TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon. Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko

