CHAPTER 1

1021 Words
13 years later... "At anong gusto mong gawin ko, ha? Maghintay rito sa bahay na parang tanga? Hah! Anong akala mo sa akin, tau-tauhan lang dito uwian at iwan mo kung kailan mo gustong umuwi?" "Anong pinagsasabi mong kung kailan ko gustong umuwi? Bakit, may iba ba akong pinupuntahan bukod sa office? Kung ginagabi man ako ng uwi, sino bang kasama ko? Mga tauhan ko at kliyente lang ng kumpanya!" paliwanag ni Daryl sa asawa. "Wala akong pakialam kahit sino o ano ang reason mo kung bakit palagi kang ginagabi sa pag-uwi, o kung minsan ay hindi ka na umuuwi! Ang sinasabi ko lang sa'yo, asawa mo ako, hindi katulong lang sa bahay na ito na walang pakialam kung umuwi ka man, o hindi Daryl! May tungkulin ka sa akin na hindi mo nagagampanan! May mga pangangailangan ako na hindi mo naibibigay!" galit na saad ni Claire. "Claire, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa atin, para sa magiging mga anak natin! At alam mo rin na sa akin na ipinagkatiwala ni Daddy ang kumpanya ng pamilya dahil ako ang panganay kaya responsibilidad kong alagaan at pagbutihin ang trabaho ko." "Hindi lang naman ang pagiging busy mo ang nagpapahirap sa kalooban ko kaya madalas ay gusto kong magwala! Alam mo kung ano Daryl? Mas nararamdaman ko na kahit narito ka sa bahay, o kahit kasalo kita sa pagkain, o kahit kasama pa kita sa pagtulog, hindi ko parin maramdaman ang presensya mo!" "Ano bang ibig mong sabihin!" "Hindi ako tanga at manhid, Daryl. Alam ko hanggang ngayon ay hindi mo parin ako matutunang mahalin!" "Ano bang pinagsasabi mo? Kasal na tayo, ano pa bang-“ hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad na itong pinutol ng asawa. "Alam mo kung ano ang ibig kung sabihin! Dahil hindi ko nakakalimutan na kaya lang tayo nakasal dahil pinag-match lang tayo ng mga parents natin. At dahil gusto naman talaga kita kaya pumayag ako magpakasal sa'yo. At dahil masunurin ka ring anak, At dahil nga sa masyado kang busy sa pakikipagkumpitensya sa mga pinsan at kapatid mo sa paghawak ng mga negosyo nang angkan ninyo, pikit-mata mong tinanggap na pakakasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal!" "Claire!" "Tama na! Ayoko na, Daryl! It's all over!" "Ano bang–“ "Ayoko na, Daryl, hindi ko na kaya! I don't deserve this kind of life. Noong mga unang buwan at taon ng ating pagsasama, sinikap kung tiisin at intindihin ka. I thought na baka sa huli matutunan mo rin akong mahalin, baka nga matanggap mo rin na ako na ang makakasama mo habang buhay. But you're getting worst, alam mo ba iyon, ha? Habang tumatagal lalo kang lumalayo, Daryl. Lalong sumasara ang puso mo para sakin." "Claire..." natitigilang napatitig si Daryl sa asawa... ganoon nga ba siya? "So, anong gusto mong mangyari ngayon? Anong plano mo?" "I'm out! Let's have an annulment." "Claire..." lalo siyang natigilan sa naging pasya nang asawa, pilit niyang kinakapa ang kanyang puso, pinakiramdaman kung anong klase g sakit at panghihinayang ang mararamdaman sa naging pasya nang asawa... Yeah, maybe that's the best thing we that should do... Tutal, wala naman yatang patutunguhan ang relasyong ito... Bulong ng isang bahagi ng kanyang utak... At puso. ********* "For Christ's sake, Daryl! Kung talagang hindi mo pala matatanggap si Claire bilang asawa, bakit mo pa hinayaan na makasal kayo?" naiiling na tanong ng pinsan niyang si Eman. "Akala ko kasi, that's the best way to do para hindi na ako kulitin nila mommy at daddy mag-asawa na. Palagi kasi nilang nakikita ang pagiging workaholic ko at ang kawalan ko ng social life at lovelife kaya pinagbigyan ko na lang sila na pakasal sa inaanak ni mama. Malay ko bang impyerno ang magiging buhay ko sa piling ni Claire na masyado palang demanding," anito. "Demanding si Claire dahil nararamdaman niya na wala ka talagang panahon sa kaniya kahit na mag-asawa na kayo. Dahil kahit naman nagpakasal ka na, hindi parin nagbago ang lifestyle mo. Trabaho-bahay ka, bahay trabaho... O mas madalas, trabaho-trabaho at trabaho ka lang," anang pinsan niya. Napabuntong hininga nalang si Daryl sa sinabi ng pinsan. "Yeah, you're right. That's why I decided to let her go. Pumayag na ako sa annulment na hinihingi niya." "At sa palagay mo, paano matatanggap ng mga elder natin ang mga bagay na ito, ha? Alam mo naman na nawiwindang sila kapag may isa sa atin ang nagiging dahilan ng pagkasira ng pamilya. They want us to be solid–“ "And perfect! Perfect family and perfect life! And that's bullshit! Hindi ba nila maintindihan na hindi naman palaging mangyayari ang mga gusto natin mangyari sa buhay natin? Tao lang tayo, Eman, may mga weakness din tayo." Napabuntong hininga nalang si Eman sa sinabi ng pinsan. "Okay, I understand you. Kahit naman ako, masyadong nape-pressured sa kanila noon kapag sinasabihan ako na kailangang maging maayos ang magiging buhay at pamilya ko. To the point na parang gusto kong ipamukha sa kanila na sa mundong ito, napakahirap maghanap ng perfect na relasyon. But when I met Jenna at ngayong kasal na kami, I could say na... perfect relations can exist in this world." Bahagyang naging mataginting ang tono ni Eman habang nakatingin sa kawalan na tila ba ginuguni-guni ang magandang relasyon nito. Napatingin si Daryl sa pinsan. Napailing na lang siya, gusto niyang mainggit dito. "Yeah, perfect relations can exist in this world. . . iyon ay kahit na hindi naman perpekto ang babaeng nakuha natin. . . as long as our feelings for her is perfect." Napatingin sa kaniya si Eman "Anong ibig mong sabihin?!" "Ang ibig kong sabihin, walang hindi magiging perpektong relasyon kung ang damdamin natin sa ating karelasyon ay ganoon kalalim. And in your part, you're madly inlove with your wife kaya tingin mo sa lahat ng bagay, sa mga nangyayari sa buhay mo, at sa pagsasama ninyo ay perfect. Samantalang ako, inakala kong kaya ko pag-aralan ang feelings ko kay Claire. But definitely, I'm wrong," pabuntong-hiningang napapikit na lang si Daryl at isinandal sa swivel chair ang napapagal na likod dahil sa dami ng trabahong ginagawa sa buong maghapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD