Kabanata 21

2368 Words

"OH, Sir, nandito pala kayo? Ang aga n'yo atang magising?" bungad ko kay Kevyn nang dumating siya sa kusina na halatang kagigising lang. Seryoso niya lang akong tiningnan at umiwas ng tingin. "Maagang nagmulat ang mata ko, eh, kaya napaaga ako ng gising." Alangan akong ngumiti sa kaniya at umiwas ng tingin. "Sir, s-sorry po wala pang breakfast. Wala pa po kasing stock na pagkain sa ref., eh! Namamalengke pa lang po sila Ate Mil," pagtatapat ko na kinakabahan dahil baka magalit siya. "Okay lang 'di naman ako nagugutom." Tatalikod na sana siya para tumungo sa refrigerator pero pumihit ulit siya paharap sa akin. "Hindi ba't sabi ko, 'wag mo na akong i-po!" Napaangat ako ng tingin kay Kevyn ulo. Biglang pumostora ang alangang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinabi niya no'ng nasa farm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD