CHAPTER: 7

1307 Words
“Ladies!.” Tawag sa amin ng ina ni Gov. Siniko ako ni Shane kaya walang buhay ako na sumunod sa babae. Sa totoo lang napapagod na ako kaya gusto ko na sanang umuwi. Pero ang kaibigan ko na Miss congeniality ata ay walang kapaguran. “Bes, ngumiti ka! Umayos ka dahil nakakahiya ang sambakol na mukha mo.” Bulong ng babae sa akin na ikinangiti ko. Para itong nanay na nag sesermon sa nagdadabog na anak. “Opo nanay!.” Sagot ko sa aking kaibigan habang pinakita ko ang aking malaking ngiti. “Gagi! Sabi niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko. Pagkalapit namin sa matandang babae ay inabutan kami ng tig-isang paper bag. Tiningnan ko ito ng nagtataka. “Para saan po ito madam?.” Tanong ko sa matandang babae na ngumiti naman sa akin. “Ulam yan na niluto ko sa bahay mismo bago pumunta dito. Hindi dumating ang very special guests ko kaya sa inyong dalawa ko na lang ibinigay. Kainin ninyo pag-uwi ha? Share n'yo din sa mga kasama ninyo sa bahay. Lobster yan na baked. Tapos may kasama yan na dress, hindi na kasya sa akin, binili ko sa Paris, never ko nagamit. Regalo ko yan sa inyong dalawa kasi kayo ang pinaka masipag sa mga usherette na nandito.” Napangiti ako na humalik sa pisngi ng matanda. Tinitigan ako nito na parang nagtataka. “Para ka po kasing si mommy, sophisticated, ang nice sa lahat. Thank you po dito madam.” Sabi ko sa matandang babae na tumango naman sa akin. Ang kaibigan ko naman ay nagpasalamat din sa matandang babae at naglakad na kami palabas ng hall. “Bes, ang bait ano?. Tama ka, para syang si doc Loraine.” Tumango ako at ngumiti sa aking kaibigan. Nagulat pa ako dahil may bumusina na naman sa labas. Paglingon ko ay si Governor Adam pala. “Sakay na kayo! Walang sasakyan na pang publiko ang pumapasok dito, kaya tara na.” Nagkatitigan kami ni Shane at ang babae ay mabilis na tinungo kung saan nakahinto ang sasakyan ng lalaki. Binuksan kaagad ang likod na pintuan at isinara. “Sa harap ka na lang bes, hihiga ako dito iinat ko mga binti ko para. Okay lang naman sa’yo diba Gov.?” Sabi ng aking kaibigan habang nakababa ang salamin ng sasakyan. Kinindatan pa ni Adam si Shane kaya pinaningkitan ko ang dalawa ng aking mata. Wala akong pagpipilian kung hindi sa tabi ng lalaki maupo. Habang nagmamaneho ang lalaki ay hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa kanyang mukha. Ang kanyang buhok na kulay tsokolate, ang kanyang makapal na kilay, ang labi na kulay rosas ay sakto lang ang kapal higit sa lahat ang kulay abo na kanyang mga mata. “Where did you find me?. Did I pass?.” Nahihiya ako na iniwas ang aking tingin dahil sa tanong ng lalaki. Narinig ko pa ang aking kaibigan na humagikhik ng kilig o tawa sa aking likuran. “Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-tingin sa akin, hindi maintindihan ang ibig mong sabihin.” Kanta ni Shane sa likod habang sinasabayan pa ng sipol. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha sa kahihiyan kaya't humarap ako sa salamin ng pinto at itinuon ang tingin sa daan. “Sa malapit na convenient store lang ako, magpapasundo na lang ako.” “Kanino?. Sa boyfriend mo na sunog?.” Tanong ng mapanglait na Gobernador. Sinamaan ko ito ng tingin at humarap ako sa kanya. “Ang tinutukoy mo ba ay si Harris?.” “Yun ba ang pangalan nung lalaki na laging sumusundo sa’yo?.” “Wait! Si Harris ko?.” Singit na tanong ni Shane na tinanguan ko, alam ko na bubungangaan niya si Gov kaya napangiti ako. “Oo bes, sunog daw.” Sulsol ko pa habang nagtataka naman ang tingin ng lalaki sa amin sabay balik ng atensyon sa daan. “Gov ha, umayos ka huwag mo malait-lait ang Harris baby ko. FYI baby brother yun ni bes Cassy kaya lagot ka kapag nalaman nun na nilalait mo sya.” Sabi ni Shane sabay ismid sa lalaki na biglang napahinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. “Kapatid?. Bakit hindi ko alam?.” “Aba malay ko sa’yo, nagseselos ka na lang wala pa sa hulog. Wrong information ka pa. Pahiya konte ka tuloy.” Pangbo-boska ng aking kaibigan na ikinatawa ko. Ang lalaki naman ay napakamot sa kanyang ulo na mukha nga’ng napahiya. Kaya't naiiling na muli nitong pinaandar ang sasakyan. “Pasensya na, hindi ko alam.” “Hahaha magtanong ka kasi sa akin, si Mayor nga ang daming tanong sa akin about kay bes, may padulas pa na skin care.” “Ano ba gusto mo? Kaya ko din naman suhulan ka.” Tanong ng lalaki sa aking kaibigan na bigla naman umabante ng upo si Shane na mukhang pera at sumingit pa sa pagitan ng upuan. “Tatlong biik ang gusto ko Gov. Para may kabuhayan si mama.” Sisitahin ko sana ang aking kaibigan ng biglang nag seryoso ito ng mukha at tumingin sa bintana. Ramdam ko ang lungkot nito dahil hindi naman sila mayaman. Nagkataon lang na click kami kaya magkasundo talaga kami ng babae. Noon ay nag offer na ako dito ng negosyo kaso tinanggihan ako dahil sabi nga niya ay nakakahiya na dahil abusada na siya. Ako kasi hanggang ngayon ang sumusuporta sa maintenance medicines ng kanyang ina. “Okay, gagawin ko pang sampo. Basta dapat sa akin ang loyalty mo hindi sa pinsan ko.” Sabi ng lalaki na mabilis naman nagpalingin sa aking kaibigan. “Okay Gov. Paki padala na lang sa bahay ang mga biik at tawagan mo na lang ako sa mga gusto mo itanong about kay Cassandra.” “Gagi ka Shane! Harap-harapan ang pagbebenta mo sa akin ah?.” “Ganun talaga bes, matindi pangangailangan ko ‘e.” “Ewan ko sa’yo Shane! Alam mong nandito lang ako.” Sabi ko sa babae sabay ayos ng aking dala na bag. “Dito na lang ako Gov.” Huminto naman ang sasakyan at naglakad ako papasok sa loob ng 7/11. Medyo nagtampo ako kay Shane dahil mukhang may problema pero ayaw magsabi sa akin. Pagkaupo ko sa loob ay dinukot ko ang aking cellphone sa bag at tinawagan ko si Harris. Sinabi ko na sunduin ako, pero maghintay lang daw ako ng trenta minutos dahil galing daw siya sa labas ng bayan. Kumuha ako ng mogu-mogu na juice at sakto naman na paghawak ko ng bote ay nagkasabay kami ng isang kamay. Paglingon ko ay si Mayor pala! “Oh, same tayo ng gusto na juice. Sige ikaw muna, ladies first.” Ngumiti ako sa lalaki at saka kinuha ko na ang isang bote ng juice at nagbayad sa counter na sabi ng lalaki sa likod ko at siya na daw magbabayad. Kaya wala akong nagawa kung hindi magpasalamat dahil kung makikipagtalo pa ako matatagalan pa at nakakahiya sa ibang nakapila sa likod. “Nakita kita kanina sakay ni kuya Adam, bakit hindi ka na nagpa-diretso ng hatid sa bahay ninyo ‘e delikado sa magandang babae ang nasa labas pa ng ganitong oras.” Tumingin lang ako sa lalaki at mukhang genuine naman ang concern nito sa akin. “Ayaw ng parents ko na may naghahatid sa akin na lalaki sa bahay. Bawal pa kami.” “Woahhhhh. Graduating ka na hindi ba?.” “Yes, isang buwan na lang. Pero syempre, anak lang ako at magulang sila. Kailangan ko igalang ang kagustuhan nila bilang isang anak.” Nakangiti na paliwanag ko sa lalaki na tumango at ngumiti. “Cassandra, the good daughter.” “Kinda.” Sagot ko naman sabay napangiti din. Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako sa lalaki dahil nakita ko na pumarada na sa labas si Harris ng kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD