"SABIHIN MO na kasi Sir, ang dahilan mo kung bakit kailangan mo akon iwasan at yong sinabi mong may k-kailangan kang linawin?" pamimilit ko kay Kevyn. Ayaw kasi niyang sabihin sa akin kung ano ang totoong dahilan niya kaya hindi niya ako pinansin nitong mga nakaraang araw. Halos hindi na ako makatulog kakaisip doon at sa sinabi niya sa akin nang yakapin niya ako. Alam kong mahalaga iyon dahil kung hindi bakit pa niya ako kailangang iwasan? Umismid siya at kumunot ang noo. "Kahit kailan ang kulit mo talaga, Mara. Just don't ask ok?" naiiling na sagot niya kaya sumimangot ako. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi mo na kailangang malaman iyon, Mara ang importante naman sa akin, ok tayo." Kita kong ngumiti siya kahit naka-sideview siya. Ngumuso ako at umirap. "Ok, sabi mo, eh. Bahala ka n

