Abala si Detective Shara sa pag-aanalisa ng mga impormasyong nakalap niya mula sa mga biktima ni The Cleaner. Ayaw niyang magpaistorbo, determinado siyang makakuha ng konkretong impormasyon na magtuturo kung sino talaga ang serial killer upang mahuli na ito at matigil na ang pagpatay sa mga kaawa-awang babae. Pinag-aralan niya ang profile ni Glenda at ni Carla at inihambing ang mga pagkakapareho. Maya-maya ay naalala niya ang brown folder na iniabot sa kanya ng kanyang informant kanina. Mabilis niya itong kinuha at binasa. Ayon sa impormasyong nakalap ng kanyang imbestigador, may karelasyon si Glenda na isang matandang negosyante—may tatlong anak at kasal pa rin sa kanyang legal na asawa. Ilang beses na raw nakiusap ang babae sa asawa niyang negosyante na putulin na ang relasyon kay Glen

