Samantalang matapos ihatid ni Jagie si Shara sa presinto kung saan ito nagtatrabaho, agad siyang bumalik sa kanyang opisina. Masayang-masaya siya at hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad papunta sa kanyang private elevator na diretsong umaakyat sa kanyang silid. Ang mga masasaya at mahihinang tawanan nila ni Detective Shara kanina habang magkasama sila ay totoo—hindi guni-guni. Tunay ang kaligayahang nadarama niya, isang ligayang matagal na niyang hindi naranasan. Magmula nang iuwi ng kanyang ama ang isang bayarang babae sa kanilang bahay, unti-unting gumuho ang masayang pamilya ni Jagie. Ang dati ay tawanan, simpleng pamilya na punong-puno ng pagkakaunawaan ay napalitan ng pang-aapi, panlilinlang at pananakit—pisikal man o emosyonal. Mula noon, hindi na niya mulin

