Kabanata 4

1393 Words
BAHAGYANG napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay narating din ng tricycle na sinasakyan ko ang mansyon na pagtatrabahuhan ko simula sa araw na ito. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang bahay sa harap ko. Mataas ang gate ng mansyon na may pakurabang mga disenyo. Kulay itim iyon at sa loob ay kitang-kita ang mataas at malaking mansyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaganda at kalaking bahay. Bumaba ako ng tricycle habang ang aking mga mata ay napako na sa magandang bahay na nasa harap ko. Tinulungan ako ni Manong tricycle driver na ibaba ang bag na dala ko. Malaki iyon na puno ng mga gamit ko na parang doon na talaga ako titira. Bumaling ako sa driver. "Salamat po, manong." Sabay nginitian ko siya. Tumango siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa magarbong bahay na pagtatrabahuhan ko. Nasa labas pa lang ako pero sobrang namangha na ako sa mala-palasyong hitsura ng bahay. Nakapagpaganda pa sa tanawin ang malalagong punong nakapaligid doon. Parang isang palasyo sa isang malayong bundok na tinitirhan ng isang magandang prinsesa't gwapong prinsipe. Kinuha ko ang backpack na dala ko at sinakbit sa aking likod. Binitbit ko naman ang isa pang malaking bag na naglalaman ng mga gamit. Para ngang balak ko nang dito tumira dahil sa dami nang dala kong gamit. Lumapit pa ako sa mataas na gate. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo na wari mo'y isang estatwa roon. Siya marahil ang guard. Pinindot ko ang doorbell kasabay ang pagtunog niyon. Nakita kong gumalaw ang guard at lumapit sa gate. Binuksan niya iyon na parang sinasabi niyang 'welcome sa mansyon ng mga Bautista'. Ngumiti muna ako sa guard pero tila hindi man lang ako napansin ng lalaki. Agad din niyang sinara ang gate pagkapasok ko. "Suplado," bulong ko. Muli ko na lang ibinaling ang aking atensyon sa paligid. Sinimulan kong landasin ang pasilyo patungo sa mismong bahay. Habang naglalakad, hindi nakakaiwas sa aking mga mata ang napakagandang harapan ng bahay. Punong-puno iyon ng mga bulaklak at iba't ibang halaman. Ang iba'y may mga hugis pa na talaga namang nakakaagaw pansin. May mini fountain din roon. May bahay-bahay sa garden na may duyan pa. Ang sarap sigurong tumambay doon. Napangiti ako dahil sa pagkamangha. Natanong ko rin kung paano napaganda ng ganoon ang mga iyon. Sobrang ganda at inaaliw ng mga tanawin ang aking mga mata. Hindi ko rin napapansin na panaka-naka lang pala ang hakbang ko dahil sa labis akong naaaliw sa bonggang tanawin. Narating ko ang main door ng mansyon. Nakahulma pa rin sa mukha ko ang pagka-amaze sa lugar. Lumingon muli ako sa dinaanan ko bago nagpasiyang mag-doorbell. Tumunog iyon na agad naghatid ng kaba sa akin dahil sa pagbukas ng pintong iyon ay ang simula ng bagong buhay ko sa mansyong ito. Sa loob kung saan 'di ko kilala ang mga taong naroon. Ilang saglit pa at bumukas ang main door at tumambad sa akin ang isang medyo may edad ng babae. Dahil sa suot niya, agad kong nalaman na isa siya sa mga katulong doon. Sa tingin ko ay edad kwarenta na siya. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "Hello po, ako po si Anna Marie Castillo. Mara for short. Ako po ang bagong magiging katulong dito," magalang kong pagpapakila sa kaniya. Medyo napabilis pa ang pagsasalita ko dahil sa kaba. Napataas siya ng kilay at sa huli'y napatango rin. Sinuri pa niya ako mula ulo hanggang paa. Para akong dinala sa pulis at may kasalanang kailangang suriin. "Nasabi na sa amin ni Donya Melissa na darating ka ngayon. Oh, hala pumasok ka na." Humakbang ako papasok sa loob ng mansyon. Naiilang pa ako no'ng una na itapak ang paa ko sa tiles na sahig ng bahay. Na tila isa-isang pinapaputi dahil sa kintab niyon. Lalo akong namangha nang tuluyan akong makapasok sa loob ng mansyon. Sobrang laki niyon at bawat sulok ay tila trinabaho ng mga magagaling na manggagawa dahil sa ganda ng bawat sulok niyon. Punong-puno ng mga disenyo at halatang mamahalin ang mga gamit na naroon. May magagandang paintings at malalaking litrato sa wall, may sofa-ng tila napakalambot upuan, at may mga furnitures na napakakintab. "Oh, Mara, you here." Napabaling ako sa nagsalita. Ngumiti agad ako nang si Donya Melissa ang tumambad sa akin. Ilang beses ko na rin kasi siyang nakita sa personal. "Hello po," bati ko. Lumabas sa boses ko ang hiya at kaba dahil sa presensiya niya at sa lugar na kinaroroonan ko. "Masaya akong makita ka rito, Mara. Kumusta ang byahe mo papunta rito? Sigurado akong napagod ka," ani ng Donya habang nakangiti. Napakagaan niyang magsalita. Napakaganda ng Donya. Hindi ko mahulaan ang totoo niyang edad dahil natatakpan iyon ng simple niyang ganda. Para bang hindi uso sa mukha nito ang salitang 'pagtanda'. "Hindi naman po ako masyadong napagod. Naaliw din po kasi ako sa magandang tanawin." "So, before anything else ayusin mo na muna ang mga gamit mo." Bumaling siya sa babaeng sumalubong sa akin kanina. "Mildred, samahan mo si Mara sa magiging silid niya para maayos na niya ang kanyang mga gamit," baling niya sa babaeng unang nakita ko dito sa mansyon. Mildred pala ang pangalan nito. "Sige po, Donya." Bumaling naman sa akin ang tinawag na Mildred ni Donya. "Sumunod ka sa akin," aniya. Ngumiti muna ako kay Donya Melissa bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya. Umakyat kami sa hagdan na sobrang puti at ang sarap lakaran. Aminin ko man o hindi, nabano talaga ako sa bahay ng mga Bautista. Sumunod lang ako kay Ate Mildred na tahimik na naglalakad. Narating namin ang ikalawang palapag ng bahay. Nilibot ko ang aking paningin at namangha muli ako sa ganda at ayos ng lugar. Huminto si Ate Mildred sa tapat ng pinto at binuksan iyon. Nagtaka ako dahil isa iyon sa mga kwarto sa taas at hindi pangkaraniwan. "Si Donya Melissa ang nagsabing dito raw ang magiging kwarto mo, sa tabi ng kwarto ni Sir Kevyn," aniya habang nakatingin sa akin. Bahagya akong nailang. "Bakit dito raw? Hindi ba dapat sa maid's room ako, kasama kayo?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko rin alam, eh. Siguro dahil magiging alaga mo si Sir Kevyn. Nasabi naman ata sa iyo ang magiging role mo dito sa bahay, 'di ba?" "Opo," naiilang kong sagot. "Bago ang lahat, ako nga pala si Mildred, ang Mayordoma ng bahay na ito. Tawagin mo na lang akong Ate Mil." Ngumiti pa siya na bahagyang nagpapanatag sa aking kaba. "Sige po, Ate Mil." "Oh, siya. Iiwan na kita rito. Ayusin mo na 'yang mga gamit mo." "Salamat po." Pagkatapos niyang magpaalam, lumabas na rin siya ng silid at naiwan akong laylay ang balikat dahil sa kakaibang pakiramdam. Bigla akong kinabahan dahil nasa room ako na mas malaki pa ata sa bahay namin. Idagdag pang katabi ko ang kwarto ng anak ni Donya Melissa. Sinara ko ang pinto ng silid at nalula ako sa hitsura niyon. Hindi ko naman inakala na sa ganitong silid ako tutuloy. Napakaganda't ang laki nito para sa katulong. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa nakikita kong set-up ng silid. Nang tila nakabawi na ako, lumapit ako sa malaking kamang naroon. Bahagya ko pa 'yong tinitigan dahil sa laki at tila lambot niyon. Hindi nga ako nagkamali dahil lumubog ang puwet ko nang umupo ako roon. Nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit. Nilabas ko ang mga damit na dala ko at isa-isa iyong inayos at nilagay sa cabinet. Nilagay ko na rin sa side table ang mga litratong dala ko. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang mga iyon. Para kapag nami-miss ko ang pamilya ko, may litrato akong matitingnan. Nang matapos ko nang iaayos lahat ng gamit ko, inayos ko naman ang aking sarili. Nagbihis ako ng bagong damit. Muli akong lumingon sa paligid at napalabi na lang ako dahil sa magandang lugar na kinaroroonan ko. Pagkatapos ay, pabagsak akong humiga sa malambot na kama. Agad sumagi sa isip ko ang pamilya ko at ang kalagayan nila doon. Na-guilty ako bigla ng maalala ko sila. Habang ako nasa magarang kwarto, sila nandoon sa bahay na hindi katulad nito. "Ano kayang ginagawa nila ngayon?" malungkot kong tanong sa kawalan. Nami-miss ko na agad sila. Sana, lahat kami nasa ganitong silid natutulog. Pumikit na lang ako para iwaksi ang mga iyon sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD