Samantalang maghapong naghintay si Shara ng reply ni Jagie, namuti na lamang ang kanyang mga mata sa kakasulyap ng cellphone. Paulit-ulit niyang tinitingnan kung nag-reply na ba ito, ngunit hanggang sa matapos ang oras ng kanyang duty, wala siyang natanggap ni isang mensahe mula sa binata. “Ano ka ba, Shara! Bakit ka nagpapaapekto sa mokong na ‘yon? Kung ayaw niyang mag-reply sa pasasalamat mo, edi huwag! Sino ba siya?! Akala mo kung sino siyang gwapo! For his information, madaming lalaking may itsura at mayayaman ang nagkakandarapa sa akin pero hindi ko pinapansin! Akala mo kung sinong pa-importante!” galit na wika ni Shara sa sarili habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Nakatitig siya sa mensaheng ipinadala niya kay Jagie bandang alas-dos ng hapon, ngunit ngayon ay alas-sais

