Habang kumakain kami, napatingin ako sa lalaki na tumabi sa akin ng upo. Hindi ako umimik dahil hindi naman ako sanay lapitan ng mga lalaki. Gustuhin ko man na lumipat ngayon ng upuan ‘e baka masamain nito. May mga pagtatangka sa University, mga schoolmates ko na gustong mapalapit sa akin pero kaagad akong umiiwas dahil nga sabi ng aking ama, hindi pwedeng makipagrelasyon kapag hindi pa tapos ng pag-aaral.
“Hi Gorgeous.”
Nakangiti na bati sa akin ni Mayor Geoffrey Villafuerte. Hindi ako umimik at blangko ko ito na tiningnan.
“Woaaah! Ang cold ng stare.”
“Ah. Hello Mayor, ako pala si Shane best friend ng katabi mo na si Cassandra.”
Pinandilatan ako ng mga mata ni Shane kaya walang buhay ako na ngumiti sa lalaki.
“Makikiupo lang ako ladies ha?. Ang boring kasi sa table namin. Puro mga negosyo ang pinag-uusapan.”
“Ang gwapo mo pala Mayor sa malapitan, para kang walang pores. Anong skin care mo?.”
Sunod-sunod na tanong ng aking kaibigan habang ako naman ay walang pakialam na sumusubo ng pagkain.
“Don't worry, just give me your number para tawagan kita. Ipapadala ko sa address mo ang brand ng skin care ko.”
Sabi ng Mayor sa aking kaibigan na mukhang kinikilig. Hanggang sa nagpalitan na sila ng numero. Tumayo ako para pumunta muna sa powder room total tapos na akong kumain.
“Tapos ka na bes?.”
Tanong ni Shane na tinanguan ko sabay ayos ng aking damit at tumayo.
“Powder room lang ako.”
Paalam ko sa dalawang kasama ko na nakaupo sa iisang lamesa.
“Nakita ba ninyo kanina? Grabe si Mayor Geoffrey lumapit sa upuan ng mga usherette at talagang tumabi pa doon sa gold digger. Ewan ko ba, naiirita ako sa isang yun.”
Nakasandal ako sa pintuan ng powder room habang pinapakinggan na pinag-uusapan ako ng mga babaeng guest. Katulad nga ng sabi ni Shane, mga mukhang babae na kulang sa dugo ang iba, ang iba naman ay mga mukha ng bungo dahil halata ang enhancement na pinagawa sa mukha. Mabagal ako lumakad at humarap sa salamin.
“Hindi ba kayo napapagod pag-usapan ang ibang tao?. Nakakatawa na kung tawagin ninyo ako ‘e gold digger, na literal na–.”
Pinutol ko ang aking sasabihin sabay tingin ko mula ulo hanggang paa sa mga babae. Sinahod ko ang aking kamay sa gripo at pagkatapos ay pinagsasabuyan ko ng tubig ang mga ito, nakangisi ako na lumabas habang sumisigaw at tumitili pa ang iba dahil sa mukha ko pinag-wiwisikan ng tubig. Bahala na kung may mag demanda. Sigurado ako na hindi naman ako pababayaan ni mommy. Nakangisi ako habang naglalakad pabalik sa lamesa namin ng biglang may humiklas ng braso ko.
“Ammm—.”
Hindi natuloy ang sigaw ko dahil tinakpan ng palad ang aking bibig. Pagtingala ko ay si Governor pala.
“Go—v.”
Nabubulol at mahabang tawag ko sa lalaki na ngayon ay nakatitig sa aking mga mata at madilim ang mukha.
“Iwasan mo si Mayor. Hindi ko gusto na malapit siya sa'yo.”
“Bakit, tatay ba kita?.”
Nangiinis na tanong ko pero ang aking mukha ay para bang wala lang.
Pwede mo naman akong tawagin ng daddy, okay lang sa akin.”
Sagot ng Governor na sinimangutan ko. Nagpang-abot ang aming mga tingin kaya napakagat ako sa aking labi.
“Huwag mong kagatin, natatakam akong gayahin.”
Sabi ng batang gobernador kaya hindi ako naka-imik. Pinalandas niya ang kanyang daliri sa aking pisngi, ilong hanggang sa aking labi. Kinakabahan ako sa uri ng titig ng lalaki sa aking labi. Gumalaw pa ang kanyang adams apple kaya napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang din napansin ng matitigan ko siya sa malapitan na ang gwapo pala talaga ng batang gobernador, hindi nakakapagtaka na marami ang kababaihan na nababaliw sa lalaki. Napapikit ako ng haplosin ng lalaki ang aking ibabang labi gamit ang kanyang hinlalaki na daliri. Hindi ako makagalaw ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya na dumadami sa aking leeg na kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko na inaamoy niya ako. Kakaiba ang nadarama ko ngayon, para bang may mga paru-paro na naglalaro sa loob ng aking tiyan. Sinasabi ng isip ko na itulak ko na ang lalaki pero ang katawan ko ay parang may hinihintay pa itong gawin sa akin. Ang mainit na hininga ng lalaki sa aking leeg ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam na para bang kuryente na kumokonekta sa bawat himaymay ng aking laman hanggang sa pagitan ng aking dalawang hita.
“Uulitin ko, layuan mo ang pinsan ko. Hindi ako nag hintay ng mahaba na panahon para lang mapunta sa wala ang lahat.”
Hindi ko man mainitan ay tumango na lang ako na wari ba ay para akong na hipnotismo sa titig ng lalaki na ginagawad sa akin ngayon.
“Good girl.”
Sabi pa ng lalaki sabay hawak sa gilid na bahagi ng damit ko at itinaas pa ito. Bagay na ikinagulat ko!
“Damn that dress! Your cocomelon is so round and damn big.”
Pagkasabi ng lalaki ay mabilis na tinakpan ko ng aking dalawang braso ang aking dibdib. Naiinis na tinitigan ko ito.
“Manyakis!.”
Mahinang sigaw ko sa lalaki na nginisian na lang nito at bumulong.
“One day you will beg me to touch your body.”
Sabi ng lalaki sabay lakad palayo sa akin na akala mo ay walang nangyari. Parang nanghihina ang aking tuhod mula sa pagkaka-tayo, napatukod pa ako sa pader gamit ang aking isang kamay. Mabagal ako na naglakad hanggang lamesa kung saan nakaupo ang aking kaibigan at ang Mayor.
“Ang tagal mo bes, tumae ka?.”
Walang hiya na tanong ng aking kaibigan na nginitian ko na nakakaloko.
“Oo, happy?.”
Tumawa lang si Shane habang ako ay nag-aya na magtrabaho na kami dahil kanina pa kami nakaupo.
“Ikaw, Cassandra pwede ko ba makuha ang number mo?.”
Tanong ng mayor na inilingan ko habang nakatingin ng masama kay Shane.
“Pasensya na po Mayor, hindi ko po binibigay basta-basta ang number ko lalo kung wala naman po kaming dapat na pag-usapan.”
“No worries. Naiintindihan ko, dapat naman talaga ang mga babae hindi basta-basta nagtitiwala. Lalo sa panahon ngayon na masyadong delikado.”
“Thank you Mayor.”
Malambing at inosenteng sabi ko sa lalaki na pakiramdam ko ay so good to be true. Hindi naman sa tamang hinala ha. Sadyang maingat lang ako dahil wala si daddy para protektahan ako, kami ng mga kapatid ko.