TAHIMIK akong nakatayo sa gilid ng terrace at pinagmamasdan ang paligid ng mansyo habang nasa sala pa rin sila Kevyn at kausap si Ma'am Janice. Wala na rin naman akong gagawin doon kaya nagpasiya na lang akong umakyat dito. Napabuntong-hininga ako ng maisip ko si Kevyn at ang lahat nang nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw. Hindi rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Andrea sa akin. Hindi ko maiwasang hindi manabik kay Kevyn dahil pakiramdam ko ang layo-layo na namin sa isa't isa habang abala siya sa farm at kay Jenicka. Nami-miss ko na ang mga ngiti niya, ang pang-aasar niya sa akin, maging ang pagsusungit niya. "Why you're here alone? Anong iniisip mo?" Tila may kung anong bagay sa tiyan ko na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam dahil sa boses na iyon. Ang boses na labis na palag

