"ANONG sinabi sa'yo ni Donya Melissa?" agad na usisa ni Andrea habang tahimik lang ako na nagpupunas ng mg furniture doon. Kanina ko pa ngang iniisip lahat ng sinabi ni Donya Melissa sa akin kanina. "Wala naman," hindi lumilingong pakli ko sa kaniya. Wala pa akong mood para ilitanya sa kaniya ang lahat ng sinabi ni Donya Melissa. "Wala ka diyan, e, ang tagal mo kaya do'n sa loob," giit nito. Makulit din kasi minsan 'tong si Andrea. Tumigil ako sa pagpunanas at saka seryosong lumingon sa kaniya. "Kinausap lang niya ako tungkol kay Nicko at Sir Kevyn," sabi ko na totoo naman. Tungkol lang naman kasi do'n sa dalawa ang pinag-usapan namin ni Donya Melissa. Sana lang magawa ko ang gusto ni Donya na gawin ko kahit alam kong mahirap iyon gawin. "Aysus! Pero alam mo, Mara, sobrang swerte mo. B

