KATAHIMIKAN ang namamayani sa amin ni Kevyn habang lulan ako ng kotse niya para ihatid sa bahay. Ewan ko sa lalaking 'to, pabago-bago ng mood. Hindi ko talaga siya maintindihan. Masyado siyang tahimik at hindi ko mahulaan ang iniisip niya. Napaka-moody niya talaga kahit kailan. Humalukipkip ako at nakasimangot na tumingin sa labas ng kotse. Berdeng mga puno ang bumungad sa akin at iilang bahay na simple lang at gawa sa kahoy at kawayan. Hindi ako nakatiis kaya nilingon ko ulit siya. "Bakit masyado ka atang tahimik, Sir?" basag ko sa katahimikang nakakabingi. Hindi lang kasi talaga ako sanay na hindi siya umiimik na para bang galit siya. "It's none of your business, Mara," masungit niyang sagot. Ito na naman siya, nagsusungit. Tsk! Palihim ko na lang siyang inirapan at muling bumaling sa

