Governor Adam Villafuerte (POV) Throwback: Nakatingin ako sa dalagita na naglalaro sa hardin nila. Nandito kami ng aking ama sa bahay ng negosyante na tinaguriang King of Gold. Bata pa ang negosyante para sa kanyang bansag. Sobrang humahanga ako dahil ang yaman nito at ang daming negosyo. Base sa usapan ng mga Uncle ko sa ancestral house ng grandparents ko ay nakakalula ang yaman ng lalaki. Humihingi ng donasyon ang aking ama para sa pabahay na proyekto niya para sa mahihirap, lupa na pag-aari namin ang gagamitin at ibibigay sa mga pamilya na ire-relocate. Nagpaalam ako na lalabas muna dahil nabo-bored ako sa loob. Fourth year collage na ako at graduating pero naiinis ako dahil ang dalagita na pumipitas ng bulaklak ay ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko ngayon. An

