“Anong meron?.” Tanong ko sa isang kaklase ko na nakasalubong ko sa gate. May ilan kasing sasakyan na mukhang mamahalin na nakaparada malapit sa gate. “May program ngayon. Kanina nag announce na ipakikilala ang nag sponsor ng amphitheater at dagdag isang room dahil dumadami na daw ng enrollees galing sa ibang mga bayan.” “Oh I see, may pasok?.” “Wala sis, pero mahalaga ang attendance kaya ayun, another boring na half day na naman tayo.” “Okay, salamat. Si Shane nakita mo na?.” “Hindi pa, sige canteen muna ako ha.” Naupo ako sa isang bench sa gilid ng field pagkatapos ko mag tanong sa schoolmate ko. Dinukot ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag at tinawagan si Shane. “Malapit na ako bes. Nagpahatid ako kay manong. Susko! Pasalamat talaga ako kahit karag karag ang kotse

