“Hi!” Masiglang bati ni Jagie, kasabay ng isang ngiting abot-tenga, nang masilayan si Shara na lumalabas mula sa conference room. Kanya-kanyang namang lakad ang mga kasamahan ni Shara patungo sa kani-kanilang mga mesa. “Mr. Jagie Montenegro, may maipaglilingkod ba kami sa iyo?” malamig na tanong ni Shara, hindi man lang tinapatan ang ngiti ni Jagie. “Ohhh... it’s too formal. You can just call me Jagie—” “Ano po ba ang kailangan ninyo, Mr. Montenegro? May ire-report po ba kayo? O magtatanong kayo ng update sa kaso ng pagkamatay ng empleyado ninyo?” agad na putol ni Shara sa sasabihin pa sana ni Jagie, ang tono'y puno ng propesyonalismo at distansya. “Oh... I’m just here to invite you for lunch.” “Marami akong inaasikasong trabaho, at kung wala ka namang ibang kailangan, maaari ka nang

