Kabanata 59

2182 Words

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Naisip ko na dapat gumawa ako ng paraan para kalimutan si Kevyn dahil pakiramdam ko'y mababaliw ako kakaisip sa kaniya. Kailangan kong gumawa ng mga bagay na magiging daan para kahit pa paano makalimutan ko siya. Hindi pwedeng nakakulong lang ako sa kwarto ko dahil mas lalo lang akong nalulungkot at hindi makakalimot. Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso agad ako ng kusina para magluto ng almusalan. Tulog pa silang lahat. Sinangag ko ang bahaw at nagprito ng tuyo at itlog. Ganoon naman kasi ang palagi naming almusal. Nag-init na rin ako ng tubig para sa paggising nila magtitimpla na lang ng kape. Isang oras pa ang lumipas at nagising na silang lahat. Lahat sila nagulat at nagtaka ng makita ang hapag na may pagkain na. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD