CHAPTER: 4

1156 Words
“Mommy, naubos na po ang mga pang personal hygiene ko, punta po muna ko ng supermarket. May gusto ka po bang ipagbili?.” Tanong ko sa aking ina na nag-aayos ng kanyang mga halaman dito sa garden. Kanina ko pa tinawagan ang aking kaibigan na si Shane pero hanggang ngayon wala pa rin, kaya mag-isa na lang ako aalis. Tinatamad ako magmaneho kaya tinawag ko ang family driver namin, pagpasok pa lang niya ay sumampa na rin ako at pumasok sa sasakyan. Nagpapababa lang ako sa mall na pagmamay-ari ng aming pamilya, ni Halia. “Ay s**t!.” Mura ko ng maalala na nakapang-bahay lang pala ako na damit, spaghetti strap na damit at pekpek shorts na maong. Napangiwi ako dahil nakasuot lang ako ng n****e pads at pag silip ko sa likod ko ay kita ang aking dulo ng pwet. Pero dahil nasa ground floor lang naman ang supermarket ay bumaba na lang ako. Ito ang mahirap sa para kang porn star manamit pero ang utak mo pang old maid. “Ma’am, wallet mo po?.” Napapakamot ako ng aking ulo dahil naiwan ko nga sa sasakyan. “Kuya Ben, samahan mo na ako sa loob. Nakapambahay lang pala ako na damit.” “Bagay naman po ma’am, hindi naman po kayo bastusin kung titingnan.” “Inuuto mo ako kuya ‘e, ano gusto mo ipa-bili?.” “Malaking sitsirya lang ma’am at softdrinks soya na.” Umiling at nakangiti na sabi ko sa driver namin na hindi naman matanda, nasa 30’s lang din ang edad ng lalaki kaya kabiruan din namin paminsan-minsan. Papasok pa lang kami ng mall ni kuya Ben ng biglang may umakbay sa akin, paglingon ko si Harris pala, ang dungis na naman ng itsura nito. “Bakit gustong gusto mo magpanggap na mahirap?. Ang dungis mo bunso, saan ka na naman ba nagsusuot?.” “Tumulong ako ate sa talyer, hehe libre mo naman kami ni kuya Ben ate.” “Sus! Mas malaki kita mo sa akin ‘e, ako walang business ikaw meron. Ano bang ginagawa mo dito?.” “Naka backride ako sa motor ng tropa ko, nakita kita na kausap si kuya Ben kaya bumaba na lang ako. Ikaw itong ayaw mag negosyo tapos ku-kwentahan mo ako.” Nakangisi na sabi ng kapatid ko. Umiling na lang ako ng akbayan ako ng lalaki at humakbang na nga kami hanggang sa makarating kami sa loob ng mall. Napalingon na naman ako sa paligid dahil heto na naman ang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. “Bakit?.” “Parang may nakatingin sa akin parati Harris.” “Kelan pa ba ‘to ate?.” “Hindi ko na matandaan kailan to nagsimula, ang pakiramdam ko na para bang parati na lang may nakatingin sa akin. Nakakatakot na minsan.” “Hanggang sa bahay ba ganyan pakiramdam mo?.” “Hindi naman, sa labas lang ng bahay.” “Huwag kang lalabas mag-isa, gusto mo ikuha kita ng body guard?.” “Ano ka ba bunso, namamasukan nga ako bilang usherette. Saan ka naman nakakuha ng raketera lang tapos may bodyguard.” “Ewan ko sa’yo.” Sagot na lang ng lalaki sabay kuha ng mga gusto niyang pagkain. Ako naman ay dinampot na din ng mga kailangan ko. “Itulak mo na yan Harris, alangan naman ako pa?. Kinuhaan mo ba si kuya Ben ng chips at softdrinks?.” “Oo ate, malaki pa nga ang kinuha ko.” Pagkasabi niya ay diretso na kami sa cashier. Tinulungan lang ako ng aking kapatid ayusin ang aking mga pinamili at saka nauna pa itong maupo sa harap para kumain. Pagpasok ko pa lang sa likod ay nag vibrate ang aking cellphone kaya kinapa ko sa loob ng maliit na handbag at tinitigan ang screen. “Nextime ayaw ko na ganyan ang suot mo.” Basa ko sa text ng kung sino dahil hindi naman registed ang number sa cellphone ko. Medyo kinabahan ako lalo na ng tumawag na ito at hindi ko sinagot kaya muli itong nagpadala ng mensahe. “Kelan mo ba sasagutin ang tawag ko? Si Adam ito.” Basa ko sa text message kaya nasapok ko ang aking noo dahil kagabi pa nga pala tumatawag ang gobernador sa akin pero hindi ko sinasagot. Kaya ngayon, tumikhim muna ako bago pinadulas ang aking daliri sa screen ng aking cellphone patungo sa green bottom dahil makulit ang lalaki at tumatawag na naman. “Good morning Gov.” Mahinang sabi ko mula sa kabilang linya. Hindi naman umiimik ang lalaki kaya papatayin ko na sana. “Bakit ganyan ang suot mo na damit?. Lahat ng tao sa paligid pinag-titinginan ka.” “Ano po ba ang dahilan ng pag tawag mo gov? Kasi po may lakad pa ako.” Naiinis na tanong ko pero kailangan ko maging magalang dahil hindi naman basta kung sino lang ang aking kausap. “Sige po gov sa susunod po magsusuot ako ng abaya.” Sabi ko kay gov sabay patay ng tawag. Wala namang kwenta mga pinagsasabi tatawag pa, aksaya sa battery. Naiinis na inagaw ko ang chips ni Harris at kumain ako. “Ate, bawal sa’yo yan nakakataba.” Hindi ko pinansin ang aking kapatid at kumain lang ako ng kumain hanggang sa makarating kami sa bahay. Naupo ako sa sala at si Harris na ang nagbaba ng mga pinamili namin. Nakita ko na ngumuso si mommy sa akin at nagtaas lang ng balikat ang kapatid ko. “Anong nangyari sa lucky charm ko?.” Malambing na tanong ni mommy sa akin sabay tabi sa upuan ko. “Alam mo ba mom, tumawag si gov para lang sabihin na hindi niya nagugustuhan ang suot ko na damit. Bakit sino ba s’ya?.” Nakangisi ang matandang babae na nakatitig sa akin habang ako naman ay nagtataka. “Feeling ko anak nakuha mo talaga ang atensyon ni Gov. Adam.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni mommy, parang tama nga siya. Ngayon, gagamitin ko ang pagkakataon para mas mapansin pa niya. “Okay mommy, aakyat lang ako sa taas aayusin mo mga pinamili ko.” “Ang bilis magbago ng mood natin anak ah?.” Nakangisi na nag flying kiss ako sa matanda sabay mabilis na hinakbang ko ang aking mga paa sa hagdan. Kinuha ko ang aking cellphone at nag picture ako ng isa, sinend ko kay gov. Ilang minuto lang ay nag vibrate kaagad ang aking cellphone at pagtingin ko may message ang lalaki sa akin. “Damn! So hot!.” Nakangisi ako na nahiga sa aking kama. Baka totoo ang sabi ni mommy na nakuha ko talaga atensyon ng batang gobernador kaya ganun siya sa akin. Kanina galit na galit dahil sa damit ko na suot sa labas, pero ngayon naman napamura pa dahil hot daw. Sige, makikipaglaro ako. Kung ano man ang tawag sa ginagawa ko na ito na kailangan ko gawin para sa daddy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD