Kabanata 5

1851 Words
DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan patungo sa sala para pag-usapan namin ni Donya Melissa ang magiging trabaho ko rito at kung magkano ang magiging sweldo ko. Hanggang ngayon, mangha pa rin ako sa mga nakikita ko. Nadatnan kong nakaupo si Donya Melissa sa isahang sofa habang umiinom ng kape. Napaka-elegante niyang gumalaw. Simula sa pagdampot niya sa tasa hanggang sa pag-inom niyon. Napakaganda ng mukha niya at napakaaliwas niyon. Kaya naman nababawasan ang kaba ko at napapatag ang aking loob. Napakabait ng mukha niya. Hindi ko man lang iyon makitaan ng kahit kaunting pagka-suplada. "Magandang tanghali po, Donya Melissa," bungad ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya. "Have a sit," aniya at tinuro pa ang isang sofa na katapat niya. Ngumiti muli ako sa kaniya bago umupo sa tinurong sofa. Uminom muna siya ng kape bago matamang tumingin sa akin."Natutuwa ako dahil pumayag ka sa alok ko na magtrabaho rito," panimula niya habang hindi pa rin maalis ang matamis niyang mga ngiti. Ngumiti ako. Natutuwa ako sa Donya dahil sa tiwalang pinagkaloob niya sa akin, lalo na sa pamilya ko. "I've known your family years ago, that's why I decided na ikaw na lang ang kunin ko. Palagi ka kasing naikekwento sa akin nila Sonya at Martin at dahil doon parang kilalang-kilala na kita." Bahagya pa siyang natawa. "Natutuwa nga ako sa tuwing naririnig ko ang mga kwento ng mag-asawang 'yon. Kitang-kita ko sa kanila kung gaano ka nila kamahal at kung gaano sila ka-proud sa 'yo. Kaya hindi na ako nag-isip kung sino ang kukunin ko." Nahihiya akong ngumiti. Nakakataba sa puso ang mga narinig ko mula sa kaniya. "Maraming salamat po. Lalo na po sa pagtitiwala sa pamilya namin." Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Donya Melissa. "Hindi naman mahirap pagkatiwalaan ang pamilya ninyo. Magaan ang loob ko sa kanila dahil alam kong mabubuti silang tao at nagsisikap sa buhay." "Salamat po talaga kaya po asahan po ninyo ang maayos na pagsisilbi namin sa pamilya ninyo." Napangiti siya at tumango. "Pag-usapan naman natin ang iyong duties dito sa bahay," paglilihis niya sa usapan.Tumango lang ako bilang tugon at pinagdikit ko ang aking mga labi. "Hindi kasi sanay ang anak kong tumira sa ganitong lugar. Laking Maynila siya at hindi naman sanay sa lugar natin dito sa probinsiya. Ni hindi niya alam ang pasikot-sikot dito." Ngumiti siya sa akin. "Kaya gusto ko sanang bantayan mo siya habang narito siya sa Poblacion. Magiging personal na katulong ka niya. Sa kaniya ka lang magsisilbi. Lilinisin mo ang silid niya at ipaghahanda ng breakfast. Huwag kang mag-alala, mabait naman ang anak kong 'yon, medyo na-spoiled lang kasi." Bahagya pang napatawa ang Donya sa huling mga sinabi. Bigla akong kinabahan nang marinig na spoiled nga ang anak niya. Ano pa nga bang aasahan ko? "Hindi ka naman obligadong linisin ang buong mansyon. Ang tanging lilinisin mo lang ay ang silid ni Kevyn. Nandiyan naman sila Mildred para gawin 'yon." Jusko! Iisipin ko palang na lilinisin ko ang buong mansyon na 'to, nahihilo na ako. Sa laki ba naman nito. Baka ilang oras na akong naglilinis 'di pa ako tapos. "Liliguan, bibihasan, papakain, at patutulugin ko po ba ang anak ninyo?" nahihiya kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang paglapad ng ngiti ni Donya Melissa na parang natuwa siya sa naging tanong ko. Napailing siya. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, Mara. Hindi na bata si Kevyn para gawin mo pa ang mga bagay na 'yon," natatawa pa ring sabi niya Baka naman special 'yong anak ni Donya Melissa? Bigla na lang pumasok sa isip ko ang ideyang iyon. Bakit nga naman kukuha pa ang Donya ng magbabantay sa malaki na niyang anak? "Kailangan mo lang siyang bantayan. Kung gusto niyang mamasyal dito sa Poblacion sasamahan mo. Pangalawang beses pa lang kasi ni Kevyn dito. Ang una ay bata pa siya noon. Hindi mo naman siya liliguan katulad ng iniisip mo," aniya na natatawa pa rin sa huling sinabi. "Kapag may iuutos siya sa'yo na kaya mo namang gawin, gawin mo. Pero kung hindi mo kayang gawin hayaan mo siya, okay? Huwag ka ring maging mabait sa kaniya. Treat him the way you want," dagdag pa niya. Tumango lang ako bilang tugon at naiilang na ngumiti dahil sa naiisip ko. Gusto kong itanong iyon, pero nahihiya ako. Baka kasi iba ang maging dating niyon sa kaniya. Palaisipan kasi kung bakit kailangan ko pa siyang bantayan. Maliit lang naman ang Poblacion kumpara sa Maynila na pinanggalingan nito para maligaw ang anak niya, isa pa malaki naman na siya bakit kailangan pa ng bantay. Pasimpleng humugot ako ng hininga para isatinig ang iniisip ko. "Special child po ba si Kevyn? Hindi po ba siya normal kasi abnormal siya?" Nahihiya man pero naglakas loob akong isatinig iyon. Gusto ko lang kompirmahin para kung ganoon man, mapaghandaan ko. Napangiwi ako nang biglang tumawa ang Donya. Bigla rin akong nahiya dahil baka na-offend ko siya sa sinabi ko. "Who's you're talking about? Sino ang abnormal?" Nagulat ako at bahagyang napapitlag nang marinig ko ang lalaking boses na iyon mula sa aking likod. "Sino ang abnormal?" ulit nito. Nanlaki ang mata ko at kinabahan dahil sa tono ng boses ng lalaki. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng Donya. Naramdaman ko ang pag-ikot ng sikmura ko at ang bahagyang paninigas. "Nandito ka na pala, Nak. Where have you been?" tanong ni Donya sa lalaking kahit hindi ko lingunin alam ko ang anak niya iyon na si Kevyn. Ano'ng gagawin ko? "I went to somewhere," sagot nito. "Who is this woman? How dare her para sabihing abnormal ako?" Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi. At bahagyang yumuko. "From now on, she's your personal maid." "Seriously, 'Ma, personal maid?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Hey, probinsyana girl!" Napapikit ako ng mariin dahil sa pagtawag niya. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang lumingon. Muntik na akong malaglag sa aking inuupuan nang tumambad sa akin ang isang gwapong mukha pero may nanlilisik na mga mata. Nakadiin ang mga palad niya sa sandalan ng sofa-ng inuupuan ko. Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko na ang mabango niyang amoy. Lalaking-lalaki ang amoy na iyon. Lalo akong kinabahan nang titigan niya ako na tila hinahalukay ang pagkatao ko. "Abnormal, huh?" Ngumisi siya. Tila may banda sa aking dibdib dahil sa kaba at lakas ng kabog niyon. Ang mga titig niya na tila kinukuha ang lakas ko. Gusto kong umiwas pero bakit 'di ko magawa. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa mukha ko na hindi man lang naiilang sa ginagawa niya habang ako naninigas at hindi makagalaw. Nang gumalaw ang mukha niya, mabilis akong napapikit. "L-lumayo ka," nakapikit kong sabi at itinulak ang kamay ko pero walang lumapat sa palad ko. Nagmulat ako at nakita kong nakalayo na sa akin ang lalaki. Ngumisi pa siya bago bumaling sa ina. "Mom, I've told you, I don't need that damn personal maid. Personal bodyguard or anything you call for that. I'm not a kid anymore." Bodyguard? Ako bodyguard? Gusto kong matawa sa sinabi niya pero kasalukuyan pa akong sinasalakay ng kaba at hindi pa makagalaw ng maayos. Habang tinitingnan ko ang mukha ng lalaki, napagtanto kong pamilyar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya pero 'di ko matandaan. Tama, siya nga 'yon! Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ang lalaking iyon at kung saan ko siya nakita. Utay-utay akong tinakasan ng kaba dahil sa pamumuo ng pagkainis ko sa kaniya. Tumingin muli sa akin ang lalaki na parang kahit anong sandali ay sasakmalin niya ako. Iniwanan pa ako niya ng isang ngisi bago naglakad palayo. "Pasensiya ka na, Mara sa anak ko. Huwag kang mag-alala, ganoon lang 'yon. Hindi naman 'yon gagawa ng bagay na ikakasama mo. Sige na, umakyat ka na uli." Kahit medyo kinakabahan ako para sa sarili ko at sa lalaki, tumango ako at nagpaalam na sa Donya. Sana nga'y totoo lahat ng sinabi niya na hindi gagawa ng ikakasama ko ang lalaking 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Kevyn na kakalabas lang ng silid niya. Nabuhay na naman ang kaba sa dibdib ko kasabay ng inis ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. Mayamaya'y nagsalubong na naman ang kilay niya. Huminga muna ako ng malalim bago pinagpatuloy ang aking paglalakad patungo sa aking silid. "Why are you here?" Napahinto ako sa paglalakad. "Kasi po nandito ang silid ko." Naglakad siya palapit sa akin. "Hindi ba dapat nasa maid's room ka?" seryosong turan niya nang makalapit sa akin. Kahit kinakabahan, nangibabaw pa rin ang inis ko sa lalaki dahil sigurado akong siya ang lalaking muntik nang makabangga sa akin. "Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito...Sir." "I don't need a maid. Just go back to the place or planet where you came from," seryosong sabi niya. Hindi ako nagpatinag. "Si Donya Melissa lang ang pwedeng magpaalis sa akin dito." Nilampasan ko siya at dumeretso sa aking silid. Nang akmang isasara ko na ang pinto niyon, may kamay na pumigil doon. Nagulat ako ng pumasok sa loob ng silid ko si Kevyn. "A-anong ginagawa mo? Lumabas ka dito." "What we're going to do? That's the right question, Ms. Probinsyana." "Ano ba?! Lumabas ka rito. Sisigaw ako!" Ngumisi lang ang lalaki. "Sisigaw ka? Sige, sigaw." Bigla kong naalala ang mga paalala nila Maica at Oscar. Baka nga hindi namin alam ang takbo ng utak ng lalaking ito dahil laki ito sa Maynila at spoiled pa. Baka kilalang babaero ito at manyakis pa. Umapaw ang kaba ko. Natatakot ako. Napaatras ako nang umabante palapit sa akin si Kevyn. Umatras ako nang umatras hanggang lumapat na ang likod ko sa malamig na pader. "Gotcha!" Sabay ngumisi pa siya. Nanlaki ang mga mata ko nang ituon niya ang dalawang palad sa pader para corner-in ako. Malapitan kong nakikita ang mukha niya at ewan ko ba kung bakit may kakaibang hatid iyon sa akin. Para bang ang sarap pagmasdan ng gwapo niyang mukha. Napalunok ako nang lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko. "N-nababaliw ka na ba? Layuan mo ako," nauutal kong singhal sa kanya. Kinalma ko ang aking sarili nang bahagya akong makawala sa kakaibang pakiramdam na iyon. Tinulak ko siya nang ubod lakas daan para magkaroon kami ng malaking distansiya na nagpabalik sa sistema ko. Panandaliang natahimik kaming dalawa at nagtama ang mga mata. Agad akong umiwas. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo. Nang makalma ko ang aking sarili nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ano bang problema mo?" "Ikaw." "Ako? Ikaw nga 'tong muntik nang pumatay sa akin doon sa palengke, tapos pinagbabalakan mo pa ako ng masama. Ikaw ang probema rito," inis kong bato sa kaniya. Napatawa siya. "Ako may balak sa 'yong masama? In your dreams. Just pack your things and leave!" "Hindi ako aalis." Gumuhit ang inis sa mukha niya. Salubong na naman ang mga kilay. "Then, okay. But I will make sure that your life here won't be easy as you think," pagbabanta pa niya. Pinagmasdan ko na lang ang paglayo niya. Nginusuan ko pa siya at inambahan ng suntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD