ALAS-DOSE, tumawag si Thumbler kay Aggie, at sinabi niya na hindi sila maka-uwi ng lunch. Dahil may business meeting siya kasama ang ama nito. Naiintindihan naman siya ni Aggie kaya wala itong maraming tanong-tanong. Na ang tanging tugon niya ay "okay". Banda alas-dos ay dumating ang trainor niya at kasalukuyang nasa sala na ito. Lumabas siya a mula sa kuwarto at tinawag ang dalawang private caregiver upang pabantayan ang mga sanggol. Dahil ang mga magulang niya ang nasa kuwarto at nagpapahinga sila. "Good afternoon, ma'am!" bati na babaeng may edad. "Good afternoon, too!" tugon niya. "Ma'am, ako pala si Susan Enriquez. Ako ang kinuha ni Mr. Del Torre. Para magturo sa 'yo." "Ako naman si Aggie, ang asawa niya," tugon naman niya. "Kumain na po ba kay, ma'am?" "Oo, tapos na." "M

