Kabanata 44

2234 Words

NAIINIS AKO! Naiinis ako dahil kay Jenicka dahil kasama niya ngayon si Kevyn sa farm. Naiinis ako at hindi mapakali. Mababaliw na ata ako kakaisip kung ano'ng ginagawa nila roon. Halos ayaw na ngang bumitaw ni Jenicka kay Kevyn. May payakap-yakap pang nalalaman at kulang na lang ata ay maghubad ito sa harap niya. "Bakit simangot na simangot ka?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko Nicko. Tumabi siya sa akin habang nasa gilid ako ng terrace. Inalis ko rin agad ang tingin ko sa kaniya. Kanina pa siyang nakabalik galing sa paghatid kila Mama tapos si Kevyn at Jenicka wala pa rin hanggang ngayon. Nakain na nga rin niya ang nilagang saging na dala ni Mama. Natatawa nga ako habang pinapanood siyang kumakain dahil halatang sarap na sarap siya sa kinakain. "Kapag ba gusto mo ang isang tao,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD