Prologo

403 Words
INIS na inis siya sa batang-babaeng mataba na luma ang kupasing damit... "Ano, iinisin na naman natin si Lhianne?" maang na tanong ng batang si Carl kay Daryl. "Oo, hayan na siya o, paraan na sa gate ng bahay namin," nakangising wika ng sampung taong gulang na si Daryl. "Ikaw talaga! Bakit ba gustong gusto mo siyang inisin simula nang dumating sila dito sa lugar natin?" naiiling na sabi ni Carl kay Daryl. "Wala lang, gusto ko lang! Hoy, Taba!" Pero hindi lumingon sa gawi nila ang batang si Lhianne na tila walang narinig, diretso lang ito sa paglalakad. "Aba't, hoy! Taba, bingi ka ba?" inis na sabi ni Daryl na napakapit sa rehas ng gate. Pero dedma pa rin ito, tuloy parin sa paglalakad, hanggang sa lumampas na sa gate ng mansyon ng mga Fernandez. "Naku! Ang suplada talaga ng matabang babae na 'yan ah! Teka nga!" Gigil na binuksan ni Daryl ang gate. "Oh, saan ka pupunta?" pigil ni Carl sa kanya. "Hahabulin ko ang matabang iyon." "Aba,huwag na! Ano ka ba Daryl? Wala naman kasalanan sa iyo bakit aawayin mo!" "Eh, supladang mataba! Hoy! Lhianne!" tuluyan ng nakalabas ng gate si Daryl. "Hoy mataba!" sabay hila nang kamay ni lhianne. "Aray! Ano ba?" Pasigaw na sabi ni Lhianne nang lumingon sa kanya. "Bakit ba?" matapang na namaywang ito. "Anong bakit? Tawag ako nang tawag sa iyo, ayaw mo akong pansinin! Ang suplada mo, ang sungit mong mataba ka!" "Hoy bakit naman kita lilingonin, mataba ba pangalan ko?" Lalo na naman itong nagtaray. "Bakit, hindi ba't mataba ka naman talaga? " nakangising sabi ni Daryl, tuwang- tuwa siya na makitang inis na inis ito. "Oy, kahit mataba ako maganda naman ako sabi nang mommy ko! " "At naniwala ka naman na maganda ka?" "Tse wala akong pake sa iyo!" sabay talikod sa inis ng batang babae. "Aba't hoy, kinakausap pa kita, ah!" gigil na hinabol ni Daryl at hinatak sa kamay para lang mapaharap uli sa kanya. "Ang kulit mo, ah! Bitiwan mo nga ang kamay ko!" sabay tadyak sa paa. "Aray!" napaupo si Daryl sa sakit. "Salbahe kang mataba ka, ah! Lagot ka sa akin!" galit na galit na tumayo si Daryl. "Beh, buti nga sa iyo hindi ka makakahabol!" "Hoy! Mataba! Bumalik ka!" Pero tila walang narinig na nagpatuloy ito sa pagtakbo palayo, habang nahabol nalang niya ito ng galit na tingin dahil masakit pa rin ang kanyang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD