Pagdating namin ni Harris sa bahay ay humalik ako kay mommy. “Ano ang dala mo anak?.” Tanong ng aking ina sa paper bag na dala ko, sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ganito ito kalaki ‘e sabi nga ng matandang babae ay dress at lobster lang. “Bigay po sa akin ni Mrs. Villafuerte, mommy po ni Gov.” Sabi ko sa aking ina na ngumisi ng nakakaloko sa akin. Kinuha sa akin ang paper bag at binuksan. Isang hindi kalakihan na box at may tatak ng mamahalin na brand. Hinila ni mommy ang ribbon at tumbad ang isang kulay itim na silk dress, masyadong revealing pero ang ganda nya as in. Pagkatapos ay isa magic pillow na may mukha ni Gov. Ang mommy ko natatawa na tinakpan ang kanyang bibig pakiramdam ko umaapoy ang aking mukha. Bakit naman may ganito pa?. “Mommy.” “Bakit anak?, ang cut

