhang hindi pa naman sanay ma-reject.” “Kaso ate Cassey, mukhang nananakmal ‘e, nakakatakot para sa'yo, ang dilim ng mukha ‘e.” Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Inabutan ko si mommy na nakaupo at mukhang hinihintay kami. Humalik ako sa pisngi ng matanda sabay hubad ng cardigan na suot ko at pagod ako na naupo sa malambot na sofa. “Maraming nakakakilala kay daddy, kahit itago makikilala ako. Alam mo kanina mom, may ilan na guest nagtatanong bakit nag work ako as usherette, sabi ko di ko sure if may mamanahin ako dahil nga isa lang akong adopted.” Tumawa ang matandang babae at hinalikan ako sa noo sabay yakap sa akin. “Napagod ba ang lucky charm ko?.” “Medyo po, pero kaya naman. Imagine mom, kung hindi dahil sa pamilya ninyo mas mahirap pa ang magiging buhay ko. Kung wala ang tulong ni daddy Ex, malamang mas mabigat ang buhay para sa akin.” “Huwag ka na mag-isip ng mga bagay, humingi na din ako ng tulong sa ibang connection ni mommy, kaso mukhang may humaharang daw sabi ng imbestigador na kinuha ko.” Nagtataka ako sa sinabi ni mom, sino naman kaya?. “Mom, sure ka ba na patay na ang friend mo noon na si tita Lhai?. About my biological mother ‘e tahimik na sya hindi po ba?.” Hindi umimik ang aking ina sa aking sinabi at niyakap lang ako ng mahigpit. “Walang bangkay ni Lhai anak, kaya natatakot ako.” Napalingon ako sa aking ina at nakakunot ang aking noo. Naging malapit din sa akin ang babaeng kaibigan dati ni mom dahil naalagaan din ako noon ng maliit pa ako bago magpakasal sila mommy Loraine at daddy Ex. “Sa’yo ko lang sinabi dahil ikaw ang malakas ang loob at tahimik sa inyong magkakapatid, si Halia ay bara-bara kung mag desisyon kaya takot akong sabihin ang ibang bagay. Natatakot ako anak, pero kung sakali man na may kinalaman si Lhai, baka this time makapatay na ako ng tao at kauna-unahan siya.” “Mommy.” Tanging nasabi ko sa aking ina, naramdaman ko na muli ako nitong niyakap at hinalikan ang aking ulo. Matanda na ito para mag isip pa ng mga bagay kaya naawa ako sa kanya. “Kumain ka na mommy?.” Tanong ko sa matanda na umiling lang kaya pinaningkitan ko ito ng mata sabay tayo ko at hinila patayo ang kanyang braso. “Okay, vegetable salad lang ha. Ayuko ng mabigat sa tiyan.” Tumango ako sa matanda at ngumiti naman ito sa akin kaya inakbayan ko si mommy. Sakto naman na kalalabas lang din ni Halia mula sa kanyang silid, hinalikan niya ako sa pisngi at sumunod sa amin. “Cassy, ano balita?.” Tanong ng kapatid ko na pinaningkitan ni mommy kaya ngumisi ng alanganin ang babae sabay piece sign. “Ate Cassandra ano ang balita?.” “Okay na mi?.” Tanong ni Halia na inismiran ni mommy, nasa 50’s na ang matanda pero ang ganda pa rin at hindi mo akalain na may edad na. Nai-iling na lang ako at tumikhim muna bago nagsalita para sagutin ang tanong ni Halia. “Kanina mukhang napagkamalan ni Gov si Harris na boyfriend ko.” Sabi ko sa dalawa na napatingin sa akin ng seryoso. “Napansin ka niya kaagad?.” Tanong ni Halia na alanganin ko na tinanguan. “Sana all na lang sa’yo! Yung matanda na bet na bet ko te mukhang wala akong pag-asa.” Malungkot na sabi ng aking kapatid na si Halia ang nanay ko naman ay natatawa dahil ang kinababaliwan ng aking kapatid na lalaki ay isang CEO ng kumpanya kung saan siya nag OJT. “Tumawag kasi ako kay Harris kanina na sunduin ako. Hindi ko naman akalain na hihinto ang kotse ni Gov sa kalsada kanina papunta pa lang ako sa convenience store para sana hintayin doon si bunso. Kaya ayun, tinanggihan ko offer ni Gov na ihatid ako.” “Ay ano ba yan! Sayang sis, siguro pinakita mo ang blessed na dibdib mo ano?.” Nasapok ko ang aking noo dahil tama siya, ang dalawang babae ay tumawa dahil sa reaction ko. “Kapangyarihan mo yan sis! Hahah sana magtagumpay ka sa plano mo namimiss ko na si daddy Ex. Ilang buwan na rin tayo naghihintay pero walang maibigay na maayos na dahilan sa pagsabog. Hindi din alam kung buhay o patay.” “Huwag kayong panghinaan ng loob mga anak, babalik ang daddy ninyo ha. Tiwala lang.” Naluluha na sabi ng aking ina na malungkot na tinanguan naman namin. Kumain kami ng tahimik hanggang sa matapos. Hinatid ko si mommy sa kanyang silid ay ako ay diretso na sa aking kwarto para magpahinga. Pagkatapos ko maligo ay napansin ko na nag bi-blink ang aking cellphone, may unknown number na tumatawag. Pinatayan ko dahil hindi ako sumasagot sa hindi ko kilala. Hanggang sa tumawag na namang muli. Hindi ko na naman sinagot hanggang sa nahiga na ako na walang saplot sa aking katawan dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng halos limang oras na tayo. Nakapikit na ako ng muling tumunog ang aking cellphone, text lang ito kaya binuksan ko at binasa. “This is Adam Villafuerte, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?. Nakakaabala ba ako sa date ninyo ng boyfriend mo na sunog?.” Nakasimangot ako dahil sino ang sunog na kasintahan ko?. Hanggang sa naalala ko si Harris. Hindi naman sunog ang kapatid ko, namumula nga ang kulay ng kanyang balat at lalaking lalaki kung titignan, pareho kay Halia na namana nila kay daddy Ex. Hindi ko pinansin ang aking cellphone ng tumunog muli dahil inaantok na ako. Bahala siya sa buhay n’ya laitero masyado. Wala naman mahalaga na tanong bakit tumawag pa?. Hanggang sa pinatay ko na ang aking aparato at nag balot na ako ng kumot sa aking katawan. Ipinikit kong muli ang aking mga mata hanggang sa lamunin na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD