CHAPTER 2

1032 Words
"So, ikaw pala ang sinasabi ni Drake na mahusay na abogado ng mga kagaya kong gusto nang makipaghiwalay sa asawa. Nice to meet you, Attorney Delgado," nakangiting inilahad ni Claire ang mga palad kay Lhianne. "The pleasure is mine, Mrs. Fernandez. Please have a seat," kaswal at bahagyang nakangiti lang na tugon niya nang tanggapin ang palad ng babae at agad ding binitawan. Saka mabilis at palihim niyang pinag-aralan ang anyo nito. Maganda ang babae, sophisticated at mataray ang dating dahil sa kapal ng make-up at parang plastic ang ngiting nakapagkit sa mga labi nito. Pero magiging kliyente niya ito kaya dapat lang na pakitunguhan n'ya ito nang maayos. "Thank you, Attorney," agad namang naupo si Claire. "So, you're here para kunin ang serbisyo ko para ipa-annul ang kasal mo sa iyong asawa?" kaswal na tanong ni Lhianne sa kaharap. "Yes, Attorney. Bukod sa ini-recommend ka ni Drake na humawak sa annulment case nila ng kaniyang dating asawa, nababasa ko na rin ang pangalan mo sa mga broadsheet at na-research ko na sa internet ang track record mo as a lawyer. And I could say that I'm very impressed," wika nito. "Well, thank you. So, what about your case? Ano ang problema ninyo ng asawa mo?" kaswal na tanong ni Lhianne. "Ah, yes, my husband. . . hindi ko na kayang makisama sa kanya," mabilis na tugon ni Claire. "Why?" nakataas na kilay na tanong ni Lhianne kay Claire. "Feeling ko, sinasayang ko lang ang kabataan at kasariwaan ko sa kanya at hindi rin ako magiging maligaya habang kasama ko siya." "How could you say that? Anong klase ba siyang asawa sayo? Sinasaktan kaba physical, nambababae, nagsusugal, lasenggo o ano?" "Well, none of the above. Actually, he's a good provider, hindi lang dahil sa isa siyang Fernandez na isinilang na may gintong kutsara sa bibig. Hindi rin siya irresponsible, sugarol o lasenggo o babaero. Lalong hindi rin siya nananakit. . . physical. But emotionally, hah! He's very good at that!" bahagyang nagdilim ang aliwalas na mukha ni Claire at nabahiran ng lungkot at puot at pagdaramdam ang mga mata nito. She sounds so bitter. "What do you mean?" Lalong nabuhay ang curiosity ni Lhianne sa nabasang magkahalong emosyon sa mga mata ng babae, lalo pa at personal niyang kilala ang mga Fernandez dahil dati siyang taga Angeles City Pampanga kung saan nagmula ang naturang angkan. Ang ma-impluwensyang angkan ng mga Fernandez. In Fact, may isang particular na Fernandez na kilala niya. . . Kilalang-kilala at hinding-hindi makakalimutan habang nabubuhay siya. Galit at poot ang nararamdaman niya para sa tao na iyon. Because he is a certified jerk! "Well, masasabi kong nakasal kami dahil sa kasunduan ng aming mga magulang. Sa madaling salita fix marriage. Pero kahit paano, umasa parin naman ako na magiging masaya sa piling niya. Afterall, sa umpisa palang ay may gusto na ako sa kanya. Kung tutuusin, he's my dream guy. Taglay niya ang mga katangian ng isang lalaki na walang babaeng hindi magnanais na matagpuan sa lalaking gustong pakasalan nila. Guwapo, may magandang pangangatawan at higit sa lahat mayaman. Kaya kahit na ang mga magulang namin ang may gusto, pumayag akong magpakasal sa kanya. Pumayag din naman siya sa fix marriage na iyon kaya kahit na papaano ay umasa ako na magiging maayos din ang lahat. And for more than 2 years, patuloy akong umasa na matututuhan niya akong mahalin. But sad to say, na-realize ko na wala akong hinihintay sa kanya. Dahil habang tumatagal ang aming pagsasama, lalo lang tumataas ang pader na nakapagitan sa amin dalawa. Lalo kong naramdaman na. . . hindi niya talaga ako m—magawang mahalin." Bahagyang pumiyok ang tinig ni Claire, maya-maya ay napahikbi na ito. "D—dahil habang pinipilit kong maging mabuting asawa para sa kaniya, habang pilit kong ipanadarama sa kaniya na may pag-asang maging masaya ang aming pagsasama, kaunti mang effort mula sa kaniya ay hindi ko nadama at nakita sa dalawang taon naming pagsasama. A—alam mo ba, na sa loob ng dalawang taon naming pagsasama, mabibilang ko lang sa mga daliri ko sa kamay at paa ang pagkakataong. . . may nangyari sa amin. At iyon ay dahil ako lang ang nagsisimula at may gusto," mahabang paliwanag nito. "Really?" hindi makapaniwala sa narinig ang dalagang abogada. 'May lalaki bang tatanggi sa ganito kagandang babae?' "Y—yes. My God! Alam mo ba kung ano ang p—pakiramdam ng para akong may sakit na iniiwasan niya pagdating ng gabi at kailangan na naming mahiga sa kama para matulog? P—para akong mumurahing babae na nagsusuot ng mga sexy na damit, nagpapaganda gayung matutulog na lang, o kung minsan, halos maghubad na ako sa harap niya. But the worst was. . . wala man lang akong maramdaman na reaction mula sa kanya. Natutulog siyang nakatalikod sa akin, o kaya naman, lalabas at pupunta sa library para harapin ang mga uwi niyang trabaho. Kadalasan pa rin, ginagabi siya ng uwi, minsan madaling-araw na. Ang dami niyang reasons kesyo galing sa trabaho may ka-meeting na kung sinu-sinong kliyente, o kahit na anong katwiran at dahilan. At habang tumatagal unti-unti na akong nawawalan ng tiwala sa sarili ko. Feeling ko, ang pangit ko na, My God Attorney! Ganoon ba ako kapangit sa paningin ng asawa ko para iwasan niya? Hanggang dumating na ako sa point na nagrerebelde na. Umaalis na rin ako ng bahay, nagpupunta kung saan-saan, sa mga kaibigan, sa mga party at kung saan-saan na gimikan. Sumasama ako sa mga lakad na out-of-town ng mga kaibigan ko o kaya ay uuwi ako sa bahay ng parents ko. At ayoko na ng ganoon, hindi ko na kaya. So, I decided to let him go. . . completely." mahabang kwento ni Claire na napahagulhol na rin ito. Ilang sandali natahimik si Lhianne, tuluyan na siyang nakadama ng simpatya sa kanyang kliyente. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Bilang abogado marami na rin siyang kasong nahawakan pero sa kaso ni claire masasabi niyang kakaiba ito sa mga kasong nahawakan niya dati. Kalimitan kasi ang mga dahilan ng mga babae kung bakit nakikipaghiwalay ay minamaltrato ng asawa o hindi kaya mga babae ang asawa ay hindi na nakakapag-sustento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD