“Mam, nandito na po ang listahan ng mga nakiramay kagabi sa lamay ni Ma’am Glenda. Kasama na rin po diyan ‘yong mga nasa labas lang at hindi pumirma sa logbook,” wika ni Ronie sabay abot ng folder na may nakasulat na mga pangalan. “Salamat, Ronie,” nakangiting wika ni Detective Shara saka mabilis na kinuha ang iniabot na folder. “Sige po, Mam. Aalis na po ako,” paalam ni Ronie bago mabilis na tumalikod at lumabas ng opisina ni Shara. Agad namang binuklat ni Shara ang mga papel na ibinigay ni Ronie at isa-isa itong binasa. Karamihan sa mga nakalista ay pumayag na pumunta sa presinto upang personal siyang makapanayam, kaya’t hindi na niya kinailangang puntahan pa ang mga ito sa kanilang bahay. Laking ginhawa iyon para kay Detective Shara. Isa rin iyong hakbang upang hindi sila mapaghinal

