“Bes, ano ready na?.”
Sabi ng aking kaibigan na si Shane habang ako nakatitig lang sa salamin dahil empires cut na naman ang suot namin na dress at ngayon, strapless pa!
“Nakasuot ka ba ng n****e pad bes?.”
Tanong ng aking kaibigan na sinamaan ko ng tingin.
“Para akong nakahubad sa suot ko Shane, skin tone pa ang kulay ng dress natin.”
“Ano ka ba?! Bagay kaya sa’yo, tingnan natin mamaya luluwa na naman ang mga mata ng mga guest sa’yo.”
Napailing na lang ako sa sinabi ng aking kaibigan. Minsan talaga problema ang dibdib ko na may sukat na hindi normal. Paglabas namin ng dressing room ay diretso hanay kami sa entrance may mga lumalapit sa amin para magtanong kung saan ang kanilang upuan base sa dala nilang invitation card. Kaarawan ng ina ni Governor Adam kaya bongga ang mga dumarating dahil alta sa syudad na ina ng lalaki.
“Miss, pwede bang malaman kung saan ang table ko?.”
Magalang na tanong sa akin ng isang gwapo na lalaki, malaki ang ngiti nito na animo'y model ng isang toothpaste brand.
“Pwede po ba makita ang invitation card mo?.”
Tanong ko sa lalaki na mukhang nagtataka kaya napalingon ako kay Shane na bumulong sa akin.
“Gaga! Si Mayor Geoffrey Villafuerte yan, pinsan ni Gov.”
Nakagat ko ang aking labi sa sinabi ni Shane sa akin. Pakiramdam ko namumula ang aking mukha sa pagkapahiya. Aba! malay ko ba na Mayor ang kaharap ko at pinsan ni Gov. Sumunod lang naman ako sa protocol na tingnan ang invitation card bago papasukin at ihatid sa kani-kanilang upuan.
“This way po Sir. Pasensya na po kayo, hindi ko po kayo nakilala.”
Paumanhin ko sa lalaki habang naglalakad kami. Naasiwa ako dahil pakiramdam ko ay nakatitig ang lalaki sa bawat hakbang ko.
“Okay lang, hindi naman ako kasing famous ng isang Adam Villafuerte kaya naiintindihan kita.”
Hindi ako umimik, parang may bahid ng konting pait ang pagkaka-deliver ng lalaki ng salita. Pero ng lingunin ko naman ito ay nakangiti naman, kaya naisip ko na baka normal lang ang sarkastiko nitong tono, pagdating sa lamesa kung saan nakalaan ang upuan ng Mayor. Magalang ako na nagpaalam bago bumalik sa aking pwesto.
“Shuta bes! Nakakatawa ka, hindi mo pala kilala si Mayor?.”
Tanong ng aking kaibigan na nahihiya kong inilingan ng aking ulo.
“Sikat ang mag pinsan na yan sa bayan natin tapos hindi mo kilala. Para kang taga liblib na lugar hahaha.”
Naiinis na tiningnan ko si Shane kaya tumahimik. Malay ko ba ma darating ang araw na ito, na kakailanganin ko pala na kilalanin ang mga tao sa paligid ko. Si daddy naman kasi hindi niya kami inubliga na kailangan ganito, o kailangan ganyan. Basta ang sabi niya, mag-aral kaming mabuti, maging makatao. Kaya mamaya pag-uwi ko, kikilalanin ko ang family tree ng Villafuerte sa internet.
“Miss, saan dito ang comfort room?.”
Tanong ng isang babae na sinamahan ko dahil sakto na naiihi na din ako. Sampo kami mahigit na usherette pero parang iilan lang sa dami ng tao na tanong ng tanong. Pagpasok ko ay dumiretso na ako kaagad sa banyo para umihi. Dahil sa ganitong event, kailangan mabilisan ang kilos.
“Nakita mo ba yung isang usherette?. Sigurado ako gold digger ang babaeng yon. Imagine ang ganda niya at mukhang hindi sanay sa ganitong gawain tapos papasok lang bilang utusan. For sure gusto niyang nakasilo ng mayaman.”
Balewala ako na gumitna sa mga babae na pinag-chichismisan ako. Patay malisya na inilapag ko sa lababo ang aking mamahaling bag at limited edition na regalo pa ni daddy sa akin noong eighteen birthday ko. Kinuha ko din ang face powder na mamahalin, tanging sa Japan lang mabibili. Pagkatapos ko mag retouch ay nag spray ako ng mamahaling pabango na halos gawin kong air freshener sa buong banyo. Hinawi ko ang aking buhok at mula ulo hanggang paa ko tinitigan ang mga babae isa-isa. Halos maubo sila sa pagkagulat dahil ang pabango ko na “Le Monde Sur Mesure” ay nagkakahalaga lang naman ng 1.8M dollar na regalo din ni mommy sa akin.
“Ang oily ng mukha ninyo.”
Sabi ko sabay talikod sa mga babae. Hindi lang kami pinalaki sa luho ng mga magulang namin. Pero kung yabangan lang ang gusto nila. Para saan pa at binansagang King of Gold ang ama ko kung hindi kami ang pinakamayaman sa bayan na ito. Yun nga lang, hanggang ngayon ay malaking katanungan sa lahat dahil hindi nila kilala kung sino ang tatlong anak ng lalaki. Itinago kami ng aming magulang para maiwasan ang mga banta sa aming buhay. Sa pagkakataon na ganito hindi ko masasabi na tama sila o mali na hindi kami kilala ng mga tao.
“Bes, kain na tayo.”
“Pwede daw ba?. Nagugutom na din ako ‘e.”
“Yes darling, pwedeng pwede. Sino ang nagsabi na hindi pwedeng kumain sa party ko ang aking mga usherette?.”
Nakangiti na sabi ng matandang babae na napakaganda. Sopistikada sa kabila ng edad nito.
“Madam.”
Tanging nasabi ko sa babaeng matanda. Ngumiti ito at ginaya ako at si Shane patungo sa mga pagkain.
“Kanina ko pa kayong dalawa napapansin na pabalik-balik, kaya ipaubaya na ninyo ang ibang gawain sa mga kasamahan ninyo na walang ibang ginawa kung hindi ang mag istima ng mga bisita. Haha natalo pa ako na birthday celebrant.”
Pagbibiro ng matanda na may bahid ng katotohanan. Nagpaalam na din ang babae sa amin ng pumasok si Governor Adam kasama ang kanyang mga bodyguards.
“Mauuna na ako ladies ha?. Nandyan na ang anak ko na masungit. Sigurado hahanapin ako niyan kaagad.”
Sabi ng matanda sa amin na totoo nga, huminto ang lalaki at nilibot ang paningin, sabay titig sa akin?. Parang hindi naman sa mommy nya nakatingin kung hindi sa akin, o baka imagination ko lang.
“See?. Hinahanap niya ako! Bye na, kain lang kayo ha. Maraming food dyan masasarap.”
Magiliw na sabi ng matanda na kumaway pa sa kanyang anak habang mabagal na naglakad patungo sa binata.
“Bes, mabait pala ang mother earth ng Gov, ano?. Pikutin ko na kaya, parang sa mga novel na nababasa ko. Mag pakalasing ako tapos tatabi ako sa lalaki para may mangyari sa amin.”
Natatawa pero natulala ako sa idea ng aking kaibigan. Pero mabilis na umiling ako ng aking ulo.
“Gosh bes, anong mangyayari sa’yo?. May sapi ka?.”
“Ewan ko sayo Shane, halika na nga kumain na tayo. Parang masarap yung tempura nila ang lalaki.”
“Same tayo ng masipag bes, hahahah bet ko din yun. Tara na nga.”
Pero sa isip-isip ko, hindi malabong gawin ko ang idea ni Shane kapag desperada na ako at nauubusan na ng oras sa paghahanap sa aking ama.