Kabanata 6

1397 Words
NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko. Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon. Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin. Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon. Napapikit ako nang mariin para pigilin ang inis na nadarama ko. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o sinasadya niyang hindi iyon buksan para asarin ako. Kung pwede ko lang sirain ang pinto, sinira ko na talaga ito para lang magising na ang Kevyn na 'yon. Dinaig pa ang mantika kung matulog. "Sir Kevyn, nandito na po ang breakfast n'yo," malumanay kong sabi kahit gusto ko nang sumigaw para magising na siya. Sunod-sunod na katok muli ang ginawa ko. Nangangalay na ako, dahil kanina pa akong nakatayo dito at hawak ang tray na may lamang pagkain. "Sir Kevyn." Kakatok na sana uli ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napaawang ang bibig ko ng tumambad sa akin ang isang bagong gising na artista, este unggoy. Gulo-gulo ang buhok, naka-boxer lang siya, at walang damit pang itaas. Nagwawala ang abs niya na ngayon ay nakalantad sa akin. Tila ba nanghahamon iyon na titigan ko lang hangga't gusto ko. Natural na sa akin ang nakakakita ng abs dahil halos lahat ng lalaki dito sa probinsiya ay mahilig maghubad. Hindi ko nga alam kung bakit walang dating sa akin ang mga iyon, pero ang abs niya iba ang dating sa akin. Nakakamangha. Nakakatuyo ng lalamunan. Nakakatulala. Ganito ba ang dating ng abs na tubong Maynila? Mara, huwag marupok, saway ng isip ko. "Is it your first time to see abs?" Mabilis akong nagbalik sa huwisyo ng marinig ko ang boses niya. Mabilis kong iniangat ang aking tingin para ilayo sa nang-aakit niyang mga abs. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa hiyang nadarama ko. "H-hindi! Maraming pagkakataon na akong nakakita ng abs at wala iyong dating sa akin," depensa ko. "Walang dating, huh?" Nanunuya ang boses nito. Bahagya pang ngumisi ang mokong. Walang pasabing nilampasan ko siya. Pumasok ako sa loob ng silid niya at tinungo ang table para ilagay roon ang breakfast niya. Narinig ko ang paglapit niya. Umupo siya sa sofa. At ang luko, wala pa atang balak magsuot ng damit. Hindi ba niya alam na nanunuyo ang lalamunan ko. Baka ma-dehydrate ako nito. Pinilit ko ang aking sarili na hindi siya tingnan. Natatakot ako na baka mapako na naman ang tingin ko sa kaniyang katawan. "Don't be shy, it's free." Kunot-noong binalingan ko si Kevyn. May pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Ano'ng pinagsasasabi mo?" "Innocent, huh?" Hindi pa rin naaalis ang pilyo niyang mga ngiti. "Handa na po ang breakfast ninyo. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." Pinilit kong pasiglahin at ngitian siya pero lumabas lang iyon na plastik. "What's your name again?" "Mara po." Straight lang akong nakatayo habang hawak ang tray na pinaglagyan ng pagkain niya. "Mara," ulit niya sa pangalan ko habang nakatingin lang sa akin. "Sige po, aalis na ako." Tumalikod na ako. Tuluyang nakalaya ang hangin ng kaba nang makalabas ako ng kwarto na iyon na tila nagpa-init sa paligid. Hindi ko inasahan na ganoon ang magiging reaksiyon ko. "Oh, Mara, bakit parang nasabugan ng bomba 'yang mukha mo? Hindi na maipinta," nangingiting puna ni Andrea–ang isa sa mga katulong sa mansyon. Ka-edad ko lang din siya. "Nagtanong ka pa. Malamang dahil sa alaga niya," sabat naman ni Ate Mil. Pinakilala na sa akin ni Donya Melissa ang iba pang katulong sa mansyon. Apat kaming katulong dito sa loob ng bahay, dalawang hardenero, dalawang driver, at 'yong isang guard na estatwa na suplado. Ang ilan sa kanila ay umuuwi rin sa gabi dahil tagarito rin sila. Nakagaanan ko naman agad ng loob ang ibang mga katulong dito dahil mababait naman sila. "Ganoon po ba talaga matulog si Sir Kevyn? Nakahubad at naka-boxer lang?" kunot-noong tanong ko sa kanilang dalawa. Napangiwi pa ako. "Oo. Bakit, nagulat ka ba?" nakangiting tugon ni Ate Mil na tila may ibig sabihin. "May karapatan naman talagang maghubad ang kagaya ni Sir Kevyn. Para siyang model ng calvin klein 'no. 'Yong mga nakikita ko sa magazine. Ang gwapo niya!" Hindi maitago ang paghanga at kilig sa mukha ni Andrea. "Tapos 'yong abs niya, parang ang sarap haplusin at matigas pa sa bato," tila nagpapantasya niyang dagdag. Tumingala pa siya at pumikit. Nginusuan ko siya, saka tinaasan ng kilay. "Kung sa bagay, may ipagmamalaki naman talaga siya," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. "Pinagpapantasiyahan mo rin si Sir Kevyn, 'no?" nanunuksong tanong ni Andrea. Agad tumutol ang mukha ko. "Ako, pinagpapantasiyahan ang mokong na 'yon? Hindi 'no." Hindi siya ang lalaking gusto kong pagpantasiyahan. Inirapan ko si Andrea. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom. Kanina ko pang nararamdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. "Hindi ko alam na namumula ka pala kapag nakakakita ng abs, Mara?" Lumingon ako kay Ate Mil na sumunod pala sa akin. Nanunukso ang mga tingin niya. "Hindi 'yon, Ate Mil. Wala 'yon," pagdepensa ko habang iwas ang tingin. Hindi ko alam na namula pala ang pisngi ko dahil sa nangyari. Kung sa bagay, sino nga ba naman ang hindi mamumula, eh, napahiya ako kanina. "Asus! Naiintindihan naman kita, pantasiya ng buong bayan si Sir Kevyn at hindi malayong tama si Andrea na lihim mo ring pinagpapantasiyahan si Sir Kevyn," patuloy niya sa pang-aalaska sa akin. "H-hindi, Ate Mil. Nagulat lang talaga ako kanina. Hindi naman kasi ako sanay na makakita ng halos hubad na lalaki." "'Yong totoo, Mara?" "Ate Mil naman, eh! Iyon na 'yon wala ng ibang dahilan," kunot noo kong tugon. "Sige, payag." Pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido sa sagot ko. "Maiwan na nga kita diyan, Mara." Natatawa niya akong iniwan doon. Napailing na lang ako. Lumapit ako sa lamesa at dinampot ang pitsel. Nagsalin ako sa baso at agad iyong tinungga. Ginhawa ang naging hatid niyon. Napawi ang uhaw na kanina lang ay nararamdaman ko. Ngumuso ako habang iniisip ang nangyari sa silid ni Kevyn. Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Dapat pinigilan ko ang sarili ko na titigan ang hubog niyang katawan. Pinilig ko ang aking ulo para itapon palabas ang mga nangyari. Hahakbang na sana ako palabas ng kusina nang mabungaran ko roon si Kevyn. Mataman siyang nakatingin sa akin na para bang may kasalanan ako sa kaniya. Nakasuot na siya ng sando at short. Napalunok ako ng laway nang makalapit siya sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa presensiya niya. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa. "Are you trying to kill me?" aniya sa inis na tono habang nakatingin sa mga mata ko. Napakunot ang noo ko. Bakit ko naman siya gustong patayin? Hindi pa naman ako demonyo para pumatay ng tao. Kahit pa inis na inis ako sa kaniya. Tinitigan niya ako habang salubong ang mga kilay. Nakita kong lumihis siya at tinungo ang lamesa, habol tingin lang ako sa kanya. Nabawasan rin ang kaba na nararamdaman ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa lumaki na ang pagitan naming dalawa. "Sa susunod, pag magdadala ka ng breakfast isama mo na rin ang tubig. Gusto mo bang mabulunan ako o sadyang gusto mo lang gumanti sa akin?" masungit na saad pa niya at agad tinungga ang baso ng tubig. Nagulat ako ng maalalang wala nga pala akong tubig na dala kanina. "N-nalimutan ko lang po Sir," malumanay kong sabi. Pero sa loob-loob ko nakangiti ako dahil tama siya, nakaganti na ako kahit pa paano kahit na hindi ko talaga intensyon iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD