Kabanata 22 (Part 2)

964 Words

Party ni Jerick? Seryoso ba siya, isasama niya ako doon? Anak ng Mayor si Jerick at siguradong mayayaman lang ang imbitado at hindi ako bagay sa ganoong mga party. "Ahm...a-ano kasi..." Kumamot ako sa batok ko, saka alangang tumingin sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kahit na anong party, eh. Hindi ako sanay, saka 'di ako bagay sa gano'ng klase nang party," nahihiya kong sabi at binigyan ko siya nang alangang ngiti. "Iba na lang ang isama mo kasi hindi bagay sa isang katulad ko ang pumunta roon bilang kasama mo." Bakas ang lungkot doon. "Hay! Ano ka ba Mara, okay lang 'yon. Kasama mo naman ako kaya 'wag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Napasimangot na lang ako at kumamot uli sa batok ko. "K-kasi ano...b-baka mapahiya ka lang do'n S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD