BAHAGYANG napangiti si Thumbler sa tugon ng asawa niya. Kahit papaano ay naibsan ang pangamba na baka pera lang niya ang habol nito. Pero sa araw-araw na kasama niya si Aggie unti-unti nitong nakilala ang tunay tinong ugali. Kasalukuyan silang nag-almusal kasama ang buong pamilya, nang dumating ang tutor ni Aggie, dahil kumain pa sila kaya pinaghintay muna nila itov sa sala. "Ready ka na ba?" tanong ni Aggie sa asawa. "Oo. Salamat." "Galingan mo anak, ito na ang pagkakataon para matuto ka," anang ama niya. "Opo, Papa. Pagsikapan ko na matuto agad. Tuloy na ba talaga ang uwi ninyo bukas?" malungkot na tanong niya. "Oo, anak. Alam mo naman na nandoon ang hanapbuhay natin, paliwanag nito. "Huwag kang mag-alala, Aggie. Kapag medyo malaki na ang mga bata ay magbabakasyon tayo doon. P

