Malawak ang ngiti ni Jagie Montenegro habang naka¬dungaw sa malaking screen ng kaniyang laptop. Mabilis ang galaw ng daliri niya sa trackpad, pinapahaba ang thread ng isang viral rant laban kay Detective Shara Balmores. Ayon sa orihinal na nag-post, pinagbibintangan daw ni Shara na binayaran sila ni The Cleaner upang huwag ituro ang tunay na salarin; galít na galít tuloy ang mga tao sa lamay at sa social media. “Hindi kami mukhang pera! Alam namin kung gaano kapanganib ang halimaw na ’yan — mas pipiliin naming mabuhay kaysa tumanggap ng kakarampot na bayad!” Sunud-sunod ang mga komento ng pang-aasar kay Shara, at pati ang ilang dating tagahanga’y biglang lumihis ng suporta. “Idol pa naman kita, Detective Shara, pero ngayon…nakaka disappoint ka!” Tumawa si Jagie, halakhak na para

