Kabanata 7

1061 Words
"ATE CLARA, tulungan na po kita." Lumingon sa akin si Ate Clara at agad na ngumiti. Isa si Ate Clara sa mga katulong sa bahay. Matanda siya sa akin ng mahigit pitong taon. Medyo matagal na rin siyang nanunungkulan sa pamilya Bautista. Dahil sa tapos naman na ako sa aking trabaho sa taas, naisipan kong bumaba para tumulong sa gawain dito sa baba kahit wala iyon sa responsibilidad ko. Medyo naiinip ako kapag walang ginagawa at nakatunganga lang. "Hindi na, Mara, kaya ko na 'to," pagtanggi niya. "Nasaan ang alaga mo?" Habang patuloy siya sa pagwawalis sa hardin. Napakamot ako sa noo. Lahat kasi silang tatlo, laging tinatanong sa akin si Kevyn sa tuwing bumababa ako. "Nand'on po sa taas, nagkakape." Ako na lang ang dumidistansiya sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag magkalapit kami parang nagbabanta ang world war III. "Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo rito?" "Hindi naman po. Sanay na rin naman po kasi ako sa mga gawaing bahay." "E, sanay ka rin bang mag-alaga ng isang katulad ni Sir Kevyn?" nangingiting aniya. Napaisip ako. "Medyo po, pero hindi sa katulad ni Sir Kevyn. Masyado siyang spoiled at ang hirap pakisamahan," dismayado kong pagtatapat. "Kung sabagay, sa batang spoiled pa nga lang ang hirap na, sa kagaya pa kaya ni Sir Kevyn na hindi na bata." "Mahirap po kasing makisabay sa spoiled na kagaya niya. Ang hirap niyang basahin." Lumingon ako sa magandang hardin ng mansyon. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak doon na talaga namang alagang-alaga dahil sa magaganda at malulusog nitong puno't bulaklak. "Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'yang si Sir Kevyn. Nasa Maynila lahat ng malalaki nilang negosyo, naroon din ang Daddy niya kaya nagtataka rin ako kung bakit siya nandito sa probinsiya." Sa pagkakataong ito, huminto na sa pagwawalis si ate Clara at bumaling sa akin. Napaisip ako. Sa pagkakaalam ko, twenty-five na si Kevyn at sa edad na iyon dapat mayroon na siyang posisiyon sa malalaki nilang negosyo. Pero nandito siya ngayon sa probinsya at ginulo ang tahimik kong buhay. "Makikipag-chismisan ka na lang ba riyan?" Kapwa kami napalingon sa nagsalita. Tumambad sa amin ang lalaking laman ng usapan namin. Nagkatinginan kami ni Ate Clara. Gumuhit ang bahagyang kaba sa mukha namin dahil baka narinig kami ni Kevyn sa pinag-usapan namin at magalit siya. "B-bakit po 'yon Sir?" malumanay kong tanong pero may pagka-inis doon. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil sa kaba. "Come with me." Napaismid ako sa kawalan. "Saan ko po kayo sasamahan?" walang gana kong tanong. "Sa banyo," walang pasubaling sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. "Liguan mo ako," seryosong dagdag niya. Lumapad ang ngiti sa labi ni Kevyn ng makita ang naging reaksiyon ko sa sinabi niya. Halos malaglag sa lupa ang panga ko dahil sa nakakagulat niyang sinabi. "Mag-isa ka!" Hindi ko na napigilan ang aking inis pero agad akong natigilan ng ma-realize ko ang sinabi ko sa amo ko. Umiwas ako ng tingin. "Do you think I really mean it?" nangingiting tanong niya na tila tuwang-tuwa sa pang-iinis sa akin. "Hindi ko alam na madali ka rin pa lang maniwala," aniya habang papalapit sa akin na wala lang sa kaniya ang naging asal ko. "You're my personal katulong—I mean you're my personal alalay kaya you should always with me. Whenever I am, you should also there," sabay ngisi niya sa akin. Nginusuan ko lang ang bawat sinasabi niya sa akin. Tinawag pa akong alalay ng mokong na 'to. Sabihin niya ang gusto niyang sabihin, wala akong paki. "Tapos ka na?" taas kilay kong tanong. "Ako naman ang magsasalita, Sir. Unang-una, hindi po ako nandito para maging alalay ng abnormal na kagaya mo." Hininaan ko lang ang pagkakasabi ng mga huling salitang sinabi ko. "Ano'ng sabi mo? Pakiulit?" Umiwas ako ng tingin. "W-wala po Sir, sabi ko saan tayo pupunta?" Kaswal ko pa siyang nginitian. Sa loob-loob ko natatawa ako dahil sa sinabi ko. "Bring me anywhere you want this coming weekend." Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at naglakad palayo. Napakunot-noo na lang ako. "Lakas ng loob mo, ah? Mag-isa ka!" Ginaya pa ni Ate Clara ang sinabi ko habang natatawa. Bahagya kong nakalimutan na may kasama nga pala ako. Mapakla akong ngumiti. "Kumukulo po kasi talaga ang dugo ko sa kaniya. Unang pagtatagpo pa lang namin alam ko nang hindi kami magkakasundo." "Hindi naman kaya type ka nitong si Sir?" At bumuo pa talaga ng teorya si ate Clara. Napangiwi ako. "Type agad, Ate Clara? Abnormal lang talaga 'yon at walang magawa sa buhay. Sige na nga po, pasok na muna ako." Hindi pa rin ako nakaligtas sa mapanuring tingin ni ate Clara. Natatawa pa siya at naiiling. Hindi agad ako umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Naisipan kong maglinis sa sala dahil tila wala pang naglilinis doon. Naagaw ang aking pansin ng makita ko ang isang family picture na nakasabit sa malaking wall ng sala. Lumapit ako sa litrato para lalo iyong makita ng malapitan. Bigla ko tuloy na-miss ang pamilya ko. Mahigit isang linggo na rin ako dito sa mansyon, pero pakiramdam ko isang buwan ko na silang hindi nakikita. Ito ang unang pagkakataon na nawalay ako sa pamilya ko ng ganito katagal at sobrang nami-miss ko na talaga sila. Masayang nakangiti si Donya Melissa sa litrato. Hindi ko talaga maiwasang purihin ang Donya dahil sa ganda niyang taglay kahit may edad na. Katabi niya ang isang gwapong lalaki na marahil siya ang kabiyak ng Donya. Magkatabi silang nakaupo sa tig-isang bangko. Nakita ko naman sa likod nila ang isang magandang babae, ang tamis ng ngiti niya na nagpalitaw sa natural niyang ganda. At sa katabi ng babae, nakita ko roon ang mukha ni Kevyn. Marahil kapatid niya ang babae. Napangiti ako dahil sa napakabait niyang tingnan sa litrato. Nagsimula na akong maglinis sa sala. Nagwalis at nagpunas ako ng mga furnitures doon. Sinigurado kong makikintab lahat ng iyon bago iwan. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nakasalubong si Kevyn na sadyang nagpapakulo ng dugo ko. Hindi ko nga alam kung magkakasundo pa kami ng lalaking 'yon. Sa ilang araw na pananatili ko rito, hindi ko pa nakikita ang sign ng magkakasundo kami. Tila lalo pa nga atang lumala at sayang-saya siya sa pang-aasar sa akin. Bumuga ako ng hangin at pabagsak na humiga sa malambot na kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD